Ranked #07: The Unveiled Truth

37 10 1
                                    

Chapter #07: The Unveiled Truth

Jeremy's Point Of View

GAMBLING.

No. I don't mean gamble for money. More like. Gamble for everything. That sounds more worst doesn't it? Anyways. For the sake of my image as the legendary player, I don't have a choice to just let those people out there, say something bad about me.

Alam ko. Masyado lang siguro akong childish kung papatulan ko sila pero mabuti na rin siguro ang ganito para naman malaman talaga nila kung ano ang totoo.

Three days later before the long-awaited O-sports Tournament. Naging viral na naman ang video kung saan binubugbog ko raw ang grupo ng mga players sa isang forest. Based sa kanilang naging caption nakasalubong daw nila si Shadow sa gubat. After that, bigla na lang daw nanlait si Shadow at hinamon ng away ang mga players sa video.

Hindi daw nila gustong lumaban pero nagpumilit si Shadow at sya pa ang naunang sumuntok at nabugbog silang lahat. Nawalan pa nga raw ng mahahalagang items 'yong iba sa kanila at bumaba naman ang levels no'ng mga na-resurrect sa Summoning Shelters. At ninakaw ni Shadow ang lahat ng mga 'yon.

Well. They cut the whole part of that video kaya gano'n na lang ka-accurate ang mga pinagsasasabi nila. 'Yong mga laban ko lang ang na-highlight na deemed as brutality and abuse of superiority daw dahil nambully ako ng players na mahihina sa 'kin.

Well. Tama naman sila. But not the part where I bullied them or abused them dahil lang sa mas malakas ako o dahil mas mahina sila. Pinagtanggol ko lang ang sarili ko, 'yon lang 'yon. But to the eyes of everyone who only saw the fabricated version of the recorded video, malamang hindi talaga nila ako paniniwalaan sa side ko kahit ano pa mang pagpapaliwanag ang gawin ko.

Maliban na lang if may konkretong ebidensya akong maipapakita sa kanilang lahat, na hoax lang ang lahat ng mga paratang nila tungkol sa 'kin. Isang matibay na ebidensyang magpapatunay na hindi ako ambisyosong player. Hindi masama at hindi rin mandaraya.

And today.

Since kakasabi lang sa 'kin ni Ate kagabi na dahil daw sa last viral video na 'yon. Totally banned na raw ang aming clan para sa Season 8 Tournament. Nakakagigil di ba? Kahit si Ate hindi nya kayang itago 'yong pakiramdam nya na sobrang galit habang sinasabi sa 'kin ng personal ang balitang 'yon kasama pa ang lahat ng aking clan members.

Kahit si Red nag-walk out no'ng mga panahong 'yon dahil nga sya lang yata ang nag-iisang taong pinaka-naaapektuhan sa nangyari. I'm sure gano'n naman kaming lahat. But to the point where we are all out of the game kahit na alam naming huling beses na ito nina Eldrin, Hans, Reji at Elfin. Tsaka pa kami na-ban mula sa paglalaro ng tournament.

I know.

Juniors like them should be the one who'll take over us as seniors of this clan pero iba kasi ang rason nila eh. Para na rin daw sa safeties at inner peace nila dahil bukod at bago pa man sila naging Evil$aints clan members, may sariling pangarap din sila sa buhay. Siguro. Masasabi ko nga talagang totoo nga ang kasabihang 'nothing is permanent'.

Either we want it or not. It's still part of growing up as human beings na hindi lang tayo nananatili sa iisang lugar at sitwasyon ng panghabambuhay. Uusad at uusad tayo hanggang sa may mawala o dumating. Parte 'yon ng buhay natin bilang tao. We also learnt not just to define the stars but to define where it came from. We learnt to define problem and also to define a solution. We all just need to learn how to accept things of what they are normally. And that's where we can find an absolute inner peace within us.

As the wind blows, my dark hair was dancing along with it. My clothes are swaying too as the coldness of the breeze wraps around me for a second.

Nasa sentro ako ngayon ng Gramoundell Town. Nakatayo sa tuktok nitong Chapel tower sa rooftop na may lapad na halos half-size lang ng isang tennis court.

War Of Ranks Online: Volume 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon