Chapter 5

55 3 0
                                    

Skip.

Ands Says Archer

Athena

God, that was so awkward! Lupa kainin mo na 'ko please! Hindi na siya nagsalita at sumakay na sa kotse na huminto sa harap namin.

Nagulat ako sa ginawa niya pero on the other side, that's just right. Tama, we'll act as if nothing happened. Naghintay ako ng ilang sandali pa bago dumating ang driver namin.

"Nasaan po ang kapatid ko?" Tanong ko nang mapansin na wala ang kambal ko. Madalas kasi ay mas nauuna siya sa akin kung hindi niya ako sinusundo sa room ko.

"Ahh, may pupuntahan lang raw kasama iyong babaeng medyo may kaiklian ang buhok. Ka- Na- Ma- Mala? Miya?" Nalukot na ang mukha niya sa pag-alala sa pangalan nito.

"Maya po."

"Ayun, oo, Maya raw." Archer with Maya until today wasn't so surprising since I already saw him with a girl that lasted for a week. But him with her outside the school seems a bit unusual. He never brought girls outside the campus.

When I reached home, silence greeted me. I went to the kitchen and found ate Divine.

"Nasaan po sila, Ate Divine?" Tukoy ko sa pamilya ko.

"Oo nga pala, pinapasabi ng mga magulang mo may dadaluhan daw silang party sa Tagaytay at baka bukas na sila makauwi. Kanina naman, umuwi saglit dito si Ash at pinapasabi sa inyo na may pupuntahan daw siya. Sumunod naman si Ace sa kaniya at sinabing aalis din daw siya para mamili ng kung ano. Tapos nadinig ko naman kay Delvin na parang may lakad din daw yata si Archer." Napasimangot ako.

Kumuha lang ako ng makakain at nagpaalam na kay ate. Plano ko kasing magkulong sa kwarto ko hanggang bukas. It's not as if I'm going to have unnecessary interaction with them pero mas panatag ako kapag alam kong kahit may isa man lang sa kanila ang kasama ko.

Kain lang ako ng kain habang nagbabasa ng libro tapos nang tamarin na ako ay humiga na ko at nagsurf sa news feed ko. Ilang sandali pa, may narinig na akong sasakyan mula sa labas. That's the sound of kuya Ash's Subaru. Magsasaya na sana ako dahil finally may kasama na ako rito pero agad din iyong nawala nang marinig ko ang muling pagbuhay niya sa makina nito. Tsk.

Sumunod naman ang tunog ng sasakyan ni kuya Ace na pagkalipas ng ilang minuto ay umalis din. Narinig ko rin ang pag-alis ng van na naghahatid sa amin ni kuya Emme sa school. Muli akong napabusangot.

Isusumbong ko sila kay Papa, kabilin-bilinan niya kasi na huwag akong iwan mag-isa kahit pa may mga kasambahay kami.

.

"Hey, princess, wake up." Kuya Ash' soft voice awaken me. I restrain myself from turning and facing them. I can also feel the presence of kuya Ash and Emme.

"We're sorry for leaving you alone. Eto kasing si Ace at Archer hindi sinabi na aalis pala sila. I should have stayed with you." Anang Kuya Ash. Aww, kuya naman eh.

"Eh? Bakit ako? Hindi mo rin naman sinabi na aalis ka, ah." Ani naman ni Kuya Ace.

"I told kuya Ace kanina na may lakad ako with Maya." Apela naman ni kuya Emme. I wanna laugh at them. Para silang mga bata na nagsisisihan kung sino ang nagpaiyak sa kalaro nila.

"We're really sorry, princess. I bought you cupcakes." Wika ng kambal ko.

"I have chocolates." -kuya Ash.

"Milkteas and some stationery supplies here!" Kuya Ace.

Nainis ako. Nainis ako sa sarili ko. They know that bribing me with these is my weakness.

Courting a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon