Prologue
Emiya's Point Of View
"ASCENDING from the ground faster than lightning as he took a flight in control and wow! Sage demonstrated us how to hunt an enemy in an easy method ladies and gentlemen!"
"SkullBreaker clan is really on fire with this match, partner!"
"Twenty matches with only 4 losses, isang panalo na lang at hindi magtatagal malalagpasan na nya ang nagawa ng DarkVine clan sa nagdaang Monthly Tournament Record!"
"Tama! Nakapasok ang DarkVine clan sa Finals nang may 11 wins at 5 losses lang sila! Mukhang ganadong-ganado ang SkullBreaker clan na ipanalo ang labang ito ngayong gabi."
Larong hindi mapapantayan ng kahit na sinong players ang difficulty levels. Larong mahirap talunin kung mag-isa ka lang. Larong pinaka-misteryoso sa lahat and most of all, dito nakilala ang nag-iisang taong pinaka naging idolo ng buhay ko. From a single dark side of a small room. Alone there is a guy admiring the most invincible player praised by all in this community.
"Kuya Emiya! Tawag ka ni dad." that's the voice of my little brother from outside my room. I closed the laptop where I'm watching the livestream of the WOR online prelims. Napabuntong-hininga't tumayong inilabas ang sarili sa kwarto.
"Where is he?" tanong ko sa kapatid ko while tapping his head. Anim na taon ang tanda ko sa kanya so he's obviously smaller than me.
"Nasa sala. Kakausapin ka na naman siguro tungkol sa grades mo." nakita ko ang simangot ng kanyang mukha habang sinasabi 'yon.
I smiled to him. "Matulog ka na."
Tumango sya't dumiretso na ako sa ibaba. Naabutan ko si dad na nakatalikod habang nakaupo sa isang single sofa. "What's up, dad?"
"Sit down." malamig ang tugon nitong hindi ako tinitingnan at patuloy lang ang ginagawang pagtitingin sa hawak-hawak nyang Tablet.
Naupo ako sa kaharap na sofa at napansin kaagad ang card ko malamang na nasa mesa lang ding napapagitnaan namin. I sighed. "Here we go again."
"May binubulong ka?" I was slightly startled when he asked me instantly habang nasa akin na ang kanyang tingin. As usual napakatalas ng pandinig nya. He placed the Tablet on the table before showing irritance in his way of sitting. "Will you tell me the reason why you didn't make it to the top ten this time, again?"
I sighed. Sinasabi ko na nga ba't ito ang gusto nyang pag-usapan namin. Palagi na lang nya akong tinutulak na maging isang top student sa paaralan but I mean what's the point? Papasa pa rin naman ako hangga't hindi 74 ang grades ko.
"Dad."
"Don't spit lies like you did the last time, young man. Nakakasawa ka nang magdahilan! I'm tired of this attitude you're pulling everytime we're having a conversation like this." he cut my words short glaring straight into my eyes. All I can do is stare away with such calmness dahil sanay na naman ako sa ganito. I'm already used to this scene. Para lang akong nanonood ng sirang tape na paulit-ulit nagpi-play.
"Dad. Sinabi ko na sa inyo. Nag-aaral naman ako eh."
"'Yan na nga ang problema. Nag-aaral ka lang. But you're not even studying well. Di ba ang sabi ko dapat makapasok ka sa top ten student sa school nyo? Nakakarindi ang mga kaibigan ko, lahat ng mga anak nila laging first placers sa paaralan but you? All you gave me is shame! Ako nahihiya sa 'yo."
Tumayo ako't bumalik sa itaas nang hindi sya nililingon.
"Hoy! Anong ginagawa mo? Aalis ka na naman nang hindi nagsasalita?" I can clearly feel his anger from the way he talks.
"Goodnight, dad." as calm as I can, sinabi ko 'yon bago nawala sa paningin nya.
Kinabukasan, papasok pa lang ako ng library nang biglang may umakbay mula sa gilid ko. Shocks! Ang bigat!
"Kumusta na, Emi! Na-miss mo ba ako?"
"It's Emiya." pagtatama ko sa kanyang sinabi but he only laughed about it. Sumabay sya sa 'kin papasok ng library.
"Ah teka. Naglaro ka ba kagabi?" he asked while leaning on the bookshelf.
"No. Why?" nakaharap ako sa mga librong sinagot sya nang pasimple bago kinuha ang isang biology book.
Dumiretso ako sa isang table at nagsimulang mag-skip ng pages na tila may hinahanap. Umupo rin sya kaharap ko. "Sayang naman pala kung gano'n. May something interesting kasing nangyari kagabi kaya't chi-nat kita kaagad sa IGN mo kaso mukhang tulog ka. Di ka nagre-reply eh." Wala ba syang balak magbasa?
"I slept early last night. Medyo nawalan kasi ako ng gana maglaro so nagpahinga na lang muna ako." I tried to keep my voice low since napapansin kong nakatingin na rito ang librarian.
"Well. That's new." he said. "Anyway. Hindi ka talaga maniniwala sa sasabihin ko kung sasabihin ko lang ng diretsahan so I prefer you to be online later."
Tinitigan ko sya. "Why not just, tell me right now?"
He smiled which made me even more clueless than ever.
Jaren stood up. "Well. Kung gusto mo talaga, pagbibigyan kita."
Sinimangutan ko lang ito. "Don't play around, Jaren. Just spit it out already."
"Bumalik na sila."
Napakunot agad ang noo kong mas tinitigan pa sya dahil sa kanyang sinabi. "Anong ibig mong sabihing bumalik na sino?"
He leaned his head forward dahilan upang halos magkahalikan na kami ng taong 'to na mas malawak pa sa soccer field ang ngisi sa mukhang nakatitig direkta sa 'kin. "Ang Evil$aints clans. Bumalik na sila!"
If you enjoyed this chapter, please leave some insights for better improvements of the story.
BINABASA MO ANG
War Of Ranks Online: Volume 5
FantasyTHE FIFTH VOLUME OF THE NOVEL ENTITLED "War Of Ranks Online". Please read the previous volumes in sequence in order to understand the smooth flow of the story. Synopsis: Evil$aints clan was once called the most powerful group of all time which was...