Chapter 3

84 4 0
                                    

Sorry

Athena

"Oh, kuya. What are you doing here? Nasaan si Kuya Delvin?" Tanong ko kay Kuya Ace nang makasakay kami ni Kuya Emme sa likod ng kotse niya.

"Are you planning to make me look like your driver?" Walang ganang sabi nito. Lumipat naman si Kuya Emme sa tabi niya.

Nang makalipat na ito ay saka pa lamang niya sinagot ang tanong ko. "Kuya Delvin said that something came up to their house that's why he needs to head home today, and as for Ash, hindi ko alam. He just told me to pick the two of you up." He explained.

Tumango-tango lang kaming dalawa wondering what our older brother is up to today.

"Pinapasabi po ni Sir Ash na magbihis na raw ho kayo at pumunta sa poolside." Salubong ng bago naming maid na si Ate Divine ng makababa kami ng kotse. Nagkatinginan naman kaming tatlo at sabay-sabay na nagkibit-balikat. I guess none of us has an idea about this.

"Oh wow! Anong pumasok sa kokote mo at naisipan mong gawin 'to?" Tanong ni kuya Ace sa kambal niya, sounding a little sarcastic as he toir his gaze around the place. Pare-pareho kasi kaming nagulat nang makita ang likod-bahay namin na iba ang ayos. Mayroon pang mga nakasabit na ilaw na mas lalong nagpaganda ng paligid.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong matawa nang makita ang kuya ko na naka-apron na kulay pink habang mukhang nagpa-practice ng robotic na sayaw makaiwas lang sa panay na pagtalsik ng mantika.

"Wala naman. Napansin ko lang kasi na matagal na nating hindi nagagawa 'to ng tayong apat lang, so I arranged this." Mamamangha na sana ako kung hindi lang ito nagmukhang si Spiderman nang tumalon ito ilang metro ang layo matapos matalsikan ng mantika. Nevertheless I agree, the last time we did this was around three months ago.

"Are we waiting for someone else? Eat now, we've got a lot to chew." He said when he recovered from the pain.

Kumuha ako ng pagkain ko. I missed these times! Sinabihan din namin ang mga kasama namin sa bahay na makisama na rin sa amin dahil sobrang dami ng ipinahanda ni kuya na pinaunlakan naman nila.

Our night was filled with laughter and flashbacks. I didn't forget to take pictures to help us remember this day.

Alas-otso na ng mapagpasiyahan na naming magpahinga. Bago ako pumunta sa kwarto ko ay pinuntahan ko muna si kuya Ace sa kwarto niya para magpaalam.

"Kuya?" Tawag ko rito.

"Hmm?"

"Can I use your studio? I just have some pictures to print out." Tumango naman siya bilang sagot.

"Okay, thanks kuya, love yah!" Wika ko rito bago pumunta sa studio niya at gawin ang dapat gawin. His studio was meant to print out pictures that he took using his vintage cameras, but other stuff for modern cameras are also here.

.

"Okay class, you will be doing your research paper by pair." Anunsyo ng aming guro na nagpaingay sa mga kaklase ko. May ilang natuwa pero karamihan ay nais magreklamo kasama na ako. Madalas kasi ay ako lang ang gumagawa niyon. I never really knew what is their reason for sometimes making us do our works by pair.

Ang masama pa, hindi kami ang pipili ng partner namin. Knowing our teacher, once he said it, he said it. Nagsimula na siyang magbanggit ng pangalan ng mga partners.

"Mr. Delovino and Ms. Tan."

"Mr. Flores and Ms. Roxas."

"Ms. Trinidad and Mr. Reyes." I saw my seatmate blushed. Kahit na bihira lang siya kung magpakita ng reaksyon, alam kong crush niya si Faith Trinidad. Palagi ko kasi siyang nahuhuling nakatitig sa kaniya.

Courting a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon