Ika-Labing Dalawang Pasakit: The Black Phantom..Revealed!

566 11 0
                                    

Darcy

Ika-Labing Dalawang Pasakit: The Black Phantom.. Revealed! 

Nagising na lang si Dianne nang nakatali sa upuan habang nakapiring ang mga mata nito at may busal ang bibig nito. 

Walang ibang nakikita si Dianne kung hindi ang dilim, kasing dilim ng mundo ni Darcy. 

Ginawa niya lahat upang matanggal ang mga tali sa upuan niya, nagtagumpay siya sa pagtatanggal nito at sunod naman niyang tinanggal, ay ang kanyang busal sa bibig. 

"Angelica?! Angelica?!"

"D-Dianne?!"

"Nasaan ka? Takas tayo dito!" 

"Paano tayo makakatakas? Eh nakatali tayo-- What the, Dianne! Pakawalan mo 'ko dito!" agad namang sinunod ni Dianne ang sinabi, tagumpay niya rin itong natanggal at madali siyang nakaalis sa upuan.

Hahanapin na sana nila ang daan palabas ng locker room nang biglang sumulpot ang Black Phantom. 

"Tatakas kayo?!" galit na tanong ng Black Phantom sa kanila. 

"Oo! We are going to escape from the hell! Bitch!" sabi ni Dianne at dinuraan ang Black Phantom, kung saan mas lalo pa itong nagalit sa kanila. 

"Hahaha! Matagal nang nakabenta ang mga kaluluwa ninyo sa impyerno, kaya dito rin kayo mamamatay! Tandaan niyo yan!" 

Wala nang magawa ang dalawa kung hindi maghirap sa kamay ng Black Phantom. 

Sino ba talaga ang Black Phantom? 

"So. Ikaw ang pumatay sa mga kaibigan namin?!" tanong ni Angelica. 

"Oo. Ako nga! Inuna ko ang kaibigan niyong si Sonya.. Nalaman ko na buntis siya, 9 months siyang hindi nakapasok di ba? Nang isinilang ang anak niya, inilayo ko sa kanya ang bata at dinala ko ang anak niya sa bahay ampunan. Kakatapos lang makarecover ni Sonya, pinaglaruan ko siya. Yung taong nakita niyong pumukpok sa nanay niya? Ako yun! Masaya palang pumatay ng tao? Well, gusto ko lang magkaexperience. First time ko eh." 

"How dare you?! Wag kang mag-alala, pag nakatakas ako dito. Sisiguraduhin kong pagbabayaran mo ang krimen na ginawa mo sa amin!" 

"Bago ako magbayad. Kayo muna!" 

"W-what do.. You mean?" 

"Pagbabayaran niyo muna ang pagpatay niyo kay Darcy!" 

Tila natameme ang dalawa sa sinabi ng Black Phantom. Alam nito na sila ang pumatay kay Darcy.

"Teka.. Ba't mo ba ipinaghihiganti si Darcy? Ano ba ang koneksyon mo sa kanya?" nagtatakang tanong nito. 

"Oo nga. Ano bang koneksyon mo dun sa impokritang yun?!" pang-aasar pa ni Angelica, kaya binigyan siya ng malakas na sampal ng Black Phantom. 

"Umayos ka, Angelica! Baka ibitin kita ng patiwarik sa kisame, makita mo!" pagbabanta nito. Hindi na muli nagsalita si Angelica. 

"Hey, Black Phantom! Ano bang koneksyon mo kay Darcy? At parang kilalang-kilala mo kami?"

"Ba't ko sasabihin kung ano ang koneksyon ko sa kanya? Wala ka na dun!" 

"Please.. Sabihin mo na! Please!" at umiyak na ito. 

"Hahaha! Marunong ka palang.. Magmakaawa?!?!" pang-aasar nito sa kanya. 

"Sige na nga! Sasabihin ko na. Pasalamat ka, marunong akong maawa sa tao, lalong lalo na sa kagaya mo! Bully!" 

At sinimulan na ng Black Phantom ang pagkwento. 

"Isa ako sa mga estudyanteng pinahirapan ng grupo mo, Dianne. Isa ako sa mga taong nagmamalasakit kay Darcy at isa ako sa mga taong nakaranas ng pinagdadaanan ni Darcy. Gusto ko man siyang ipagtanggol sa inyo, ngunit hindi ko magawa, dahil wala akong laban sa inyo. Pinili kong manahimik na lamang, hindi niyo ba natatandaan na pinagbantaan niyo ko na wag kong lalapitan si Darcy kung ayaw kong mamatay pa ang mga magulang ko? Ginawa ko yun, Dianne! Ginawa ko yun, pero anong ginawa niyo? Hindi kayo tumupad sa usapan! Pinatay niyo pa rin ang mga magulang ko! Tinapon niyo kung saan-saan ang mga katawan nila! At ngayon, dahil sa inyo, nagkanda-sira sira ang buhay ko, dahil sa inyo, nag-iisa na lang ako sa buhay! Kaya, ito na ang pagkakataon ko para pahirapan kayo!" 

Muling bumalik ang mga alaala ni Dianne, naalala niya ang lalaking kaharap nila ngayon, ang lalaking una nilang biniktima. 

"N-Nigel?!" 

"Oo nga. Ako nga!" 

"Ba't mo ginagawa sa amin ito? Inutusan ka ba ni Darcy?" 

"Hindi niya magagawa yun, Dianne. Alam kong kahit na pinatay niyo na si Darcy, alam kong pinapatawad niya pa rin kayo sa ginawa niyo sa kanya. Pero para sa akin? Hindi kayo karapat-dapat patawarin! Bakit? Dahil wala kayong mga kwentang tao!" 

"This can't be.." 

"Malaki ang atraso niyo sa kaibigan nila Darcy, lalong lalo na sa akin! Kaya ngayon, sisingilin ko na kayo sa mga utang niyo!"

"Please, Nigel. Sorry kung nagawa namin yun, wala lang talaga kaming magawa nun." 

"Walang magawa? Talaga lang ha! Narinig ko sa bibig nitong kaibigan mo na kinaiinggitan mo si Darcy at balak mo itong patayin. Tama ba?" 

"Pero noon---" nilagyan ni Nigel ng duct tape ang bibig nito. 

Ganun din ang ginawa niya kay Angelica. Umiiyak-iyak na ang dalawa, dahil ngayon lang nila nalaman na si Nigel ang may kagagawan ng lahat at ngayon lang din nila nalaman na marami silang kasalanang nagawa sa grupo nito. 

Kahit anong kapatawaran ang hingiin nila, ay hindi ito tinatanggap ni Nigel. 

Ipinaliwanag din nito na sangkot din sina Emilia dito. Dahil si Emilia ang unang nakatuklas sa hirap na sinapit ni Darcy. Matagal na nilang alam na patay na si Darcy. Napagdesisyunan nila na ipaghiganti ito. Pero nang dumating si Minerva, ay naging kaibigan din nila ito at siya ang naging bagong Darcy. 

Iniwan muna ni Nigel ang dalawa nang umiiyak at pilit na sumisigaw ng tulong. 

Itutuloy...

DarcyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon