37|Bear With It

100 9 6
                                    


Simula nang maging kami ni Rock ay masaya ang lahat. Masaya ako. Masaya siya. Masaya nga ang lahat!

Palagi kaming magkasama. Lumilipat pa talaga siya ng upuan para magkatabi kami. Maging sa lunch break ay magkasama kami. Minsan naman ay si Daniella ang kasama ko dhil inaalala ko rin naman ang babaeng ito. Hindi porke't may boyfriend na ako ay iiwanan ko na lang siya sa ere.

Dapat i-balance. May lovelife ka nga, wala ka namang friends. Not rakenrol!

"Oh, asan si Rock?" Tanong ni Daniella.

"Malay ko. Usapan namin kanya-kanyang buhay muna eh." Pabalang kong sagot.

"Ay! 'Yan ba yung tinatawag na cool off? 'Yung give me space tapos eventually mauuwi rin sa break up? 'Yan ba yun, Alia?" Nangingiti niyang sabi.

Siya na ang pinaka-bitter sa lahat ng ampalayang kilala ko. Kaya hindi na ko nagtataka, kahit anong ibanat sa kanya ni Shawty ay puro banat rin ang ibinabato niya.

Yes, literally banat as sapak at masasakit na salita. Mabuti at pinagpapasensyahan ni Shawty.

"Oh, totoo diba? Natigilan ka eh."

"Asa! Natigilan ako kasi iniisip ko pa kung ilang percent na 'yang pagkabitter mo. Mga 699999% na!" Humagalpak ako ng tawa.

"Alia, ganyan ka. Ikaw lang kasi masaya dito eh. Ikaw kasi may someone ka na. Ako, mag-isa lang. Okay lang. Di naman rin ako naghahanap. Manloloko naman silang lahat. Paasa silang lahat. Ibibigay mo na ang lahat, iiwanan ka pa rin. Maghahanap rin 'yan ng iba. Magsasawa sayo."

"Hay nako mga iha. Maghuhugutan ba kayo sa harapan ko? Malapit na tumulo luha ko ah. Masyado naman kasing masakit. Maging ako din...nag-bigay...hindi ako pinagbigyan. Sabi ko, nagkamali ako. Bawal daw mag-sorry!" Pinunasan ni ate ang mata niya.

Shet.

"Oh diba diba. Sabi na Alia eh. Okay lang 'yan ate. Move on ka na. Pabili ng dalawang order ng pork chop." Ani Daniella.

Talagang na-speechless ako. Di ko alam kung matatawa ba ko o ano eh. Di ko magatungan ng biro si ate dahil malay natin seryoso siya...naiiyak na nga eh. Hindi pa ba seryoso 'yon.

Kinain namin ni Daniella ang inorder naming pork chop. Nagkwentuhan kami sa crush niya kaninang tumatakbo bilang student council. Kinamayan kasi siya. Ayun, namula ang gaga. Gwapong gwapo eh. Gwapo naman talaga.

"Daniella, ayaw mo ba sa kuya ko?" Tanong ko.

Tingin ko naman bespren kami ni Daniepla kaya okay lang na tanungin ko siya ng mga ganito.

"Ano bang klaseng tanong 'yan, girl." Tumawa siya.

"Leche. Seryoso ako. May pag-asa ba sayo?" Tanong ko ulit.

"Let's see," aniya.

Madalas kaming magka-text ni Rock. Basta nakasanayan na namin na ganito.

Rock: Hey.

Ako: Bahay na ko. Ikaw?

Rock: Tao pa rin. Bahay ka ba?

Walangya 'to ah. Ginagago ako.

Ako: Tao ako! Nasa bahay na ko. Ikaw? Ayusin mo, Rock.

Rock: Joke lang. Kumain ka na?

Humiga ako sa kama ko.

Ako: Busog naman ako. Gulay yung ulam eh. Ayoko nun?

Rock: Tss. You should eat.

Ako: Di nga ako gutom!

Rock: Kahit na. Paano kung magutom ka mamayang gabi?

Concerned ba talaga 'to o ano?

Ako: Tulog na ko mamaya kaya ba't ako magugutom.

Rock and Roll [SUNGJOY FIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon