♣2

18 4 0
                                    

In this whole action ay wala na akong time para pag-isipan ang gagawin ko,dahil kung hindi ko ibubuwis ang sarili ko ay kawawa ang lola ko,siya ang mapapahiya dahil lang sa kamaliang naidulot sa kaniya ni mommy.

"Tatanggapin ko po ang offer niyo tito",walang pag-aalinlangan kung sagot na ikinagulat ng lahat.Kakadating pa lang ng iba at napagpasyahan ko na ang lahat.

"Ang bilis naman ata nun ija,sure kana ba?",nag-aalalang tanong ni tita Andrea.

"Opo,buo na po ang pasya ko",napailing-iling nalang si Lex habang tinatanaw kami sa isang gawi.

As if naman na hindi mo alam ang dahilang 'yan pvta ka?

Wala akong balak makipag-usap pero pinipilit ko lang ang sarili ko,hindi ako puwedeng mapahiya.

Kailangan ko tong pag-isipan ng mabuti para sa kinabukasan ko.

Napangiwi nalang ako ng walang dahilan,naman oh.

Si Xiandrei ang panganay ko keneme blah.blah.blah....

Si Lex naman ang pangalawa kong anak keneme blah.blah.blah...

Ang dami pa niyang sinabi! Puro lang naman siya anak niya gwapo,anak niya matalino,anak niya matipuno!! Edi kayo na!! Pano naman ako na hindi na nag-aaral?

Saglit akong huminga nang malalim at mabilis na tumayo,halata sa mga muka nila ang pagkalito,lalo na si Tita Andrea na kanina pa sat-sat ng sat-sat,at hanggang ngayon di parin siya tapos.Nakaramdam ako nang ilang hanggang sa pumutok na talaga ang mga neurons ko sa utak at nag susumigaw ng Tumayo ka!Tumayo ka! gannern!

Magkasalubong ang mga kilay nila at halatang naghihintay sa'king sagot.

Actually right now,Antonette niyo po ay blangko na.

"C-cr lang po muna ako",sabi ko at akmang aalis na pero bigla akong napatigil ng may humawak sa kamay ko,hindi ako nagpumiglas kase....

Gusto ko lang...

"Hanggang dito ba naman,papairalin mo ang pagiging tanga mo?",napatingin ako sa kanya.

Hayys!Panibagong gwapo.

Nagulantang ako sa nakita at napahawak sa dibdib dahil sa gulat.Akala ko si Lex na naman.

Hindi siya singkit katulad ni Lex pero medyo mas matangkad siya,hindi ko alam kung sino siya.

Magkasalubong ang kilay ko siyang tinignan,hanep din to makasabi nang tanga ehh.

Eh?Mas tanga kaya yung maid namin sa bahay!

"Excuse Me?",maarte kong tanong na nagpangisi sa kaniya.

Anong nakakatawa?

Weird...

"Miss,dun banda ang papunta sa Cr.",walang gana at parang sabog ang boses niya habang nag sasalita,pero nagawa niya pa kong ipahiya.

Napatingin kaming lahat dun sa tinuro niya.May malaking nakalagay na plaka "Comfort Room" ang nakalagay at bold letters pa.

Napatingin naman ako sa gawi ni Lex na ngayon ay tawang-tawa.

Nakakabuwesit! Dinaig pa yung fiancè kong ulol!

"Hindi ka naman talaga mag C-CR eh..."sandali siyang nag-isip at napahawak sa panga.."I don't know,maybe just an excuse to avoid our gazes?

"I'll take the chance now,Miss.I'm Xiandrei,panganay ako."

Hindi ito ngumiti,bagkus ay bumalik nalang sa puwesto niya upang ipagpatuloy ang pagkain.Napakurap-kurap ako.

Nag-iwas ako ng tingin.Ba't ba naman kase ako binigyan ni Lord nang maraming fiancè?Hindi naman ako nanghingi.

"Ano,napahiya ka na naman?",humalakhak lamang ang ulol na si Lex.Mabulok sana itlog mong tangina mo.

"I don't have time to play chit-chat with you,I'm here to bring back my Mom's fading dignity.At kung ako din ang papipiliin? Mas pipiliin ko pang maging dalagang matanda kaysa makapangasawa nang isang taong kagaya mong mahangin."

Nagulantang ang lahat sa bigla kong pagka seryosos,napahiya ako eh.

"If you'll excuse me,babalik na ako sa pagpapahinga.....",tinignan ko ang nag-aalalang muka ni Tita at Tito.

".....Tita,Tito,baka puwedeng bukas na po tayo puwedeng mag-usap.Inaantok na po kase ako."

"Sige iha,pahinga ka muna."

Tinignan ni Lex ang mamahalin niyang relo bago lumapit sa'kin.Hinawakan niya ako sa kamay.

"Hindi mo naman ako kailangang hawakan....",saad ko at ngumisi lang ang hudas.

"....ay ang kulit."

Tumungo na kami sa taas at saka na ako nag pasalamat sa effort niyang ihatid pa ako sa napaka lapit lang naman na kwarto.



Velasquez 1:Runaway GirlWhere stories live. Discover now