"Alam kong pamilyang cactus tayo, kulit. Pero tooo palang sobrang gusto mo ng cactus? Seryoso ka?" Litanya ni Shawty.Sumandal ako sa headboard ng kama ko at nilapag ang cactus sa side table.
"Oo, mahilig ako sa cactus. Kaya magaan loob ko sayo, Shawty. Kasi cactus ka."
Tumawa siya sa kabilang linya. "Ah ganon ba? Nagsalita ang hindi cactus! Umayos ka, kulit ah. Cactus ka rin!"
Di talaga papatalo 'to si Shawty. Dapat pinagbibigyan niya ko diba kasi mas bata ako sa kanya at siya ang kuya.
"Parehas tayong cactus dahil cactus rin sila Mama..." Natawa ako sa sinabi ko."...puta." Puro cactus kasi nakakainis.
"Hoy, kulit. Di mo talaga ako sinusunod noh? Nagmumura ka siguro ng sobra lalo na't wala ako?" Pangaral niya sakin.
Heto na naman tayo...
"Sabing di maganda tingnan 'yan sa babae eh! Maniwala ka sakin kasi lalaki ako!" He sounds so convincing, though.
"Oh bakit si Daniella nagmumura rin pero nagustuhan mo pa rin siya? Akala ko ba panget tingnan sa babae? Paki-explain nga."
Natigil siya sa sinabi ko at dumapa sa kama niya. Inayos niya pa yung phone niya.
"Oo...nagustuhan ko pa rin. Wala naman sa pagsasalita 'yun eh. Ewan ko..."
Na-speechless si Shawty? Kanina daldal niya ah.
Ngumiti ako. He really likes Daniella. Alam niyo yung walang masabi pag 'yung girl na gusto niya na ang pinag-uusapan. Para bang below the belt ang usapan na iyon pero dahil close naman kami at kapatid niya ko ay kahit papaano ay open siya sakin.
Aba, magtatampo ako kung hindi! Kasali rin ang bestfriend ko dito noh! Saka ako nagpakilala sa kanilang dalawa.
Nag-paalam na rin si Shawty dahil inaantok na daw siya at pagod siya dahil kakabasketball lang niya ng mga tropa niya.
Nagpasya akong mag-shower muna para presko. Inisip ko na rin kung saan ko ilalagay si baby cactus. Di ko siya pwedeng ikulong sa kwarto dahil baka ma-suffocate siya at mamatay. Kailangan ng halamam ang sunlight at water para mabuhay, hindi ba?
Pagkalabas ko ng banyo ay kinuha ko si baby cactus at inilagay sa bintana ng kwarto ko. Sliding door...I mean sliding window iyon na glass kaya madali siyang masisikatan ng araw at pag umuulan naman ay pwedeng isara ang bintana, syempre.
Kinuha ko ang mineral bottle sa bag ko. Ginamit ko iyon para diligan ang baby cactus.
Ang huling kita ko ng cactus ay sa garden ng Jaktus University. Daming halaman doon at ang payapa ng lugar na iyon...
Naalala ko pa ang sinabi ni Rock noon, "Kung ginusto mo, handa ka dapat tanggapin lahat ng kapalit nito..."
Kapag daw hinawakan ko ang cactus ay dapat handa ako sa mga pwedeng mangyari -sa kung masaktan o hindi.
Edi para pala siyang cactus...
Kasi magmula noong tinanggap ko siya at hinawakan...
I should've considered the consequences of it. The consequences of love. That to love is also to be hurt. That love is not a bed full of roses.
It is, actually. It's full of roses with thorns. You enjoy looking at the roses but you'll never enjoy touching its thorns.
Sabi nga nila, wala nang libre sa panahon ngayon. Lahat ay palaging may kapalit. Pumili ka na lang ng taong worth the pain and worth to love. Lahat tayo nasaktan, nasasaktan at patuloy pang masasaktan.
BINABASA MO ANG
Rock and Roll [SUNGJOY FIC]
Roman pour AdolescentsGame. Laughter. Happiness. Love. Friendship. Family. All in one. The two of them. Together. Rock and Roll... Cover by: hosseok