29|Away-cactus

157 7 7
                                    


Matapos ng ilang minutong kwentuhan ay nag-rebyu kami ni Rock ng sabay habang naka-video call pa rin sa Messenger. Siya may gusto nun kaya hinayaan ko na lang.

Mga 11pm na rin kami nagpaalamanan at natulog. Talagang aral na aral kami. 'Pag nagkamali, dinaya.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para makakain ng maraming almusal. Uubusin ko ang almusal. Charot. Kailangan kasi ay busog ako para masagutan ko nang maayos ang mga exams mamaya. Hindi ako nag-rebyu para sagutan lang ng bara-bara ang mga tanong ha.

Kanin talaga ang kinain ko, itlog at...hotdog. Oo, bati na kami ng hotdog. Matagal kaming 'di nagpansinan pero kumakain na ko ng hotdog ngayon.

"Uy, bati na sila ng hotdog." Asar sa'kin ni Papa.

Puno ang bibig ko kaya hindi ko siya masagot. Uubusin ko talaga pagkain namin.

"Jaime, anong nangyayari sa anak natin. Saan tayo nag-kulang? Ba't anlakas niya kumain?" Tanong ni Mama kay Papa.

"Hindi ko alam, ma. Kumain naman 'yan kagabi diba?" Sagot ni Papa.

Mga abnormal na cactus.

Uminom ako ng kape.

"Kailangan ko ng energy para sa exam mamaya." Nagsalita na ko at tumusok ulit ng isang hotdog.

Did I mention na nandito si Shawty? Hindi pa pero lampake kasi ako. Sorry.

"Nice, galingan mo 'nak ah." Tinapik-tapik pa ni Papa ang balikat ko. Supportive cactus.

"Nandito ako 'nak para sayo." Sabi naman ni Mama. Supportive cactuses charot.

"Shawty, suportahan mo kapatid mo." Utos ni Papa kay Shawty.

Napatingin ako kay Shawty na tamad na kumakain.

"Kaya mo 'yan." Walang energy niyang sabi. Halatang napilitan.

"Hindi kita kilala." Sabi ko habang sinisimot ang pinggan ko.

"Hoy! Hoy! Ano 'yan? Nag-away na naman kayo?" Tanong ni Papa.

Hindi ko sinagot si Papa. Tumayo na ko at handa nang umalis.

"Nga pala, Roll. Aalis tayo. Gusto ko isama mo si Rock." Ani Papa.

Napakunot ang noo ko, "Bakit siya kasama?"

"Malamang, syota mo diba?" Singit ni Shawty.

"Hindi kita tinatanong. Sige, pa. Sabihin ko."

--

"Five minutes daw review! Tas exam na." Announce ng president namin.

Nagb-browse pa rin ako ng notes kahit alam ko na 'yon, baka lang makalimutan ko bigla. Seryoso ako sa ginagawa ko nang may lumapit sa'kin at hinawakan ako sa magkabilang pisnge.

Napa-angat tuloy ako ng tingin.

"Ano?" Tanong ko.

"Tama na 'yan," aniya at ngumisi.

Haluh. Muntanga talaga. Gago wag ganyan. Kinikilig ako. Putaena. Paasa ka.

Nilayo ko ang mukha ko sa kanya. Pukina kasi. Ba't kailangang gawin pa 'yon?

"Pake mo ba." Sabi ko.

"Sungit mo naman, ate." Wika ni Rock habang nakalokong ngisi. Natawa ako sa pagmumukha niya.

"Walakampake, kuya. Wala." Bwisit na 'to.

"Luh siya oh! Meron ka, noh?" Tanong niya.

Kumunot ang noo ko, "Ng ano? Dugo?" Wala sa sarili kong sagot.

Rock and Roll [SUNGJOY FIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon