I LAUGHED AT A POST

5 4 0
                                    

I LAUGHED AT A POST

I was scrolling down on my Facebook account when I came up to a post that said, "DYK? Kapag kinakausap mo sarili mo habang nag imagine ka ng isang fake scenario tapos tumatawa ka kahit mag isa ka, then you should undergo therapy. Isa itong uri ng mental illness. This is real, not a joke.

That kind of mental illness called MALADAPTIVE DAYDREAMING is a psychiatric condition. It was identified by Professor Eliezer Somer of the University of Haifa in Israel. This condition causes intense daydreaming that distracts a person from their real life. Many times, real-life events trigger daydreams."

I laughed at the post. Seriously? Who even does that? People do normally daydreams, why are these clout chasing people be calling it other names?" I ranted.

Napunta naman 'yung atensyon ko sa best friend kong si Kylie na nakabusangot na inilapag iyong iced coffee na pina-order ko sa kanya.

"Eto na oh." Padabog nyang sabi. "Ano ba yan Reyrey, ang laki-laki mo na oh di kana minor ba't ba 'di ka pa marunong umorder." Reklamo nya habang kunot na kunot at halos na magtagpo ang kaniyang kilay. Nahihiyang napangiti nalang ako at napakamot sa ulo.

"Sorry na." I mouthed at her and flashed her my puppy eyes. She gave a frustrated sigh sabay ng paghaplos nya sa kan'yang mukha na para 'bang kinikwestyon na nya 'yung mga desisyon nya sa buhay.

She jokingly rolled her eyes at me. "Nevermind."

Napahinga naman ako ng maluwag dun.

" So, anong balita? Any chismis o update dyan sa love life mo? Lagi na kasi kitang nakikita na nakangiti dyan sa cellphone mo." Nanlaki naman 'yung mata ko sa sinabi ni Kylie. Muntik ko na ring maibuga 'yung iced coffee na iniinom ko.

"W-wala no. Hindi ba pwedeng may nakakatawang memes lang?" Pagdedepensa ko na hindi naman nya pinaniwalaan. Makahulugan nya akong tiningnan na may nanunuksong ngiti.

"Kayo na ni David?"

Kung kanina muntikan ko lang maibuga 'yung iced coffee, ngayon naibuga ko na talaga. Muntikan pang mabasa si Kylie. She gave me a bombastic side eye to which I responded with a peace.

"Ano te, nagpapahalatang kayo na talaga huh?" Tanong nya na inilingan ko lang.

" Walang kami." nahihiyang sagot ko.

"Walang label siguro te." Puna nya pa. Napatango nalang ako sa sinabi nya kasi totoo din naman.

"Kung ako yan, sasagutin ko na yan si David. Alam mo yun, complete package na te akyat heaven ka na agad." Napahagalpak sya sa tawa habang hinahampas-hampas ako. Kung may hihilingin man ako sa oras na 'to ay sana lagi nalang galit si Kylie, kahit 'wag nang patawanin kasi panigurado bugbog sarado ako nito.

Doon lang sya napatigil sa pagtawa nung may napansin sya sa likod ko. Nagtatanong naman 'yung mga mata ko na tiningnan sya.

"Oh speaking of sa "ka-talking stage mo". Dumuro sya sa bandang likod ko gamit iyong bibig nya.

"Andyan na boyfriend mo." Sabi nya at tinapik 'yung balikat ko sabay bulong. "Enjoy kayo. Kwentohan mo ko mamaya." Namula naman 'yung pisngi ko dahil sa sinabi nya. Kahit kailan baliw talaga 'tong kaibigan ko.

"Hi." The moment I heard his voice, my heart skipped a beat na para bang hindi mapakali. All my nerves and senses responded to his voice alone.

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. And there, I saw his handsome face, those eyes that feels like it was staring right through my soul. Lumitaw naman iyong mga nakakatunaw nyang ngiti nang makita ako.

"Ganda mo." Napasinghap ako nang bigla syang bumulong. Amoy ko ang mabango nyang perfume.

All I could do whenever he's with me was to remain speechless and admire him in my mind. David was my crush ever since I stepped on high school. He was handsome, intelligent, kind and every girls dream. And to be told by him that I'm pretty was so heart melting I wish time would stop moving and clock to stop ticking.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now