Chapter 1: FEELINGS

1.7K 210 21
                                    

Catiana's POV

"Hey! Wait up!" sigaw ko kay Liam. Ang bilis niya naman kasing tumakbo eh. Grabe talaga ang lalaking 'to! It's our first day of school at since first day of school ay dapat hindi kami late, kaso five minutes na lang ay late na kami.

"Liam!" malakas na sigaw ko dito ng malayo na siya sakin. Tumigil ito sa kakatakbo at lumingon sakin tsaka tumawa ng malakas.

"Bilisan mo kasi, ang bagal mo eh!" sigaw nito pabalik at natawa muli. He's Liam and he's my boy best friend. We're in the tenth grade at halos sampong taon rin kaming magkaibigan, since childhood kasi eh.

"Sandali, hinihingal pa ako." saad ko naman pabalik bago huminga ng malalim. Ang bilis niya kasi. Agad naman itong tumakbo papabalik sakin.
"Malalate na tayo." kakamot kamot na saad nito.

"Edi mauna kana!" inis kong saad dito, pero napabuntong hininga lang naman siya.
"Bakit kasi hindi na lang ako pinahatid ni Daddy eh." naiinis na saad ko sa sarili. Tumingin naman ako kay Liam ng magsalita ito.

"Alam mo naman na hindi kita iiwan eh. Tara na nga!" saad nito bago ako binuhat na parang piggy back ride. Napangiti naman ako.

We're still entering the same school when we are in seventh grade kaya kilala na namin ang ibang students dito at ganun din sila. We have friends here. I also have that one friend of mine na madaldal. Dalawa lang naman sila ang pinaka close ko, si Liam at ang girl best friend ko na si Eleanor.

We're the same class as her at aside sakin meron din namang close friend si Liam at yun ay si Leo.

"You're late, Mr. Rodriguez and Ms. Parker." pambungad samin ni Miss Cruz pagkapasok namin sa room. Halos lahat ng kaklase namin ay nandito na kasama sila Eleanor at Leo.

"Sorry, Miss." nasaad ko na lang pero si Liam naman ay deri deritso lang. Mas ma attitude pa siya kaysa sakin ah?!

"First day of school late?" pambungad sakin ni Eleanor bago ako umupo. Pinandilatan ko lang siya at nagsalita.

"Si Dad kasi eh, hindi ako pinahatid kasi mas prefer niya daw na palakarin ako para daw exercise at makasama ko si Liam. Eh hindi naman ako kagaya ni Liam na sporty, na mas gugustuhing maglakad o tumakbo keysa sa dalhin yung sasakyan niya." pagsusumbong ko dito sa kanya. Hindi na rin siya nakasagot dahil nagsalita na si Miss Cruz.

"Okay, since first day of school ngayon no need to introduce each other na, kasi halos lahat naman kayo ay kilala na ang isa't isa. Instead, I'll just make some announcements. We had a meeting earlier and we talked that you will be group with other sections which will be ten groups, since twenty lang naman kayo sa kada section, kaya iraramble nalang kayo." saad ni Miss kaya halos lahat kami ay nagreklamo.

"Quiet!" pagsuway ni Miss sa amin kaya natahimik naman kami.
"This will be only in your research subject, and each group must consist of six members." saad ni Miss. Well, mas okay na rin ito keysa naman na sa lahat ng subject ganito.

"Since three sections lang naman kayo, I will be the one to group you including the other two sections. Is everything clear?" Wala naman na kaming choice kaya hindi na lang kami umangal. Besides, sa research subject lang naman yun.

"Oh, by the way. We have ten rooms here on where to do your research, so each group must fill in. Means, one room must only consist of six students. Mamaya sa hapon niyo malalaman ang mga ka miyembro niyo. Do I make myself clear?" mahabang pagpapaliwanag ni Miss.

"Yes, Miss!" sagot namin sa kanya bago nito kinuha ang kanyang gamit sa desk bago lumabas ng room.

"Sana, magkasama tayo! Eh mamanifest ko talaga." saad ni Eleanor kaya napatawa naman ako. Nasagi ng paningin ko si Liam na kausap ngayon si Leo.

Too little, Too late (Tragic Series #1) Where stories live. Discover now