Ranked #02: News

59 9 0
                                    

Chapter #02: News

Emiya's Point Of View

"WHY are you calling this early?" bagot ang boses na saad ko sa dumating na tawag. Nakahiga pa rin ako sa kama't hindi kailanman nag-isip na may iistorbo sa aking pagpapahinga.

"Emi! You need to listen. May maganda akong balita sa 'yo! You can guess it if you want."  Jaren answered over the line.

"Nope. I don't want to."

"Come on! Just do it. You're no fun at all, Emi. Just try guessing."

Napaungol ako sa inis at bahagyang nag-isip nang isasagot. "Based on your tone. I think you just got accepted from the RedSoul clan as their member." I'm just joking and expecting him to curse me for not taking it seriously.

"You're right! How did know?!"

Natigilan ako saglit at napabuntong-hininga. "Yehey. Galing ko." I said in a soulless manner.

"By the way, naghanap ka rin ba ng masasalihang clan?"

"Nope. I didn't." bumangon ako't binuksan kaagad ang TV sabay naupong muli sa kama.

"What? Emiya, kahit kailan talaga ang tamad-tamad mo."

"Who's talking like an old man now?"

"Pero, Emi. Seryoso nga. Bakit hindi ka man lang sumubok?"

"I don't want to. Okay? End of topic."

"Such news was truly shocking everybody! Kakapasok lamang sa balita mula sa isang restricted online chat forum screenshot na nagsasabing sa darating na O-sports sa Season 8 Tournament ng WOR online ay aasahan nating gagawa na ulit ng ingay ang legendary team na kilala ng lahat bilang ang Evil$aints clan after all these years na nawala sila."

"Ano 'yang naririnig ko?"

"Nanonood ako ng TV."

"Lakasan mo nga? Parinig din ako."

"May TV naman kayo. Ba't di ka dyan manood."

"Sayang kuryente. Galit na sa 'kin si dad kasi naiwan kong bukas ang TV kagabi kaya di na ako pinapahawak ng remote. Hay grabe na talaga. Para akong ampon dito."

"Lagi ka kasing nanonood ng porn. Kulang pa ang parusang 'yan sa 'yo."

"Naninita ka pa. Eh dalawa naman tayo."

"Dinadamay mo pa 'ko sa kasalanan mo."

"Pwede bang ampunin mo na lang ako sa inyo, Emi? Kahit ako na magbantay sa ref nyo. Okay lang kahit may sweldo tatanggapin ko."

"Ba-bye na."

"No, sweetheart wait--"

I hung up and continued watching the news. Puro kalokohan talaga ang taong 'yon.

"Pero hanggang ngayon, hindi pa rin nagpapakita sa publiko si Shadow kahit papalapit na ang big tournament na hinihintay ng nakararami. Alam naman ng lahat na marami na rin ang hindi makapaghintay sa pagbabalik nya."

"Tsaka bali-balita rin sa ibang tao ngayon na may nakakita raw na nambubugbog ng kapwa players itong, Evil$aints members!"

"Pero wala tayong sapat na ebidensya sa bagay na sabi-sabi lang. Sa ngayon, kailangan nating pagtuunan ng buong pansin ang parating na O-sports. Ito nga't kasama natin ngayon sa linya ang isa sa tinaguriang Second-placer ranking player na si Eden na kilalang admin ng RedEagle clan na nangunguna rin sa Top ranking clans sa kasalukuyan. At sinasabing sya ang inaasahang papalit sa trono ni Shadow bilang Top 1 ranking player subalit hindi nya pa rin yata naaabot ang tamang puntos para lagpasan ang nagawa ng ating, nananahimik na legendary player."

War Of Ranks Online: Volume 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon