Chapter 29: Libre

9 1 0
                                    

Chapter 29: Libre

Athena Elle's POV

Matapos ang madramang ganap ay muli kaming bumalik sa classroom at napagalitan ni Ma'am Wixie dahil late na kaming nakapasok. Mabuti na lang ay hindi niya kami dinala sa detention room dahil humupa ang galit niya nang mapansin niya si Ands, alam ko iyon dahil napansin ko ang bahagyan paniningkit ng kaniyang mga mata ng pumasok si Ands. Dumadalas pa naman ang pagdadala niya ng mga estudyante sa detention room.

Sinimulan ni ma'am ang discussion pero walang nanatili sa utak ko mula sa mga sinasabi niya. My mind is still thinking about how disappointed I am to myself for being so selfish. Why did I never once notice that my best friend is suffering? Anong klaseng kaibigan ako?

Sinulyapan ko si Ands na matamang nakikinig sa aming guro, pagkatapos ay biglang nabaling ang atensiyon ko kay Warren na nasa desk ang ulo pero nakatagilid ito at nakatitig sa kaniyang katabi. Hindi ko alam kung hindi ba siya napapansin ni Andromeda o sadyang hindi niya ito pinapansin.

My attention went to the paper that Stone pasted on my desk.

You okay? Brighten up.

Kumuha ako ng ballpen mula sa aking bag at nagsulat ng reply.

I'm fine, just tired.

Kinuha ko iyon tsaka naman idinikit sa kaniyang lamesa. Napatingin siya sa akin dahil sa aking ginawa kaya pilit ko siyang nginitian. Pero mukhang hindi siya kumbinsido.

Maya-maya ay muli nitong ibinigay ang sticky note sa akin.

Join me later, let's eat. Libre ko.

Akmang ibibigay na niya sa akin ulit yon nang bigla itong hablutin ni Kevin. Nakatingin ako kaninang nagsusulat siya kaya hindi na ako nag-abala pang kunin iyon mula sa kaniya habang si Stone naman ay sinamaan na lang siya ng tingin. It would cause commotion if he tries to get it back.

"Aha, nagpapalitan pa talaga kayo ng love letter habang na sa klase ha!?" He whispered as he lean his head towards us, nagpabalik-balik ang tingin niya sa akin at kay Stone.

"It's not." Maikling sagot ko.

He read the letter with his lips mouthing every word he reads. His face brightened when was finished reading.

"Talaga?! Sama ako ah!" Napalakas ang boses niya, buti na lang ay kaaalis lang ni ma'am.

"No." Stone answered firmly.

"Wow, thank you!! Sama ka na din Cold, para the more, the merrier!" Inakbayan nito ang kaniyang katabi pero agad din itong tinanggal ni Cold.

Napa-face-palm na lang si Stone dahil alam niyang wala na itong magagawa.

Mabilis na lumipas ang oras at natapos na ang lahat ng klase namin para sa hapong ito.

Kevin was the first to stand up, agad nitong hinila si Cold palabas. I don't know why but I gave my seatmate an apologetic look. Mahina lang itong tumawa.

Hinintay ko si Ands sa labas at niyaya din siya.

"I'm fine, sumama ka na sa kanila, minsan lang manlibre yan eh." Nginusi niya si Stone na busy sa pakikipagkulitan kay Kevin na nakakapit sa braso ni Cold.

"Are you sure?" I put both my hands on her shoulders, and looked straight in her eyes.

Tumango ito, "Don't worry, I can get through this. Please don't tell Archer My Labs yet." I was somehow convinced since she's back to addressing my brother that way.

"Sige, ingat ka." I said as we part ways.

.

"So, where sould we go?" Halos maputol na ang leeg niya habang tinitignan si Stone na naglalakad sa likod namin. Nasa harapan kasi kami, he's clinging to my and Cold's arms on the other side, making sure na hindi ito makakatakas.

Courting a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon