Ranked #03: The One Chased By Many

56 12 0
                                    

Chapter #03: The One Chased By Many

Third Person's Point Of View

THE dark room is silent.

A group of politicians are carefully seated around the huge table where a hologram video of the latest news is broadcasted. The latest issue is about the playthrough recordings of an unknown player where inside the video was a group of players bullying another players.

The assailants are what everybody called the Evil$aints clan. Without the admin known as Shadow from the recording, they still highly assumed that the once known legendary player is a total fraud and an unforgivable violent player in reality.

Hindi nakikita ang mga mukha ng mga politicians na nasa room pero ang bilang nila'y aabot sa dalawampu't-isa. Kabilang na roon ang isang hindi rin makilalang tagapamagitan ng sikretong pulong na ito na nasa pinakadulong bahagi ng kwarto kaharap ang isang glass-designed lectern na hanggang balikat at isang mikroponong naka-attached doon.

Tinatawag silang Dark Government na maihahalintulad sa organisasyon ng pinagsama-samang malalakas na mafia sa bansa. Gumagawa sila ng masasama't pasikretong krimen na kailanman ay hindi pa napapatunayan ng mga awtoridad na may ganitong uri ng grupong nagtatago sa mismong bansa.

Maraming koneksyon sa iba't-ibang bahagi ng department at government headquarters. Sila ang maituturing na mga pinuno sa kadiliman na kumukontrol sa mundo sa pinaka-sikretong paraan. Kung igagaya sa secret agancies o mga agents o spies, maaaring mas malakas ang impluwensya nila sa mga ito.

"Tatlong milyong dolyar. Ang paunang pabuyang ibibigay ko kapag nakuha nyo si Shadow at nadala muna sa akin. At pitong milyong dolyar kapag sigurado na akong papanig na sya sa 'tin at magiging isa sa mahuhusay na manlalaro ng grupong ating binuo." isang lalaking may salamin. Medyo may katabaan at nawawalan na ng buhok sa katandaan.

"Pero ang usapan ay limampung milyong dolyar, hindi ba? Kung gano'n nagkamali ba ako ng dinig no'ng nagdaang buwang pagpupulong natin?" isang matanda ulit ang nagsalita sa kabilang bahagi ng upuan.

"Nagbago ang isip ko." sagot no'ng mataba. "Sa lahat ng nandito, ako lang naman ang may pinakamalaking pabuyang iniambag pero dahil sa sobrang katagalan nyong mahuli ang Shadow na 'yon, nainip na ako kaya't dapat lang seryusuhin nyo ang bagay na ito kung gusto nyong ibalik ko sa dalawampung milyong dolyar ang napagkasunduang ibibigay ko."

"Iisa lang tayo sa organisasyong ito, baka nakakalimutan mo 'yon. Tungkulin natin ang magtulungan para sa ikabubuti ng sarili nating mga manlalaro para manalo sa darating muling paligsahan." isa pa sa kanila ang sumabat.

"Kung hindi lang sana bumalik ang hayop na Shadow na 'yon, dapat wala na tayong problema sa darating na O-sports tournament na ito." medyo may kapayatang lalaki naman ang nagsalita't inayos din ang bilog na salamin sa mata. "Isa syang napakalaking hadlang para sa ambisyon ng grupo at hinding-hindi ko hahayaang bumagsak lang tayo dahil sa iisang insekto lang."

"Kung isa lang syang insekto sa paningin nyo, bakit pa natin sya dapat katakutan? Bakit pa tayo magbabayad ng ganito kalaking halaga sa kung sinumang tao ang makakahuli sa kanya para sa atin." another voice was heard around the table. Medyo may edad na rin ito't naka-salamin at may maputi itong buhok at bigote. "At kung hadlang nga sya, hindi ba dapat iligpit na lang natin sya para tapos na ang problema?"

"Hindi natin gagawin 'yon." sagot ng mataba. "Hindi nyo kailanman dapat galawin ang taong 'yon hangga't hindi ko sinasabi." he suddenly acted defensive.

"Ang natural na plano'y hanapin sya't dalhin sa organisasyon at piliting sumali sa ating grupong binuo. 'Wag mo sanang kalimutan 'yon. Mr. White." babalang saad ng isa pa sa kanilang nasa palibot ng mesa. Sabay tingin sa direksyon no'ng may maputing bigote't buhok na lalaki.

War Of Ranks Online: Volume 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon