49|Nakakatawa na nakakatakot

76 6 6
                                    


"Sa tingin mo, pupunta 'yon?" Tanong ni Daniella.

Nagkibit balikat ako.

"Ewan ko. Basta kapag hindi siya pumunta...wala na talaga." Ultimatum na 'to. Tama na. Nakakapagod na.

Pi-nat ako ni Daniella sa balikat.

"Okay lang 'yan, bes. Support lang kita no matter what."

Ngumiti ako.

"Hulog ka ng langit sakin, Daniella." I'm serious.

"Ew. Kadiri ka. Magkapatid nga kayo ni Shawty. Hilig niyo magpatamis," aniya.

"Anong magpatamis?"

"Magpa-sweet!" Sigaw niya.

"Ah yun ba yon? La kang pake." Sabi ko.

"Wala naman talaga." Sagot niya.

Kanina sweet namin tapos ganito na agad ngayon. Jusko.

Kumopya kami ng lecture. Napakasipag magsulat ng prof na 'to. Pwede namang ipa-xerox na lang para mas madali. Pero nga naman, sayang ballpen pag hindi nagagamit. Baka magtampo. Baka manlamig. Baka magtae.

"Sir, tama na 'yan. Time na..." Sabi nung boy na makapal ang mukha.

"Oo nga, Sir. Ang sakit na sa kamay." Sabi pa nung isa.

"Mas mahirap mag-sulat sa blackboard pero nagreklamo ba ko? Hindi naman diba? May mga bagay kasi na kahit mahirap ay hindi na kailangang sbihin kasi nararamdaman naman 'yon at nakikita!"

We were like oh man what have we done.

Natahimik ang lahay sa sinabi ni Sir. Yun lang pala katapat ng mga kaklase ko. Hugot? Lagi na lang humuhugot! Kahit saan ka magpunta, may maririnig kang humuhugot!

Parang kahit saan ka naroroon, siya pa rin ang iniisip mo. Na kahit wala na nga siya sa harapan o sa paligid mo, siya pa rin! Bakit ba palaging siya na lang? Siya ba ang bida? Peymus ba 'yan? Nakakasawa na rin ah.

Nakakasawa na.

Di ko na napigilang hindi magsalita.

"Sir, nakakapagod na. Sinasabi ko lang kasi alam kong hindi niyo nararamdaman. Sarili niyo lang ang iniisip niyo pero paano naman kami? Hindi lang kayo ang subject namin ngayong araw. Marami kaming problema pero sabagay...kahit naman ikaw ay siguradong meron rin pero ba't hindi tayo magtulungan? Tumigil na kayo sa pagsusulat at titigil na rin kami para wala nang nahihirapan. Tulungan kasi dapat..." Hiningal ako sa mga sinabi ko.

Isa-isang pumalakpak ang mga kaklase hanggang lahat na sila ay pumapalakpak. Bakit? Anong nagawa ko?

"That's my girl." Bulong ni Daniella sakin. Napairap ako sa kanya. Ilang segundo rin bago muling nagsalita ang prof namin.

"Okay. I understand your point, Alia. Paumanhin. Class dismissed." Anunsyo niya.

Napuno ng sigawan ang room. Mabilis na nag-ayos ang iba at lumabaa na ng room. Maging si Sir ay mabilis na nawala. As easy as one, two, three...

Hindi ako natinag sa upuan ko. Tila naguluhan sa biglaang nangyari. Ano na ba dapat kong gawin? Naguguluhan na ko.

Nagpaalam ako kay Daniella at nagtungo mag-isa sa library. Umupo ako sa table sa bandang dulo. Malamig dito.

Kailangan kong mapag-isa. Kinakabahan ako para sa mangyayari mamaya. Ilang buwan lang kaming hindi nagkita but it seems like forever to me. Sa kanya kaya, ano 'yon para sa kanya?

Nakakatawa lang kasi kahit alam kong ako na ang agrabyado dito, ako na ang binasura at iniwan ay hindi ko maalis sa sarili kong umasa. Natatakot ako na lahat ng sasabihin niyang rason ay tatanggapin ko...na tatanggapin ko na lang...na ayos lang sakin basta kami na lang ulit. I don't even need to doubt myself that I love him because I know. Hindi ako magiging ganito kung hindi ko siya mahal at naiinis ako. It's frustrating. Para ang ako lagi ang talo dito. Ako lagi. I hate it.

Mabilis na lumipas ang mga oras. Panay ang titig ko sa aking phone, nag-aabang ng kanyang reply. May time pa naman. Wag kang atat, Roll! Isa kang malaking cactus!

Napagpasyahan kong maglakad-lakad muna. Maya-maya rin ay magsasara na ang school dahil gumagani na. Palabas ako ng library nang may dalawang lalaki ang naglalakad, nauuna sakin. Napatalon na lang ako dahil may nakabangga ang isang lalaki, as in ang lakas ng pagkakabangga...sa balikat. Napaharap iyong lalaki sa nakabangga sa kanya, ganon rin ang babaeng nakabangga rito...

"Ahyy!" Maarteng utas ng babae sabay naglakad palayo pero nakangiti.

What the fuck! Tawang tawa ako. Halos humagalpak ako ng tawa dahil nakakatawa talaga yung mukha nung babae. Ang breezy tangina. Porket may itsura yung lalaki eh. Buti pa ko, hindi malandi. Pretty lang.

Marami na talaga sa panahon ngayon ang desperado nang mahanap ang forever nila. Kahit alam naman nilang hindi madali iyon. Mahirap malaman kung siya na nga unless you're really sure about the person...na siya na talaga. Walang makakapantay sa kanya.

Ingat na lang din kasi ang daming fuckboys. Yung iba proud pa sila na ganon sila. Sarap putulan ng ano. Aanhin pa ang kagwapuhan kung puro kagaguhan lang ang alam.

Umupo muna ako sa upuan malapit sa gate ng school. May mga iilan pang tao rito kaya ayos lang. Dito muna ako.

"Ano? May girlpren naman pala pucha!" Utas ng isang babae dito.

"Oo. May girlpren. Sure na." Sagot nung kausap niya.

"Tangina. Jokes on you. Umasa ka sa wala." Sabay tawa ng malakas.

Taena napakabait na kaibigan naman non!

"Gago. Dapat alam ko na 'to matagal na eh pero ngayon ko lang nalaman. Hayaan mo na. Kala namam niya gwapo siya. Pangit naman niya. Pangit din ng girlpren. Bagay nga sila."

"Di ka naman tunog bitter, ano?"

"Hindi ah! Nagsasabi lang ng totoo. Masyado akong maganda para sa kanya. Wala rin namang forever."

"Uki. Sabi mo eh. Support na lang ako."

Napailing na lang ako sa usapan nila. Sakit siguro nun pero sure ngang nakakagaan ng loob pag alam mong mas angat ka pa rin dun sa pinalit sayo o what. Flip-an mo ng buhok! Pakainin mo ng buhok!

Ilang minuto rin ay lumabas na ko ng school. Sinita na ko nung guard na umuwi na daw ako dahil gabi na.

May lumapit saking bata habang palabas ng school. Medyo madungis siya kaya napaatras ako baka may patalim 'to o ano.

"Ate, oh!" Sabay pakita sakin ng maliit na keychain na hugis puso.

Nagningning ang mga mata ko. Ang cute kasi.

"Bigay mo na sakin 'to?" Tanong ko sa bata.

Ngumuso siya. "Opo, sa inyo na lang. Pambabae kasi. Eh lalaki ako."

Natawa ako. "Oo nga naman. Di bagay sayo 'to. Salamat dito ah."

Tumango lang siya pero di pa rin umaalis sa kanyang pwesto.

"Oh bakit. May problema ka ba?" Maingat kong tanong sa kanya.

"B-baka may pagkain ka diyan, ate? Akin na l-lang." Aniya.

Mukhang di pa 'to kumakain. Saka ang dungis niya. Naawa ako kaya binigyan ko na lang ng singkwenta.

"Thank you talaga, ate. Ang bait niyo po. Pagpalain po kayo. Salamat po!" Tumakbo siya at pumunta sa isang tindahan.

At least sigurado akong ipambibili niya talaga iyon ng pagkain at hindi ng kung ano ano lang.

It won't hurt to give so why would I not give. It feels so good to help other people in need. Para bang isa lang angel na ipinadala dito para tulungan ang nangangailangan. You have your purpose to exist and that's what's important.

--
092516
Sorry talaga. Long long long time no update. Buhay pa ako just so you know at may balak pa naman akong tapusin 'to kaya walang malulungkot (baka may pake sila). I need your little patience pa. Hopefully this year, matapos ko na 'to jusko. Thank you sa mga hindi ito niremove sa library nila. I really appreciate it.

Love,
Nyang Ganduh ;:

Pwede ako itweet: @nyang1004 ;:

Rock and Roll [SUNGJOY FIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon