Chapter #14: Call
Third Person's Point Of View
TAHIMIK ang buong kwarto. Ang mga taong nasa kani-kanilang mga pwesto'y hindi alam kung ano ang kanilang gagawin o sasabihin mula nang masaksikhan nila ang epic comeback match ng Evil$aints clan. Kasama ang player na si Shadow.
Isang malakas na damba ng kamay sa mesa ang ginawa ng isa sa kanila't nagpakuha agad 'yon ng sari-saring atensyon sa lahat.
"Hindi ko gusto ang nakita ko kagabi. Masyadong malala ang kahihiyang binibigay ng mga tauhan mo, Mr. White! Akala ko ba kontrolado mo na ang labang 'yon bago pa man ito nagsimula? Bakit nanalo ang walang hiyang 'yon kagabi!"
"'Wag kang masyadong desperado dyan kung ayaw mong mas lumala pa ang sitwasyon." sabat ng isa't nagpatahimik sa una.
"Malinaw sa labang 'yon na tagumpay ang pagkuha natin sa tunay na NV glasses ni Shadow, subalit hindi ko akalaing hindi pa rin mababago no'n ang lahat."
"Hindi katuwa-tuwa ang husay ng lalaking 'yon kahit ano pang gawin nating pigil sa kanyang magtagumpay."
"Huminahon lamang kayong lahat." saad ni Mr. White. Sa lahat ng mga taong nandito. Sya lang ang may mas pinakamalakas na impluwensya ngunit dahil na rin sa sari-saring ugali ng lahat. Sya rin ang napagbubuntunan lahat sa sisi tuwing hindi umaayon sa kanila ang mga bagay-bagay.
"Totoong tagumpay nating nakuha ang pinagmamalaking NV glasses ng lalaking 'yon."
"Pero talagang mahusay si Shadow." sabat ng isa pang lalaking pinakatahimik sa kanila. Nilingon nito si Mr. White at gano'n din ito sa kanya. "Kahit ano pa mang pagpipigil ang gawin natin, talagang hindi natin pupwedeng tanggalan ng korona ang dating naging hari na, nang gano'n kabilis."
Isang mahinang tawa ang kanilang natanggap kay Mr. White. Nakuha nitong muli ang atensyon ng lahat. "Pero hindi naman ito ang huling beses ng kilos natin. Ito pa lang ang ating simula para tuluyang tanggalan ng karapatan si Shadow, na muling maghari sa buong tournament. Maghintay lang kayo. Dahil bago pa man nya makaharap ang pinakamalakas nating alas sa laban. Durog na sya."
***
Jeremy's Point Of View
SECOND NIGHT MATCHES FROM THE FOUR DIFFERENT BRACKETS!
GAME TIME: 6:00PM - 10:00PM
GAME PLACE: CENTER MALL (FIRST FLOOR)
FIRST NIGHT: BRACKET 2B2
SolemnCircle vs. ShipWrecker
FireFlicker vs. SavageSteel
BlackChain vs. KillingSickle
ElementalGeek vs. BrokenSeal
RedEagle vs. CelestialistNasa headlines ngayon ang magiging labanan ng mga clans mula sa Bracket 2. At gaya ng mababasa ro'n, siguradong makikita namin kung paano makipaglaban ang top 1 clan sa kasalukuyan na walang iba kundi ang RedEagle team.
"O, bakit ang tagal mo naman yata? Saan ka ba nagpunta?" pambungad na tanong sa 'kin ni Eerie nang makaupo sa kanilang tabi. Nasa tagong audience corner kaming lahat na Evil$aints maliban kay Emiya. Hindi ko malaman kung saan sya. Alam ko namang inimbita namin itong sumama sa aming manood. Siguro pupunta 'yon kung gusto nya.
"May ginawa lang ako sa labas. Nakasalubong ko kasi si Quill."
Tumaas ang isang kilay ni Falcon na nilingon ako. "Anong pinag-usapan nyo, admin? Nagbabanta na naman ba?"
Tanging simpleng pag-ngiti na lamang ang isinagot ko rito.
Nagsimula na ang labanan. All through out the games. Hindi maiwasang ma-highlight ang laban ng RedEagle clan sa Celestialist. Though the score is 4-1 dahil sa aming dismaya at ng ibang manonood, hindi namin masilayan sa battlefield ang pinagmamalaki ng marami na si Eden. But his team won the match without a doubt.
BINABASA MO ANG
War Of Ranks Online: Volume 5
FantasyTHE FIFTH VOLUME OF THE NOVEL ENTITLED "War Of Ranks Online". Please read the previous volumes in sequence in order to understand the smooth flow of the story. Synopsis: Evil$aints clan was once called the most powerful group of all time which was...