Chapter 24: Tammy

10 1 0
                                    

Chapter 24: Tammy

Athena Elle's POV

Ang sama ng tingin sa akin ni Kevin pagpasok namin sa room.

"Did... I do something?" Sabi ko rito nang makalapit na ako sa kaniya.

"Bakit kayo magkasama?" He asked with arms crossed on his chest.

"Kinausap kami ni Sir Roland, bakit?" I answered then sat on my chair pagkatapos ay hinarap siyang muli.

"What's with the flower?" Sinipat nito ang bulaklak na nakasilip sa bag ko, hindi kasi kasiya.

"Ang weird mo today, Kevin. Stone just gave it to me." Bakit ba ang sungit sungit niya ngayong umaga?

"Ah, naunahan ka... Don't mind." Baling nito sa katabi niyang si Cold and patted his back but the latter glared at him.

"Eto naman, tinutulungan na nga kita eh!"

Pinabayaan ko na lang sila at ibinaling ang tingin sa paligid ko. Ands is still not around, and si Warren na ngayon ay katabi na niya ay natutulog.

"Bakit ba napaka-down mo?" Nabaling ulit kay Kevin ang atensiyon ko pero nasa harap ang tingin ko.

"I, have a bad feeling for today." Cold answered. That's a long sentence.

"Eh? Why—"

"Everyone take your seats please." Ani  Sir Roland pagpasok niya ng classroom habang may nakasunod sa kaniya na babaeng maikli ang buhok tapos may hawak na mga libro. Suot din nito ang uniform namin so sa tingin ko ay may bago na naman kaming transferee. But seriously, in the middle of the school year?

Kumaway ito sa direksiyon namin pagkatapos ay umusog ng konti ang tingin nito tsaka siya biglang nagblush. Kitang-kita ko iyon kahit na medyo nakatago siya sa likod ng aming guro dahil sa puti ng balat niya. Tumingin ako sa aking likuran maging sa aking katabi pero wala ni isa man sa kanila ang nagpakita ng reaksiyon.

"Athena! Bakit wala pa si Andromeda? May sinabi ba siya sa'yo?" Lumukot ng kaunti ang mukha ni sir nang hindi ko siya agad nasagot dahil masyado akong preoccupied dahil sa babae.

"W-wala po sir."

"Okay. You must have had no idea but we have a new transfer student. Please introduce yourself."

The lady stepped forward. "Hi everyone! I'm Tamara Anika Yang Alvarez but please just call me Tammy. I am the top student from my previous school. My best subjects are Math and Science but of course I'm also good at the rest. I also competed in contests and won everytime. I speak a total of six languages since it's a must in our international shipping business. Anyway, I can teach you guys a lot so just come to me if you need something. I'm looking forward to attending the rest of the school year with all of you, I'm very pleased to be in this class and meet you all." She ended her 'introduction' with a smile. The whole class gave her a round of applause pwera lang yata kaming apat.

Magsasalita pa lang sana si sir nang pigilan niya ito. "Can I sit there sir?" Tinuro nito ang upuan na nasa kabilang row na katapat ng kay Cold."

"Ahhh, yeah sure."

.

The bell rang, telling our teacher that her time's over. Agad na nagpunta sa kaniya-kaniya nilang mundo ang lahat. Wala si Ma'am Wixie ngayong araw so we skipped the most physically tiring subject plus we got an hour of free time.

I was reviewing the notes that our adviser gave us this morning to discuss it with Stone afterwards but someone unintentionally keeps bothering me.

"Hey, wouldn't you even say hi to me?" It's Tamara na nasa upuan ni Kevin na lumabas para mag-CR.

"Hi."

"Tsk, still the Cold that I used to know eh? Are you still not over with it? It's been a whole yea—" Bigla akong nacurious sa una niyang sinabi but she was cut off by Kevin.

"Oi, that's my seat." Parang narinig ko si Cold sa kaniya nang magsalita ito gamit ang napakababa niyang boses.

"Oh, sorry." She apologized then I saw her go back to her seat and talk to her seatmate with my peripheral vision.

Babalik na sana ako sa pagbabasa kaya lang muntik nang dumapo ang kamay ko kay Kevin ng bigla itong magsalita sa tabi ng kaliwang tenga ko. "Ano yan?" His original tone came back.

"Uh yung mga lessons na namiss namin, can you explain this to me?" I pointed at a random topic to test if he would actually teach me.

"Ahh that, you just have to substitute y then multiply it by x. I'll teach you more in detail later during lunch."

Natawa at natuwa ako sa sinabi nito. He's actually willing to teach me. "I'm just joking, we'll actually have to attend make-up classes later."

"Tsk." He pouted and went back to his seat.

Hindi na ako makapagfocus ulit kaya isinara ko na lang ang file holder na hawak ko at ibinalik iyon sa aking bag. Napadako ang tingin ko sa upuan ni Ands. Hindi siya pumasok ngayong araw even though she told me their vacation would end yesterday.

Inilabas ko ang phone ko para sana i-text siya pero biglang lumitaw sa screen ang isang pangalan.

Lover... Boy?

Kumunot ang noo ko, sino na naman ba to?! I was too busy to check and change the name of my contacts mula nang pinalitan ito ng kuya ko.

Where is Andromeda?

Nalaman ko lang kung sino iyon matapos kong mabasa ang message niya. Nag-angat ako ng tingin at hinanap siya sa labas. Nang makita ko siya ay nagkibit-balikat ako bilang sagot.

Bumalik ang tingin nito sa kaniyang cellphone pero agad na tumakbo papalayo nang marinig ang sigaw ng isang guro. Tsk, what kind of a student council is he? He should be a model student.

We stayed in the classroom for the rest of our free time before heading out to the canteen.

Si Kevin lang na nakaupo sa tabi ko ang kasabay kong kumain. We were peacefully talking when Stone came and joined us.

Lumapit sa akin si Kevin at bumulong. "I've been suspecting you two since this morning. May namamagitan ba sa inyo? 'Di ba kasama siya sa volunteering na ginawa niyo, may nangyari ba sa inyo?"

Nabulunan ako sa sinabi nito at inubo ng inubo. Kevin patted my back while someone handed me an opened bottle of water kaya kinuha ko agad iyon at ininom.

"You should be careful even when eating. Here, use it." Inabot niya sa akin ang kaniyang panyo.

"When I was in Vienna, a woman choked just by eating bread, good thing she was saved immediately. Of course I was the one who saved her, I was praised by everyone because it turned out that the woman was the mayor's—"

"Okay, thanks for the information... Who are you again?" Kevin said, cutting Tammy words once again. He talks as if he doesn't have a single interest in her.

"Tammy."

"Tamara." Ngumiti na lang ang babae sa ipinapakitang attitude ni Kevin.

"Ahh ikaw si Stone, tama ba?" Humarap ito sa katabi niya na tinguan siya.

"Sir David is looking for you in the faculty room, magsama ka daw ng kahit sinong lalaki sa class." Tammy informed then showed a big smile, halos magsara ang mga mata nito.

"At least choose just one to flir—Nope, no Stone, don't!" Mahina ang unang mga salita nito pero bigla itong lumakas ng may halong pagbabanta nang malaman niya ang ibig sabihin ng tingin ni Stone.

Tumayo si Stone at puwersahang isinama si Kevin paalis ng canteen. Kaming nalang dalawa ni Tammy ang naiwan.

Nagtaas ako ng tingin para kausapin siya. "Ibabalik ko na lang sayo ang panyo mo after I wash—"

Her reaction had me really surprised. Nakataas ang isang kilay nito habang seryosong nakatingin sa akin. "Keep it, I don't want it anymore."

Courting a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon