Ika-Apat Na Pasakit: Darcy Meets Death

644 15 4
                                    

Darcy
Ika-Apat Na Pasakit: Darcy Meets Death

Niyaya ni Dianne ang mga kaibigan niyang mag-night club. Kahit bawal sila, ipagpipilitan pa rin nila ang kanilang sarili na pumasok dun. 

 

"Because we need to enjoy life, right?" Sonya said. While her friends agreed with her. 

Nagtungo agad sila sa night club. Kitang kita ang hubog ng mga katawan nila Dianne, dahil sa suot nito, kapit na kapit, masyadong liberated at naka short shorts pa. 

Pumasok sila dun, at nagsimulang mag-order ng mixed drinks. Hindi sanay sila Sonya uminom ng vodka, wine or tequila. Pero itong si Dianne, kinumbinsi sila na uminom, kaya napilitan silang uminom kahit ayaw naman nila. 

 

"Pwe! Ba't ganito yung lasa nito. Dianne? Ang bitter!" sabi ni Angelica, naidura niya ang nainom niya at pinunasan niya ang kanyang bibig, nakalabas ang dila niya na para bang aso na humihingal-hingal. Dahil kumapit ang lasa ng tequila na ininom niya.

Napansin ni Sonya na may isang lalaking kanina pang tumitingin sa kanya, kaya nilapitan niya ito. Malamang, sineduce niya ito. 

"Hey boy. Do you want to drink?" Sonya said while she offers a wine for him. 

"No thanks girl. By the way, what's your name?" tanong nito habang hinahaplos-haplos niya ang mukha niya. Napansin ito ni Sonya at inalis niya yun. 

"I'm Sonya. Sonya Alvarez, ikaw? Anong pangalan mo?" 

"Ako nga pala si Genesis Thomas. Nice to meet you, Sonya." he said it with a smile and offers his hand. 

Nakipag-kamay si Sonya kay Genesis. Nag-inuman ang dalawa habang sila Dianne naman, ay busing-busy sa pagsasayaw sa dance floor. 

Naiihi na si Sonya, kaya nagpaalam ito kay Genesis, na busy naman sa pagtetext. 

"Just a minute, Genesis." 

"Okay, fine." 

Pumunta ng comfort room si Sonya, at may inilabas si Genesis na nasa maliit na plastic at inilagay niya yun sa inumin ni Sonya. Pagbalik ni Sonya, agad niyang binalik sa bulsa ang parang sachet na plastic. 

"Cheers?" sabi ni Genesis habang hawak-hawak niya ang kanyang inumin.

"Sure! Cheers!" Sonya said. 

At nag-cheers silang dalawa. Hindi alam ni Sonya na may inilagay si Genesis sa inumin niya. Ilang minuto lang, naramdaman ni Sonya na nahihilo siya. 

"Sonya.. Are you okay?" 

DarcyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon