Ika-Anim na Pasakit: Ang Anino

592 13 2
                                    

Darcy

Ika-Anim Na Pasakit: Ang Anino

Kinabukasan, hindi pumasok si Eike. Ayon sa magulang nito, nagkukulong ito sa kwarto at tila parang natatakot kapag nakakakita ng tao. 

Simula nang mamatay si Darcy, maraming kababalaghan ang nangyayari sa grupo ni Dianne. Kagaya ng patuloy na pagsuka ni Sonya at ngayon naman.. Si Eike, na nahahallucinate. 

Sino naman ang susunod? 

Hanggang ngayon ay pinagtitinginan pa rin sila ng mga estudyante. Dahil sa sobrang inis ni Dianne, nilapitan niya ang mga ito. 

"Nung isang araw pa kayo ha! Ano bang problema niyo sa amin?" 

At may isang estudyanteng tumuturo sa likod niya. Kaya napalingon si Dianne, pero wala man lang itong nakita. 

"Pinagtritripan niyo talaga ako ha! Teka, makakatikim kayo sa akin!" 

Umalis na ang mga estudyante, takot na takot ito kay Dianne. May mga estudyante na alam na pumapatay ng kapwa-estudyante si Dianne pero meron naman ay hindi. Hindi sila aware sa ginawa nilang pagpatay kay Darcy. 

Sa classroom, nag-uusap sila Emilia, Magdalene, Scarlet, Mika at Derek tungkol sa biglang pagkawala ni Darcy. 

"Nasaan na kaya si Darcy? Ba't hindi na siya pumapasok?" 

"Baka may sakit." 

"Ayun? Magkakasakit? Imposible!" 

"Pero this time, baka may sakit siya di ba?" 

"No guys!" 

"Oh? Ba't ka sumisigaw Emilia?" 

"Guys. May nalaman ako.." halos mangiyak-iyak na si Emilia. 

"Ano yun Emi? Please tell us." 

"Tungkol kanino bez?" 

"A-about.. Darcy.." 

Tumahimik silang apat at nakinig sa sasabihin ni Emilia sa kanila. 

"Guys. Kaya pala hindi na pumapasok si Darcy, kasi.. Patay na siya!" 

"ANO?!?!?!" sabay sabay nilang tinanong. 

"Paano mo naman nasabi yan, Emi?" 

"Kuya. Please. Alam kong patay na si Darcy, kasi kagabi, inutusan ako ni papa na bumili ng pang-ulam natin dyan sa may kanto. Nang makabili na ako, nakita ko sila Dianne, may hawak na martilyo ba yun? Kaya nagtago ako dun sa may poste, narinig ko silang nag-uusap tungkol kay Darcy. Narinig ko si Angelica na, parang nag-aalala. Paano daw kung may makaalam na sila ang pumatay kay Darcy. Eto namang si Dianne, walang takot. Kahit yata sa Diyos, hindi natatakot yang babaeng yan eh. Kasi kakampi niya yung demonyo na laging nasa tabi niya. Tapos sabi ni Theo, aamin na daw siya na nirape nila si Darcy... Nang makaalis sila, umalis na rin ako. Pero bumalik ako, nakita ko yung martilyo dun, kaya kinuha ko. May mga bakas pa ng dugo yun." 

"So.. Ibig sabihin.. Yung martilyo ang ginamit nila pangpatay kay Darcy?" 

"Yes Magdalene. Yun nga." 

"At tsaka, nirape muna nila Eike si Darcy bago patayin ni Dianne?" 

"Oo." 

"My gosh.." napapatakip na si Scarlet at gusto nang umiyak. 

"Mga hayop sila! Wala silang awa kay Darcy!" 

"May araw rin yang mga yan! Sigurado ako na mas matindi pa sa mga pinaggagawa ni Darcy ang mararanasan nila."

Matapos sabihin ni Emilia ang lahat ng nalalaman niya. Nananatiling nakatabi sa kanya ang martilyo, pwede nila yun magamit laban kay Dianne. 

Siya rin ang aninong nakikinig sa usapan nila Dianne kagabi. 

Sa principal's office nagtungo si Dianne at galit na galit ito. Nandun ang kanyang nanay. 

"Oh. Dianne, what's happening to you?!" 

"Mommy! The way na pagtinginan ako ng mga estudyante, masama! Ba't ba ganun sila makatingin sa akin? Eh, wala naman akong ginagawang masama ha!?" 

"Dianne. Please calm down." 

"Mom! I didn't do anything!"

"Baka naiinggit sila sa'yo, anak... Blooming ka kasi ngayon."

"Blooming?! Ako?! Papaano ako magiging blooming kapag nakikita ko pagmumukha ni Darcy, eh sirang sira na ang araw ko!" 

Talagang nag-aalala na si Dame sa anak niya. Ganun din ang pakiramdam ni Dianne at ngayon, natatakot na siya dahil sa pagpatay niya kay Darcy. Paano kung magbalik nga si Darcy? 

Hanggang sa makarinig sila ng ingay mula sa labas. Sumilip sila sa bintana at nakita na may estudyanteng nakahiga dun, nag-rush silang tatlo sa labas at kung saan nakita nila na lasog lasog ang mukha nung estudyante at may nakaukit pa ito sa braso nito. 

BABALIKAN KO KAYONG LAHAT! 

"Oh my god sir. What's happening to this school? Puro kamalasan ang nangyayari!" 

"We need to investigate! Kung sino ang may kagagawan nito!" 

"You're right sir." 

Takot na takot na si Dianne. Tanging isang tao lang ang alam niyang gagawa nito, kung hindi si Darcy. 

Itutuloy....

DarcyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon