Ika-Labing Isang Pasakit: Black Phantom

567 19 0
                                    

Darcy

Ika-Labing Isang Pasakit: Black Phantom

Hindi napaikot ni Dianne sina Emilia sa pamamagitan ng pagiging mabait. Dahil mautak ito at hindi basta basta mauuto. 

Pumasok si Dianne ng classroom, tahimik ito, kung saan pinagtitinginan siya ng mga kaklase niya, kasama nina Emilia. 

Uupo na sana ito, pero biglang hinila yun ni Minerva, kung saan napaupo siya sa lapag at nakarinig ng isang napakalakas na tawa. 

Naiinis na ito, pero pinipilit niyang pigilan ang inis niya at ngumiti na lang at umupo na ulit ng maayos. 

Nagsimula na ang klase, nananatiling tahimik si Dianne at bigla siyang kinausap ni Angelica. 

"Dianne.. I've got to tell you something." 

"Later na lang. Wala ako sa mood!" 

Nang matapos ang klase ay nag-uwian na. Nakasalubong nila sina Emilia, at tila nginitian ang mga ito, pero inirapan lang sila. 

Nagtungo ang dalawa sa auditorium para sabihin ni Angelica ang masamang balita. 

"Girl.. May sasabihin ako. T-tungkol kay Theo." 

"What? What about Theo?" biglang nabuhayan ang walang sa mood na si Dianne. 

"T-Theo.. is.. dead.." lumuluhang sambit nito. 

Natahimik siya sa sinabi nito. Patay na si Theo! Walang karea-reaksyon ito. Ayon kay Jasmin, ang kapatid ni Theo, ay nakita na lang ito sa kwarto, na may nakatakip na puting kumot. Pagkatanggal niya ng kumot, ay nagulat siya sa kanyang nakita, wala nang mukha si Theo at nakabanat ang mga braso't paa nito, at hati ang katawan nito. 

At sabi nito, nang nabubuhay pa si Theo, ay kumakatok-katok ito sa kwarto ni Jasmin at sinasabing may taong nakaitim na balabal ang humahabol sa kanya at minsan, nawawala-wala ito. 

Kinabukasan. 

Nagkakagulo na naman sa Beverly Hills International School. May isa na namang estudyante ang natagpuang patay sa auditorium. Nakatali ito ng mga alambre na nakakonekta sa ilaw ng auditorium. May alambre din ito sa bibig at sa mata. 

Hindi na alam ni Dianne kung ano na ang nangyayari sa eskwelahan na yun. Punung-puno na ito ng kababalaghan! 

Halos lahat yata ng estudyante dito ay namamatay na! 

Agad na pinuntahan ni Dame ang anak at niyakap ito. 

"Anak. Are you okay?" 

"Of course mommy!" 

"Anak. Mag-iingat ka na ha?"

Nagtataka si Dianne kung bakit wala pa si Angelica. Maaga kasi itong pumapasok, pero ngayon, himala yata? Nalate siguro ng gising. 

Tinawagan niya ito. Pero walang sumasagot. 

May nag-text kay Dianne at yun ay si Angelica, nasa locker room daw siya at humihingi ng tulong. 

"Oh no! I need to help Angelica!" at tumakbo agad ito ng mabilis, hanggang sa makarating na siya sa locker room. 

Nakita niyang wala doon ang kaibigan. Hinanap niya ito sa bawat sulok ng locker room.. 

"ANGELICA?" 

"ANGELICA?" 

"ANGELICA?" 

"ANGELICA?" 

Hanggang sa makita niya si Angelica. Nakatali ito sa isang upuan, nakasuot ito ng itim na damit na pang-prostitute. 

"Angelica?!" at tinulungan niya ang kaibigan na makatakas, pero dumating ang taong nakaitim na balabal at nakatayo lang ito. 

Kumuha si Dianne ng baseball bat at ipinukpok yun sa kanya, pero hindi naman ito nasasaktan, kaya ihinampas nito ang bat kay Dianne, nagkaroon ito ng pasa sa mukha. 

"Ano bang gusto mo?! Bakit kailangan lahat ng taong nasa paligid ko, pinapatay mo?!" 

Hindi ito nagsasalita. 

"Please lang, mysterious phantom! Wag mo na kaming pahirapan pa! Wag ka nang pumatay ng estudyante! Wala naman kaming ginagawa sayong masama ha?" giit nito. 

At naglabas ng isang nakakainsulto na tawa ang "Black Phantom". Yun ang naging bansag sa kanya dahil siya ang pinaghihinalaan ng mga estudyante na pumapatay sa mga ibang estudyante, lagi daw itong nagpapakita sa mga estudyante na mamamatay. Si Sonya ang unang biktima nito. 

Sa wakas, nagsalita na rin ito. Boses lalaki ito. "Oo nga, wala naman kayong atraso sa akin. Pero sa kanya.. Meron!" at ipinakita nito ang litrato ni Darcy na may matamis na ngiti sa labi. 

"Oh my god! Siguro, inutusan ka niya na patayin kami ano?!" 

"Hindi. Hindi niya ako inutusan! Ako lang mismo ang maghuhunting sa inyo! Lalong lalo na sa grupo mo.. Dianne Devin!" 

"NOOOOOOO!!!" hinampas siya ng lalaki ng tire iron, na ikinawala niya ng malay.. 

Itutuloy..

--

Sino ba si Black Phantom? Any ideas? 

COMMENT KAYO HA? VOTE NA DIN! ♥

DarcyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon