Ikalawang Pasakit: Scandalous

800 15 0
                                    

Darcy

Ikalawang Pasakit: Scandalous

Second day of Sportsfest ngayon. 

Nang pumasok silang lima sa eskwelahan, napansin ni Emilia na maraming estudyanteng nagkakagulo sa bulletin board. Ano kayang meron? Kaya agad silang pumunta dun. 

Nakita ni Derek na nakapamaywang na ngumingisi si Dianne habang tinitignan ang bulletin board. 

"Anong meron miss?" nagtanong si Derek sa isa sa mga nakipagsiksikan doon sa board. 

"Ang sama naman ng kaibigan niyo!" 

"Ha? Bakit? Paano naman siya naging masama?" 

"Tignan mo kaya!" pagalit na sabi nung babae sabay turo sa board. 

Nagulat si Derek sa kanyang nakita, pati na rin sila Darcy. 

Isang babae ang nakahandusay sa locker's room. Duguan ito at lasog lasog ang mukha, nakatahi ang kanyang bibig at nakaluwa ang isa niyang mata. Halatang nandiri ang mga nakakita noon, sino ang may kagagawan noon? 

"Sino kaya ang huling pumunta ng locker room kahapon?" mapang-asar na tanong ni Dianne, alam nila Derek na ang kapatid nito ang pinaparinggan niya. 

"Hoy Dianne! Hinding hindi magagawa iyon ng kapatid ko! Inosente siya!" sigaw nito sa kanya. 

"Oh. Ba't masyado kang defensive, Derek? Siguro yang kapatid mo nga ang may kagagawan nun noh? This girl should have justice to her death!" 

Sumang-ayon naman ang mga estudyante. Kaya napagbintangan si Emilia. 

"See? Hindi siya makapagsalita. It means, si Emilia ang pumatay sa walang kalaban-laban na babaeng ito!" Dianne declared. 

Nangiyak-iyak na si Emilia, dahil napagbintangan siya sa krimen na hindi naman niya kayang gawin. 

"HINDI!!!!!!!! HINDI YAN TOTOO!! DI AKO ANG PUMATAY SA KANYA! DI AKO MAMAMATAY TAO!" sigaw ni Emilia. 

"Haha! Pero sorry, i've already called the victim's parents at pupunta na sila dito. Please, prepared yourself, Ms. Percival!" sabi pa ni Dianne at tumawa siya. 

Umalis na silang lahat at iniwan si Emilia na umiiyak. 

"Kuya.. Paano ko mapapatunayan sa kanila na hindi ako ang may kagagawan nun?"

Niyakap siya ng kanyang kuya. "Hangga't walang nakikitang ebidensya, hindi ka nila pwedeng pagbintangan. Alam kong hindi mo magagawa ang bagay na yun." 

Sumingit si Magdalene. "May surveillance camera kaya dun sa locker room, kaya pwede natin yun mapanood. Magpapaalam ako dun sa nagbabantay dun, okay?" 

"Okay!" pang sasang-ayon nilang lahat. 

Agad silang pumunta sa silid kung saan nandoon ang nagbabantay, pumayag ang tagabantay at ipinakita sa kanila ang record nung mangyari ang krimen. 

Pero nagtataka silang lahat, kung bakit wala ang record dun. First day of sportsfest nang mangyari ang krimen. 

May nagbura kaya ng file? 

Hanggang sa nagkagulo na sa labas. May mga pulis na nakaabangan dun, at sa di kalayuan nakita ni Darcy si Dianne, nakangisi na naman ito. 

Lumabas sila ng school, maliban kay Emilia, na pinigilan ni Dianne.

DarcyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon