Maaga akong nag-paalam kay Tita para umalis. Katext ko si Mama mula kaninang umaga dahil maaga rin siyang nagising para bumili ng mga lulutuin daw niya.Ang naiimagine ko talagang eksena sa araw ng birthday ko ay sama-sama lang kaming apat sa bahay tapos maraming pagkain na paborito ko at ni Shawty, di kaai nagpapa-awat 'yun. Gusto niya meron ding paborito niya sa handa, kahit isa...pero pagdating ko sa bahay namin ay iba ang dinatnan ko.
Lahat sila...
Nandito...
"HAPPY BIRTHDAY!" sabay-sabay nilang sigaw pagkapasok ko pa lang.
"Thank you! Ba't andito sila, ma, pa, Shawty?" Naguguluhan kong tanong.
"Ayaw mo ba sila dito? Papaalisin ko na. Pero iwan natin si Daniella." Ani Shawty.
Napa-irap na lang ako.
"Hay nako. Ang landi." Sabi ko.
"Oh siya siya! Maestro!" Sigaw ni Papa.
Nagtawanan ang lahat at nagsimulang kantahan ako. Di ko alam kung dapat ba kong matuwa dahil pumunta pa talaga sila dito samin pero medyo nakakahiya kasi ang liit-liit na nga lang ng bahay namin, nag-imbita pa.
Hinipan ko ang mga kandila.
"Yes, kain na!" Sigaw ni Bank.
Pinalo ko siya sa braso.
"Hoy, ang ingay ko ah. Kilala ka na ba nila Papa?" Tanong ko sa kanya dahil wala talaga siyang hiya. Ngayon lang 'yan napunta dito pero akala ko teritoryo niya 'to.
"Oo naman." With full confidence niyang sagot.
Bigla naman akong kinabahan dahil baka sinabi niya kila Mama 'yong tungkol samin. Pero hindi ko naman siya pinayagang manligaw diba? So safe?
"Pa, kilala mo 'to?" Tanong ko kay Papa habang si Mama ay hinihiwa yung cake tapos si Shawty, Daniella, Jaktus at Fixx nigga ay nasa sala. Di ko alam kung paano sila nagkasya doon. Joke. Kasya naman!
"Oo, Roll. Ang kulit ng batang 'yan. Suko ako sa energy niya." Ani Papa.
"Bakit, pa. Anong ginawa nito?" Curious kong tanong.
"Inaya namin ni Shawty mag-basketball kasi ang aga dumating kanina tapos ayun, pinahabol-habol lang ako kaya napagod ako. MVP!" Natatawang kwento ni Papa.
Eto si Papa, kunwari gusto makasundo kuno mga iuuwi kong lalaki dito pero ang totoo ay di naman 'yon kailangan dahil kahit sino ay nakakasundo niya.
Baka nga kahit si Joval eh, pero wag na. Di siya kailangan.
"Ay sus, si Tito..." Tumawa si Bank. "Galing niyo nga po eh. Parang binata pa rin kung maglaro..."
Binobola niya si Papa. Knowing Papa...
"Nako jusko! Natutuwa na ko sayo, bangko ah." Sabay tawa niya malakas. Nakahawak pa sa tiyan niya.
Umupo muna ko para maayoa naman ang panonood ko ng pagbobolahan nila.
And what's with the bangko? Hindi chair na bangko ah. Bangko as in Bank sa ingles. Si Papa talaga, parang dati lang ay bato ang tawag niya kay Rock...
"Masayahin pala 'tong Papa mo, Roll. Buti pa siya. Si daddy kasi, di mo makikitang tumawa 'yon. Masyadong seryoso. Parang hindi nga kumukurap 'yon." Kwento ni Bank.
Seryoso? Kailan lang kami nagkakilala ni Bank pero dahil sa daldal niya ay nakkwento niya ang lahat...hindi gaya ni Rock na kailangan pang tanungin kung may gusto kang malaman.
"Talaga, bangko? Baka naman kung saan pinaglihi iyon." Singit ni Papa.
"Baka nga po..."
"Ay teka! Di ko pa naiihaw itong mga bbq naku!" Litanya ni Mama sa banda roon pero ang lakas naman.
BINABASA MO ANG
Rock and Roll [SUNGJOY FIC]
Genç KurguGame. Laughter. Happiness. Love. Friendship. Family. All in one. The two of them. Together. Rock and Roll... Cover by: hosseok