Chapter 1

0 0 0
                                    

Probinsiya ang lugar kung saan ako nagkamuwang, nagkamali, natuto, at tumindig sa sarili kong mga paa. Lugar kung saan ko nadarama lahat ng pighati, kabiguan, kabuwayan, at mga kapintasang lagi kong nakikita sa sarili kong anyo.

Ako yung tipo ng babae na walang pagpapahalaga o appreciation man lang sa sarili. I would always compare myself to others. Lagi kong itinatanong sa sarili:

"Why are they so beautiful while me is just ugly?"

"Why are they smart, but me is just average?"
"

They look so beautiful and sexy with their dresses, what about me? Naaaaahh boring and untidy!

"Why was I born tan while others born with white skin complexion?"

I'm so tired of myself. Madalas kong sinasabihan ang sarili ko na tama na, baka ito na yung oras para mahalin mo naman din yung sarili mo. But to no avail.

Madalas nakikita ng mga tao na palatawa ako, nakikipagbiruan sa kanila, pero di nila alam na, I have many unspoken anxieties within myself.

Oftentimes, people asked me for advice, which I obliged. Pero ni sa sarili ko ay hindi ko magawa-gawa o ma-apply man lang.

Perrrroooooooo...

Lahat ng mga kabuwayan na nadarama ko sa sarili at ang mga dahilan kung bakit hindi ko magawang mahalin ang sarili ko, ay naglaho lahat - nang makilala ko si RJ.

Walang mintis yung pagpapaalala niya sa akin kung gaano ako kaganda. Matalino raw ako at kyut.🥰 Hmmm.

Yun ngang isang araw, namasyal kami sa parke sa aming lugar, I was caught off guard nung sinabi niya bigla sa akin...

"Your clothes look good on you. I like your simplicity."

It made me blushed so f**king much. Napagtanto ko na, kamahal-mahal din pala ako no.

All those times I spent with him were all too good to be true. Akala ko hindi na matatapos yung kasiyahan ko dahil nandiyan na siya. Pero akala ko lang pala.

Napaglaruan lang ako ng mokong na yun. Hahay mokong na, dati mundo ko. YAWA.

Kaya pala kapag hindi kami magkikita, tuwing tatawag o magte-text siya palagi niyang sasabihin,

"Magluluto lang ako, I LOVE YOU."
"Huhugasan ko muna yung pinggan, I LOVE YOU."
"Matutulog muna ako, I LOVE YOU."
"Punta muna ako sa palengke, I LOVE YOU."

At kung ano-ano pang mga alibis. Di pala talaga seryoso. May pa-I LOVE YOU, TOO pa ako, peke naman pala. Yawa.

Nadagdagan na naman yung lumbay ko. Pwede kunin niyo naman yung iba uy. Hati naman tayo oh.

Peroooo kahit nasaktan ako, naghilom din naman. Iyak nga lang nung una. Ang pangit ko talagang umiyak, kaya tumahan na lang ako.

Di naglaon, meron na naman akong baby boy ayyy hindi pala baby kasi dambuhala siya tapos mas matanda rin sa akin. Hoy wag kayong ma-issue ha, konti lang naman yung age gap namin.

Siya pala si Nerde, matangkad, guwapo siya, sabi ng nanay ko. Buti raw nagkagusto yun sa akin. Basher din yung nanay ko sa 'kin. Anak nyo ho ba talaga ako? Charott.

Back to Nerde, na-feel ko talaga yung pagmamahal niya sa akin (feelingera na ako ngayon, minsanan lang naman) at yung talagang eagerness niyang makipagkita sa akin. By the way, sa facebook ko lang siya nakakausap. Kaya after mga ilang days rin, nagkita kami, and we clicked.

Masaya siya kausap, matured, and responsable rin. We also attended the mass.

Kaya nga lang, mga ilang araw rin, humingi na siya ng kiss.

Of course, I did not allow him no. Ano, easy to get? Maghintay muna tayo ng ilang araw. HAHAHA.

Ayun na nga, nasundan pa ang aming pagkikita hanggang sa umabot kami ng tatlong buwan. Pero gaya ng iba, hindi rin kami nagtagal. Ako yung nakipaghiwalay dahil I got bored. Di naman nga ako maganda pero at least di ba, may kapal ng mukha.

Hanggang sa tumuntong ako ng college, di tulad ng mga nababasa sa wattpad o napapanood ninyo sa movies na kung saan ang bida ay kumukuha ng atensiyon sa kalahatan, normal lamang ako na mag-aaral. Mahiyain, pero naa sa loob ang kulo. Charot lang. Ako'y mabiro at yung tipong moderately loud lang yung dynamics ko, pero nagiging fortississimo yung boses ko kapag kabardagulan ko yung tropa.

Pagdating naman sa klase, tahimik lamang ako, yung nakikinig lang nang slight, charot lang. Nakikinig sa prof upang di gaanong mapahiya kompara doon sa talagang lumilipad yung utak. Sana all may pakpak utak.

Di naman sa pagmamayabang, yung mga barkada ko, masipag mag-aral idol kasi namin si Basilio yung anak ni Sisa ba. Oh di ba, maipagmamayabang na ako ni Rizal sa langit.

May prof nga kami noon na kailangan word for word talaga yung kailangan niya kundi good luck sa iyo. Katulad ni Basilio, kahit di naman nauunawaan yung mga Spanish terms pero saulo niya pati comma.

Habang vacant time namin, napatunayan ko talagang healthy na healthy pa yung mata ko kasi, kahit napakalayo na nga niya, kitang-kita ko pa rin yung bawat detalye ng mukha ng crush ko. Napaka talaga! ♡

At boom, nginitian niya pa ako.

Lord, sabihan niyo po na dagdagan nang pagkindat, pleaseeeee!

At yun nga papalapit na nga siya sa akin, yung dibdib ko tumatambol na...

I smiled widely at him, waved my hands, and ready to greet him good morning!

Buttttt...

He did not notice me and nilagpasan akooooo!!!

Hoyyyy! Nakakahiya pero what I did is, pinahiya ko pa lalo ang sarili ko at pinagpatuloy yung pagkaway ko ng kamay, pero hindi na sa kanya.

May lalaki kasing bagong dating. Siya na lang yung binati ko ng "Good Morning!" kahit di ko naman siya kakilala. HAHAHAHA

Oh di ba, Astig!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love At Its BestWhere stories live. Discover now