Chapter 39

5 0 0
                                    

Chapter 39

Strangely, ang aga kong nagising. Naunahan ko pa nga ang alarm ko. Alas-kwatro pa lang ng umaga kaya nang makarinig ako ng mga kaluskos mula sa unang palapag ng bahay namin ay agad akong kinabahan. I took the broom that was left on the hallway and brought it with me on my way to the kitchen. 

"Hands up!" Sigaw ko nang makapasok ako sa kitchen ngunit walang kahit anong bakas ng emosyon ang makikita sa mukha ng taong nadatnan ko.

"Athena hindi matatakot sa iyo ang magnanakaw." Kuya Ace said in his usual monotone voice. Umiinom ito ng tubig habang nakasandal ang likod sa ref. 

"You knew na paparating ako?" Ibinaba ko ang hawak kong walis sa gilid saka umupo sa tapat ng counter.

"Yeah, paglabas mo pa lang ng kwarto." Napasimangot ako sa sagot niya. I'm so defenseless.

"Bakit gising ka na? Di ba nakainom ka?" Tanong ko nang maalala na iniwan ko pala sila kagabi na nag-iinuman sa bahay ng mga pinsan namin. 

"Sinong nagsabing natulog na ako?  We were drinking until two in the morning and I couldn't get a wink of sleep.  Anong gusto mong kainin? Ipagluluto kita." He rolled up his sleeves and then started taking out his utensils.

"Ikaw na bahala. Kunin ko lang phone ko." I answered, pagkatapos ay bumalik ako sa kwarto ko para kunin ang cellphone ko. Pagbalik ko sa kusina ay bigla akong nagutom dahil sa amoy ng sinangag. Muli akong umupo sa tapat ng counter tsaka naghanap ng mapagkakaabalahan sa aking phone. 

"Last night," pagbubuklat niya sa usapan. "Hinatid ka ba niya hanggang dito?" Alam ko agad kung sino ang tinutukoy niya. 

"Yes kuya, hinintay niya muna akong makapasok bago siya umalis." Sagot ko. Tumango lang ito ng hindi sumusulyap sa akin.

"How about your grades? 'Di ba magkasama kayo palagi para sa study thingy niyo? I hope you're not getting too close to him." Ramdam ko ang pagkaseryoso niya kahit na nakatalikod ito sa akin. 

'Di nagtagal ay inihain na nito ang kaniyang niluto, corned beef ang kasama ng niluto niyang fried rice. Pinagsaluhan namin iyon while talking about our careers. Dahil palaging busy ang mga parents namin at kadalasang nasa ibang bansa, silang dalawa ni kuya Ash ang tumayong mga magulang namin, and we learned to depend more on them than our parents.

 Kuya Ace is more like a mother though, siya ang in-charge sa kadalasan sa mga gawaing bahay habang si Kuya Ash naman ay busy sa kaniyang trabaho at madalas na nagbibigay ng extra allowance sa amin. It's his hard-earned money kaya talagang naa-appreciate namin yon.

Pagkatapos kong hugasan ang mga pinagkainan namin ay naligo na ako. Kung hindi agad magigising ang kapatid ko ay baka magpahatid na ako. I just want to arrieve early today for no particular reason. 

Nang makapagbihis na ako at ready nang umalis ay sumilip muna ako sa kwarto ng kambal ko. He's sleeping in the middle of a pile of papers. it must be related to his SC duties. Hindi ko na siya ginising at pinuntahan na si kuya Delvin. Okay lang din naman kung ma-late siya, he can easily reason out na may ginawa siya may kinalaman sa council.

Pataas pa lang ang araw nang makarating ako sa school. I saw a few students sa school grounds habang papunta ako sa building namin. Balak kong dumiretso na agad sa room namin since wala namang sinabi si Stone na sa library kami magkikita, pero nang makita ko ang madilim na building ay nag-iba ang direksiyon ko. 

Pumunta ako sa ilalim ng puno kung saan ko nakasama si Cold noon. It is a very peaceful place. Sa likod ito ng Science laboratory kaya medyo tago ang lugar pero kahit ganoon ay presko pa rin. Hindi rin madilim dahil sa mga lamp post na nakakalat sa buong campus. 

I was peacefully scrolling through social media nang makarinig ako ng mga footsteps papalapit sa akin. I turned off my screen and waited for the person to show up.

"Oh, you're here." He said in a baritone voice that I immediately recognized. He sat beside me like it's the most natural thing he'd do. Hawak nito ang kaniyang laptop sa isang kamay at baso naman sa kabila. 

"May gagawin ka ba dito? Paalis na rin naman ako." Sabi ko at tumayo na ngunit naramdaman ko ang paghawak nito sa kamay ko na mas lalo kong ikinagulat. Naramdaman ko ang marahang pagpisil niya rito. "Stay... if you want."

I took me some time to process his words. Nang mapansin nitong nakatingin ako sa aming mga kamay ay dahan-dahan niyang pinakawalan ang akin. 

I stayed. 

May ilang oras pa naman bago magsimula ang klase. Isa pa, Stone did not say anything about our study session kaya okay lang naman siguro kung mag-skip kahit isang beses lang. 

Kahit na pinanatili niya ako rito ay wala ni isa sa amin ang kumikibo. He's busy browsing something on his laptop habang ako ay nagsu-surf lang sa social media.

Napahikab ako na naging dahilan upang mapatingin siya sa akin. "Here, I haven't sipped that yet." Inabot niya sa akin ang kapeng dala niya.

I shook my head, "Hindi na, I'll be fine. Medyo napaaga lang ng gising kanina." 

"You sure? I'd rather not see you banging your head again in class later." He said. Kumunot ang noo ko hanggang sa naintindihan ko ang ibig niya sabihin.

"Hoy I don't do that kaya!" I rebutted, defending myself from his exaggerated comment. 

"But I'm pretty sure you did." His lips curved slightly.

"Staring is bad." Sabi nito kaya bigla akong napaiwas ng tingin. Alam kong pulang-pula na ang mukha ko kahit hindi ko tignan.

"I wasn't staring kaya." I tried to hide my face from him, then I heard him scoff which made me face him again.

"See? You are staring." 

"You seem very different from the first time I saw you," I confessed.

"Hmm, how so?" Tumaas ang isang kilay ko nang makitang isinara nito ang kaniyang laptop at bahagyang humarap sa aking direksiyon.

"You used to be so cold, I mean you are Cold, but you seem to have more facial expressions than I initially thought you'd have." Nanlaki ang mata ko nang makita kong siyang bahagyang tumawa. Why is he so full of surprises today?

"Well I can't really blame you for that. Iyon ang palaging nagiging impresyon sa akin ng mga tao, but you are the first one to say that I am different... probably because you are the only one who got me to show those emotions." He said as he start to pack his things. 

"Hindi rin, si Annika din kaya." I pouted, not really processing his words properly. Tumayo na ako tsaka pinagpagan ang likod ng palda ko.

"She's just a friend though." He murmured, although it was loud enough for me to hear but not clear enough for me to understand. Tumayo na din ito at isinabit ang kaniyang bag sa kaniyang likod. 

"Let's go, our study partners must be waiting for us. I don't want Kevin jumping to conclusions about us again." Pag-aaya nito na sinunod ko na lang. Sang-ayon din naman kasi ako dun sa sinabi niya. Sabay kaming pumunta sa aming classroom, thankfully wala pa si Kevs. Pero naroon si Stone na hindi maipinta ang mukha.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Courting a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon