Chapter 35

12 1 0
                                    

Do you really have to go?

Andromeda

"How is school going, anak?" Tanong ng tatay ko habang nag-aalmusal kami. Napangiti ako nang makitang nagustuhan niya ang niluto ko.

"Ayos naman dad, and work?"

"Good, we're slowly getting some investors back. Norman and Althea are helping us a lot. Thank them for me kapag bumisita ka sa kanila, or much better, we should invite them for dinner, para naman makausap ko ulit ang boyfriend mo." I blushed upon hearing the word 'boyfriend'.

And speaking of him, nakatanggap ako ng text sa kaniya na malapit na raw siya. He insisted on going to school together today since maaga siyang papasok at magiging busy sa kaniyang SC duties kaya wala na kaming oras para magkasama mamaya.

Matapos kong basahin ang message niya ay nalaglag ang balikat ko nang wala na akong ibang text message. Hindi ba siya papasok ngayon?

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain at pagkatapos ay nagpaalam na sa aking ama matapos marinig ang busina ng van nila Athena.

"Good morning!" Archer held my hand para tulungan akong makasakay at umupo sa tabi niya.

"Good morning, nasaan si Athena?"

"Tulog pa, I told her na maaga kaming aalis ngayong umaga but that girl kept on watching her dramas. Narinig ko pa yata siyang umiiyak." He said and rolled his eyes na ikinatawa ko.

He pouted then pinched my cheeks. "Lef go!"

Hinawakan ko ang mga braso niya ngunit agad ko ring tinaggal ito nang maramdaman ko ang mabagal na paglapit ng mukha niya sa akin.

Ipinikit ko ang mga mata ko at hinintay ang pagdampi ng kaniyang labi ngunit nang ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin, binuksan ko ulit ang mga mata ko. He was looking away.

"G-gusto mo bang matulog? We still have around twenty minutes."

"O-okay." I just said and rested my head on his shoulder.

Ginising ako ni Archer pagdating namin pagkatapos ay hinatid niya ako sa room bago pumunta ng opisina nila.

Our room is open but no one is around yet. Wala ring masyadong tao sa hallway kaya ingay lang ng aircon at bentilador ang naririnig ko.

Kahit na kakagising ko lang ay nakakaantok ang katahimikan. Yumuko ako sa aking lamesa and freed myself from any thoughts.

"Ang dami-daming mas maganda tsaka single pero bakit ikaw pa?" Naramdaman ko ang marahang paghawi ng aking buhok.

I did not open my eyes to let him continue. Malakas ang pagtibok ng puso ko pero sinubukan kong kumalma.

Imbes na magsalita pa ay narinig ko ang mga footsteps niya palabas ng room. Nang alam kong nakalayo na siya ay tsaka ako umayos ng upo.

Sinubukan kong i-analyze ang mga sinabi niya habang hinihintay siyang bumalik.

"Anong bakit ako pa?" Nagulat ito nang makita ako. Ilang segundo rin ang itinagal bago siya makasagot sa akin. Walang ibang tao dito kaya malamang ay ako ang kinakausap o tinutukoy niya. Pwera na lang kung may nakikita siyang hindi ko nakikita.

He sighed first before anwering. "Bakit ikaw pa ang nakapartner ko eh ang dami nating mas magandang kaklase?"

Tsk. Hindi ko naman maitatanggi na mas maganda ang iba kong kaklase kaysa sa akin, but still!

"Eh ano naman ang kinalaman ng pagiging single doon ha?" Hanggang ngayon ay nakatayo pa rin ito sa may pintuan.

"I could have flirted with them." Hindi naging maganda sa pandinig ko ang isinagot niya.

Courting a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon