24|Owe

151 10 3
                                    


Tangina. Tangina. Tangina. Bakit 'yon ang nasabi ko. Pota. Sa dinami dami ng pwedeng sabihin bakit yun pa. Lagot ako nito!

"Pa, kapag ba hindi ko boyfriend yan, papatuluyin mo yan dito?" bulong ko kay Papa.

"Hindi."

"Ah okay."

Napa buntong hininga ako. Tama lang naman pala yung ginawa ko. Buti na lang.

"Oh, punasan mo iyan."

Inabot sakin ni Mama ang isang tuyong towel. Nasa harap kami ng hapag-kainan ngayon. Wala si Shawty, marahil siguro ay nauna nang kumain.

Katabi ko ang namumulang si Rock. Gaano ba kataas ang lagnat nito at sobra siyang namumula?

Labag man sa kalooban ko ay sinunod ko ang utos ni Mama. Mabilisan kong pinunasan ang basang buhok ni Rock.

"Ugh. Ano ba!" Malamya niyang sabi at inilalayo ang kamay ko sa kanya.

"Ikaw na nga pinupunasan eh!" Hinila ko siya para mapunasan ng maayos. Leche. Masasapak ko 'to.

Nilagay ko ang towel sa likod ng upuan ni Rock at umayos ng upo. Kaharap namin si Mama at Papa. SHET!

Kailangan ko pa tuloy magpanggap na kami nitong katabi ko. Pasalamat ako at nilalagnat 'to kaya hindi siya masyadong makapagsalita.

"Ano nga ulit pangalan mo, ijo?" Tanong ni Papa.

Nilingon ko ang nahihirapang si Rock. Mamamatay na yata 'to.

"R-Rock p-po."

Kita kong lumaki ang mga mata ni Papa, ganon din ang kay Mama. Yuh, alam ko ang nasa isip nila.

Rock

and

Roll

"ROCK? Rock talaga? Spell mo nga ijo." gulantang na sabi ni Papa.

Si Mama ay pangisi-ngisi. Sa loob loob niyan ay siguradong tuwang-tuwa iyan kasi akala niya may boypren na ko!

"R-O-C-K"

Nahihirapan na magsalita si Rock. Ano ba.

Lumapit ako kay Rock at binulungan siya.

"Wag ka na sumagot. Mahihirapan ka lang."

"Pa, bukas mo na siya kausapin kapag magaling na siya. Pina-spell mo pa, e. Kain na tayo!" wika ko.

Tahimik kaming kumain ng hapunan. Hindi ko talaga aakalaing dito tutuloy ngayong gabi si Rock. Ako kinakabahan para sa sarili ko eh. Paano ko ngayon babawiin ang sinabi ko kanina?

Siguradong magagalit si Papa dahil nagsinungaling ako sa kanya...sa kanila.

Sino bang dapat kong sisihin? Yung payong ni Rock kasi nagpawian siya dito sa bahay? Yung immune system ni Rock, kasi ang hina? Yung ulan?

O baka ako talaga ang dapat sisihin. Kung bakit ba naman kasi iyon ang nasabi kong rason kay Papa.

Leche.

Pinainom ko si Rock ng gamot na bigay ni Mama. Ngayon ay nagtatalo sila kung saan matutulog ang batang ito.

"Hindi pwedeng sa kwarto ni Alia, Jaime. Ano ka ba!" Apila ni Mama.

"Bakit? Gusto mo sa kwarto natin yan?" Sagot ni Papa.

"Pwede naman sa kwarto ni Shawty." ani Mama.

"Lock."

Woah. Itong tatay ko parang ewan. Lakas talaga ng tama. Cactus na cactus ang dating. Kahit saan naman nila patulugin si Rock ay ayos lang sa'kin. Buhay naman niya yun eh.

Rock and Roll [SUNGJOY FIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon