Masaya ba sa section niyo? —Rock
Halos mapatayo ako sa kinahihigaan ko nang mabasa ang text niya. Kagabi pa pala ito. Ngayon nagsisisi ako kung bakit ang aga ko natulog kagabi.
Si Jaktus ang may kasalanan ng lahat! Nakahanap ako ng sisisihin ko. Rakenrol!
Nag-tipa agad ako ng reply sa kanya.
Ako:
Masaya naman. Ba't mo naitanong?
Napag-alaman ko kasing 4th year high school din siya pero sa ibang section nga lang siya kabilang. St. Augustine kami at St. Patrick naman sila.
Napaisip ako sa tanong niya. Masaya ba sa section namin? Bakit, malungkot ba sa kanila? O miss niya lang ako. Woah woah gone too malandi.
Hindi rin nagtagal ay nag-reply siya.
Rock:
Talaga? Lipat na lang kaya ako diyan?
Ako:
Lah baliw. Bakit naman?
Ang pabebe ko sumagot diba. Parang mamon amputa.
Rock:
Di ko trip mga kaklase ko dito. At least diyan, nandiyan ka.
Napa-kunot ang noo ko sa aking nabasa na kinailangan ko pang basahin iyon sa pangalawang beses bago maintindihan ang nais niyang iparating.
Pilit kong pinigil ang mapangiti pero hindi ko magawa. Buti na lang at ako lang mag-isa ngayon sa kwarto ko.
Ako:
Baliw ka na. Bahala ka sa buhay mo.
Tumayo na ko sa pagkakahiga at naligo na. Ginawa ko na ang mga ritwal ko sa umaga. Nagbihis ako diretso ng uniform, nagsuklay at bumaba na para mag-almusal.
Nadatnan ko si Shawty na kumakain na. Hinalikan ko siya sa pisngi bago umupo sa upuan ko at muling tiningnan ang phone ko.
Rock:
Buhay ko 'to kaya ako talaga bahala sa buhay ko.
Ako:
Kaya nga, ano bang sabi ko?
Rock:
Malay ko sayo. Sinabi mo tas di mo alam? Tatanong mo pa sa'kin.
Pinapainit nito umaga ko ah este ulo ko sa umaga!
Ako:
Alam ko yung sinabi ko syempre! Ewan ko sayo Rock!
Di rin nagtagal ay nag-reply siya.
Rock:
Ewan ko rin sayo.
"Hoy, kulit! Sa harap ng hapag-kainan, kumakain at hindi lugar para makipag text. Hindi malakas signal dito. Kumain ka nga. Subuan pa kita, gusto mo?"
Ang dami naman niyang sinabi.
"Ang daldal mo, Shawty."
Nilapag ko sa lamesa ang phone ko at hindi na sinagot ang huling text ni Rock.
Kumuha ako ng tinapay at isinawsaw sa kape ni Shawty na siyang malapit sakin kaya abot kamay ko. Kumagat ako sa tinapay ko.
Agad naman siyang nag-react.
"Anong ginawa mo?!" nanlalaki ang mga mata niya. Sorry pero hindi nakakatakot.
"Sinawsaw 'to sa kape mo." sabay taas ko ng tinapay na hawak ko.
BINABASA MO ANG
Rock and Roll [SUNGJOY FIC]
Teen FictionGame. Laughter. Happiness. Love. Friendship. Family. All in one. The two of them. Together. Rock and Roll... Cover by: hosseok