Chapter 11: MISSING YOU

664 112 3
                                    

Catiana POV

"Catiana!" Napalingon ako ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko. My tears are keep falling at mas lalo lang akong napaiyak ng makita kong si Liam ito, tumatakbo ito papalapit sakin at ng tuluyan na itong makalapit sa akin ay agad niya akong niyakap ng mahigpit kaya ganun din ang ginawa ko.

Doon ko lang nakita na umiiyak pala ito. Parang piniga yung puso ko, hindi ko pala kayang makita itong umiiyak. Nasasaktan ako.

"Cat, bakit ka naman aalis agad ng walang paalam?" Sabi nito habang humihikbi. Nanatili parin itong nakayakap sakin.

"I'm sorry. Ito lang kasi ang paraan na naiisip ko para hindi ako lalong mahirapan sa pag alis, tsaka ayokong mag alala ka sakin." saad ko. Hindi ito nagsalita at tanging hikbi lang nito ang naririnig ko.

"Ayoko mang umalis pero kailangan ako ngayon ni Daddy eh." Saad ko habang tumutulo ang mga luha ko.

"Ayokong iwan ka Liam, pero alam kong kailangan ako ni Daddy." naramdaman ko namang tumango tango ito.

"Naiintindihan ko, mahirap lang kasi hindi ako sanay na malayo ka. Ni hindi nga natin alam kong gaano ka katagal doon o kung kelan ka babalik dito." Saad nito dahilan para mapangiti ako. I'm sure this man will miss me so much, ganun din ako sa kanya.

Akmang aalis na ako sa pagkakayakap niya sakin ng bigla niyang hinigpitan ang yakap niya sakin at nagsalita.

"Let's just stay like this for a while" napangiti naman ako kasabay ng pagtulo ng luha ko. Bakit siya ganito? Mahihirapan akong umalis nito eh, mas lalo niya lang ako ng pinapahirapan.

"Promise me na dapat pag uwi mo dito ay wala kang makakasamang lalaki. Kung hindi ay bubugbugin ko yun." Napatawa naman ako sa iniusal nito. Siraulo talaga.

"Bakit mo naman nasabi yun? Wala naman akong magugustuhan dun eh" Sabi ko at agad naman itong sumagot.

"Siguraduhin mo lang Catiana Parker, dahil kung hindi.." aagd itong kumalas sa pagkakayakap sakin at itinuloy ang sasabihin.

"Dahil kung hindi ay hahalikan kita" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.

"Ano?!" Gulat kong sabi at medyo may kalakasan ito dahilan para matawa siya.

"Kidding. Ang epic ng mukha mo ah." Natatawang usal nito. Nanliit naman ang mga mata ko.

"Bahala ka nga!" Saad ko dito.

Akmang magsasalita siyang muli ng dumating si Tita Crizela, ang babaeng kapatid ni Daddy.

"Cat, kanina kapa ba? I've been waiting here for almost one hour kasi." Saad nito. Tumango naman ako sa kanya.

"Opo tita. Nag usap pa kasi kami ni Liam" Saad ko at doon niya lang napansin si Liam.

"Oh! Is that you Liam? Look how fast you've grown" nakangiting saad ni Tita Crizela. Napangiti naman si Liam pero bakas sa mukha parin ang lungkot. Halos lahat ng pamilya ko ay kilala si Liam at ganun din ako sa kanila.

"Did you two cried? Ano? Mahirap magpaalam diba?" Natatawang sabi nito. Napatingin si Tita Crizela sa kanyang wrist watch at tumingin samin muli.

"Catiana, time to go na. Maiiwan ko na muna kayo at mauuna na ako doon. Sumunod ka kaagad Cat, baka mapag iwanan tayo." Natatawang saad nito. Tita Crizela is a happy person pero ngayon ay alam kong pinipilit niya lang ngumiti at tumawa kasi alam kong nalulungkot ito sa nangyari kay Daddy. She and Dad were too close pa naman.

Napabaling ako kay Liam at niyakap siyang muli.

"I think, it's a goodbye for now Liam. Babalik ako. Please take care of yourself and Delancy. Wag mo siyang papakawalan kasi alam ko kung gaano mo siya kamahal." naiiyak kong saad.

Too little, Too late (Tragic Series #1) Where stories live. Discover now