Liam POV
"Time flies so fast, it's been five years since you left us Cat." saad ko ng makaupo na ako sa damo sa harapan ng puntod ng babaeng pinakamamahal ko.
"Pero kahit gaano na katagal ay nandito pa din ang sugat na iniwan mo sa puso ko na hanggang ngayon hindi parin humihilom." I was doing my best not to shed tear in front of her tomb.
"Hey, I brought flowers for you. As usual ay ito nanaman yung dinala ko sayo. Purple roses, your favorite." Saad ko bago ko nilatag ang bulaklak sa gilid ng puntod niya.
"And of course, I didn't forget to brought you an ice cream. Alam kong ito ang pinakagusto mo." usal ko bago inilagay ang isang Tupperware na ice cream tsaka binuksan.
"I actually have good news, Cat. I got the biggest project here in the Philippines na isasagawa at ako ang nangunguna sa pagpaplanong iyon. I'm chosen to be the Engineer of one of the biggest and well known companies in Asia." unang kwento ko sa kanya habang nakaupo paharap sa kanyang puntod.
Salita lang ako ng salita na as if nasa harapan ko lang siya at buhay na buhay pero ang totoo niyan ay parang tanga na ako dito dahil tanging mag isa lang ako dito habang nakaharap sa kanyang puntod.
Alam ko Cat, alam kong nakikinig ka.
"Natupad ko na yung pangarap ko na maging isang Engineer Cat, sana ikaw din no? Sana naging Doctor ka din gaya ng gusto mo." napayuko ako para pigilan ang aking pag iyak.
I don't want to cry dahil alam kong hindi niya gusto na umiiyak ako.
"Your Mom and Dad are doing good, pati na rin si Yaya Sisa. Kaya wag kang mag alala dahil palagi ko silang ichicheck para sayo." I have a lot of things to tell her.
Kung hindi lang siya nawala, sana sabay naming ipinagdiwang lahat ng mga accomplishments namin sa buhay. Sana kasabay naming inabot ang aming mga pangarap.
"Eleanor and Leo are doing good as well. They're also Engineers na rin, but you know what is the most interesting? They were secretly dating." Natatawang saad ko.
Kung may makakita lang sa akin ngayon, panigurado ay iisipin nilang nababaliw na ako.
Pero wala akong paki, ang importante sa akin ay makausap ko ang aking mahal.
"I'll be very much pleased na kausapin ka Cat at sabihin sayo lahat ng nangyayari sa mga buhay namin."
Nakita kong unti unti ng natutunaw ang ice cream na dinala ko.
Napangiti naman ako ng mapait. I know na masaya ka Cat, mas masaya pa sana tayo lalo kung nandirito ka.
"About Delancy, she have her own family now. Meron na rin siyang dalawang anak. Masaya ako sa kanya dahil sa wakas ay natutunan niya na ring magmahal ng iba bukod sakin." saad ko.
"Alam ko naman na gwapo ako eh, kaya nga maraming nagkakagusto sakin na mga katrabaho ko." pagmamalaki ko dito.
"Pero alam mo bang hindi ko sila inientertain dahil sadyang ayaw ko lang talaga eh." sambit ko dito. Totoo nmaan talaga, wala ng naging babae sa buhay ko simula ng iwan niya ako.
Hindi ko alam pero, parang hindi pa ako handa o hindi na talaga?
"Si Oliver naman ay hanggang ngayon single parin. Kinausap ko siya kamakailan lang pero ang sabi niya sakin ay focus na lang siya muna sa kanyang trabaho. He's now an Engineer na rin. We're all successful now. Mas masaya sana kung lahat ng iyon ay nasaksihan mo kasama kami." pagkukwento ko dito.
"Heidi is now a Doctor, she just called us a few days ago para mangamusta." Saad ko.
"At ako Cat? Ito patuloy paring nangungulila sayo, kahit na sinabi mong maghanap ako ng iba noon sa sulat mo ay hindi ko magawa." ang sulat niya na iniwan para sa akin, sa amin.
YOU ARE READING
Too little, Too late (Tragic Series #1)
Fiksi Remaja[COMPLETED] Catiana Parker and Liam Rodriguez were inseparable childhood friends. But as time passed, Catiana realized her feelings for Liam went beyond friendship. Now, she wonders: will Liam catch on and reciprocate her emotions, or will he unknow...