Ika-Labing Apat Na Pasakit: Ito Na Ba Ang Katapusan?

570 14 0
                                    

Darcy

Ika-Labing Apat Na Pasakit: Ito Na Ba Ang Katapusan?

"Tulungan niyo ako!"

Nagsisigaw si Dianne sa bintana ng kotse, binuksan niya yun sa pamamagitan ng bibig niya. Tulog sina Darcy at Emilia, habang si Nigel ay akmang tinitignan lang siya sa salamin at ngumingisi. 

"Wala nang tutulong sayo.. Dianne!" pang-aasar ni Nigel. 

"Really? Meron yan? Hindi lang nila ako marinig!" 

"Gago! Tignan mo nga? Walang katao-tao, tapos sasabihin mo, hindi ka lang nila naririnig? Anong klaseng utak mayroon ka? Shunga ka!" 

Hindi na mula nagsalita ito. Ilang minuto lang, nasa warehouse na sila. Kaya ginising ni Nigel ang dalawa at dinala doon ang dalaga. 

Kung saan, nakita niya ang nanay niya, nakatali sa parang malaking bilog, nasa sentro nakapwesto ang bilog na yun. Paekis ang posisyon nito at parang may nakakabit na device sa ribs nito.

"Mom?!?!" 

"Anak! Please, tulungan mo kong makaalis dito!" halos mangiyak-iyak na ito sa sakit, dahil naiipit ang device sa kanyang tiyan na akmang dudurugin. 

"Mom. Don't worry, ilalabas ko kayo dito! Promise!" sabi nito. Pero bigla siyang ibinitin ni Nigelng patiwarik at nakatapat ito sa isang drum ng asido. 

"Ayan ang nababagay sa inyong mag-ina!" sabi ni Darcy at nagtawanan silang tatlo habang nakikitang nahihirapan ang mag-ina. 

"Sa tingin niyo.. Magtatagumpay kayo sa pagpatay sa amin?!" tanong ni Dame sa kanila. 

"Oo. Magtatagumpay kami, at sisiguraduhin ko sa inyong dalawa na sa impyerno mapupunta ang mga kaluluwa niyo!" sigaw naman ni Darcy. 

"Kung gusto mong makalabas dito ng buhay, Dame. Kailangan mong makuha ang susi sa lapag upang mabuksan ang lock dyan sa nakakabit sayo." yun ang mechanics ng "game" ni Dame. 

"P-paano ko makukuha ang susi sa lapag? Kung nandito ako, nakatrap!" pangrereklamo niya. 

Talagang imposible niya makukuha ang susi sa lapag. Marahil, maraming susi kaya mahihirapan siya sa paghahanap.

"Bahala ka. Gumawa ka ng paraan, matalino ka naman, hindi ba?" 

"Oorasan ka namin Dame. Sa loob ng dalawang minuto, kailangan mong mahanap ang susi sa device na nakakabit sayo. Kapag nagawa mo iyon, makakalaya ka. But.. Hindi kasama ang anak mo, ikaw lang. Siguraduhin mo na hindi ka magsasalita sa mga pulis tungkol dito kung hindi, puputulan kita ng dila!" pagbabanta ni Darcy sa kanya. 

"Two mintues lang?!"

"Aba! Mahaba-haba na rin yun Dame. Kaya wag kang magreklamo!" 

"Oh, fine!" 

"Sisimulan ko na.." 

Sinimulan na ni Emilia ang orasan. Kaya sinimulan na din ni Dame ang paghahanap. Kaya yumuko siya, pero hindi niya kinaya dahil hindi niya abot ang mga susi. 

"Fuck! Paano ko ito maaabot kung nakatali ako dito?! Commonsense please?"

"Commonsense please also?! Anong silbi ng malaki mong bibig? Hindi mo ba kayang yumuko at gamitin ang bibig mo para maghanap?" Emilia said. 

Patuloy pa rin si Dame sa paghahanap. Hindi niya alam, 30 segundo na lang ang natitira. Kaya nakita niya yun.

"God! This is so unfair!" 

10... 9... 8... 7... 6... 5... 4... 3... 2... 1...

"Time's up! Dame!" sabi ni Emilia habang hawak hawak ang maliit na orasan at nakangisi ito. 

"Nigel! Go!" sigaw nito, at may pinundot si Nigel sa parang remote na hawak hawak niya. Kaya natanggal ang ribcage ni Dame. Bumulwak ang malapot na dugo mula sa bibig niya at mata, habang ang mga laman-loob niya ay nagsitalsikan kung saan saan.

"Mommy!!!!!!!!!!!" 

Hanggang sa wala nang malay si Dame. 

"Anong ginawa niyo sa mommy ko?! Mga demonyo kayo! Demonyo!" 

Ipinatikim ni Darcy ang pinakamalakas na sampal sa kanya. 

"Mas demonyo kayo, Dianne! Akala niyo ba, makakalimutan ko ang ginawa niyo sa akin sa Beverly Hills?!" sabi nito. 

"Warfreak!" 

Tinanggal ni Darcy ang tali ni Dianne sa paa at saka inilublob ito sa asido. Kaya mas lalong pumangit ang hitsura nito. 

"Wow Dianne! You look more prettier!" pang-aasar nito habang inilulublob ang mukha nito sa asido. 

"Inggit ka sa ganda ko!" sigaw nito. 

"Hindi mo alam.. Dianne.. Mas maganda pa ako sayo! Kaya tandaan mo yan!" muli niya itong nilublob sa asido, sumigaw-sigaw na si Dianne dahil sa nararamdaman niyang pagtiklop ng mga balat niya sa mukha. Pagkatapos siyang ilublob, itinulak na ito sa lapag ni Darcy at muli niyang hinaplos ang mukha niya.

"Look what have you've done to my face! Hindi pa ba kayo kuntento?!" 

Umiling-iling ang dalaga. "Hinding hindi pa! Kulang pa yan Dianne, kulang pa yan!" muli itong sumigaw nang hilahin siya ni Darcy papunta sa gitna ng warehouse, halos matatanggal na ang anit ni Dianne dahil sa sobrang pagkasabunot nito dito.

Muling iginapos nila Nigel si Dianne, ibinitin na nila ito patiwarik. 

Rinig na rinig ni Dianne kung papaano tinatalasan ni Darcy ang hawak nitong kutsilyo. Nakakaramdam na siya ng matinding takot, nakaramdam na siya ng matinding pagsisisi dahil sa mga ginawa niyang karumal-dumal sa mga estudyante, lalong lalo na kina Nigel at Darcy. 

"Patayin niyo na ako, Darcy! Yun naman ang gusto niyo di ba? Patayin niyo na ako! Ayoko nang mahirapan pa ng ganito!" 

"Wag kang masyadong atat, Dianne. Di ba dapat iniisip mo kung saan mapupunta ang kaluluwa mo? Kung sa impyerno ba..." sabay winasiwas ni Darcy ang kutsilyo sa leeg ni Dianne, resulta yung para sumirit ang dugo nito sa mukha niya. 

"O sa langit..." sa mukha naman niya ito winasiwas, maraming balat sa mukha niya ang nalaglag na. 

Isang salita ang narinig ni Darcy mula dito, isang salita na mas lalong nagpainis sa kanya...

"I'm so sorry Darcy." tumahimik ng ilang segundo si Darcy, ngunit mas lalong nangibabaw ang galit nito dahil sa ginawa ng mga ito sa kanya. 

Kaya... Pinagsasaksak niya ito nang walang awa, mas lalo siyang ginahanan saksakin ito. Iyak at sigaw ang naririnig niya mula dito... Hanggang sa magdilim na ang lahat dito. 

Hinang-hina si Darcy nang matumba siya, bumagsak ang dugu-dugong kutsilyo nito. Agad namang pumunta sa pwesto nito sila Darcy.. "Darcy, tagumpay ka sa plano mo..." 

"Salamat... Dahil kung hindi dahil sa inyo, hindi ko ito magagawa." 

Hindi pa tapos ang lahat... Dahil marami pa dapat kayong malaman! 

Itutuloy.... 

DarcyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon