Chapter 27: STAY OR GONE?

1.8K 79 2
                                    

Catiana's POV

Ikinalas ko ang mga kamay nito mula sa pagkakayakap sakin at nilingon siya na may galit sa mga mata ko.

"Ano ba yung gusto mo? Na kapag binigyan kita ng second chance ay maibabalik na yung kung ano tayo dati?" Saad ko dito tsaka hinampas siya sa dibdib ng isang beses.

"Liam, hindi ganun kadali yun. Kasi kung sa totoo lang, gustong gusto kong isumbat sa pagmumukha mo ngayon kung ilang beses mo na akong sinaktan." hindi ko na mapigilan sa pagtulo ang mga luha ko.

"Gusto kong ilabas lahat ng sakit at hinanakit ko, lahat lahat! Kaso may magbabago ba? Wala naman eh." Humihikbing usal ko.

Ang sakit sa dibdib.

"Cat, nandito naman ako eh. Nandito na ako, you can rely on me. Hindi man maiaalis agad yang sakit na idinulot ko diyan sa puso mo pero hayaan mo akong tulungan ka, we'll build new happy memories para kahit sa ganun ay mabawasan ang sakit diyan sa puso mo." saad nito pero napailing lang ako.

Hindi lang naman yun yung rason eh.

"Why don't we just cut the ties between us?" Saad ko dito kaya dali dali siyang umiling.

"Bakit mo naman nasabi yan? Bakit ang bilis mo namang bitawan yung kung anong naging meron tayo?" Napatawa naman ako ng sarkastiko.

"Dahil ba sa pinagsalitaan kita ng masasakit na salita? Oh sige! Pagsalitaan mo rin ako, murahin mo ako, durugin mo ang dignidad ko. Pagsalitaan mo rin ako ng masasakit. Saktan mo 'ko!"

Hindi ko na alam kung paano ko pa siya maiiwasan.

"Cat, I'm willing to do everything for you to come back to me." naluluhang saad nito. His eyes were red as vampire's eyes.

Puno rin ito ng pakikiusap at pumupungay pa.

"No.. It's not that easy." saad ko. Nagulat ako ng bigla nitong sinipa ang bato na hindi kalakihan at napahilamos ng mukha.

"Why are you always saying that? Is there some other reason? Tell me Cat, sabihin mo para maayos natin!" Medyo may kalakasang sambit nito.

Walang ganang tinignan ko ito habang bumubuhos ang aking mga luha at walang buhay na nagsalita.

"Wala ka rin namang magagawa Liam. Bakit kasi hindi mo na lang ako pabayaan? Humanap ka na lang ng iba, o di kaya ay bumalik ka na lang kay Delancy."

Napasigaw ito dahil sa irita.

"Fuck! Ngayon tinutulak mo na rin ako papalayo? Pwes, nagkakamali ka dahil hindi ko gagawin yun."

Hindi ko na inintindi ang kanyang sinabi at nag umpisa ng maglakad patungo sa loob ng mansion.

Ilang hakbang na lang sana ang gagawin ko para makapasok ng tuluyan sa mansion ng bigla niya akong hinigit sa aking palapulsuhan at mabilis na iniharap sa kanya at bigla na lang akong nagulat sa sunod nitong ginawa.

Hinalikan niya ako sa labi kaya napapikit ako.

Habang magkahalikan kami ay naramdaman kong tumulo ang kanyang mga luha papunta sa aking pisngi.

He's crying!

I opened my eyes at nakita kong nakapikit ito habang iginagalaw ang kanyang mga labi. Because of what he did ay ganun din ang ginawa ko. I don't know but, I got carried away by his kisses.

We both kissed with full of love. We kissed passionately. Ilang minuto pa kaming ganun ng maramdaman naming kinakapos na kami ng hininga kaya humiwalay na kami sa isa't isa.

He cupped my cheek and said those magic three words. Yung mga katagang hindi ko inexpect na sasabihin niya sakin balang araw na hindi bilang isang bestfriend kundi bilang isang babaeng mamahlin.

Too little, Too late (Tragic Series #1)Where stories live. Discover now