Unang Pasakit: Si Darcy Kim

938 20 0
                                    

Darcy 

Unang Pasakit: Si Darcy Kim

"Patulong naman ako sa Physics project natin, Darcy?" pakiusap ng kauri ni Darcy na si Emilia Percival, ang super bestest friend nito. 

Tumingin sa kanya ang kaibigan at nginitian ito. "Nahihirapan ka ba, Emilia? Sige, tutulungan kita bukas... Wala namang pasok eh." 

"Talaga?! Haha, salamat ha!? Wag kang mag-alala, libre kita ng snacks bukas." 

"Kahit wag na, basta matulungan kita, okay lang." ganito kabait si Darcy, kasing bait ni Annaliza, hindi siya humihingi ng kapalit kapag tutulong siya sa ibang tao, naturingan siya na Most Generous Student sa pinakasikat na eskwelahan na Beverly Hills International High School. 

Galing sa mahirap na pamilya si Darcy, si Sue ay isang tindera lamang ng isda sa palengke, habang ang kanyang ama naman ay isang seaman sa Italy, bihira lang ito magpadala sa kanila ng pera dahil anak lamang si Darcy sa labas, tanggap naman niya yun at pumayag naman si Sue. Pero kapag nakatungtong na si Darcy sa edad na labing-walo ay kukunin na siya ni Franko. 

Scholar lamang siya at nagpapasalamat siya dahil nakapasa siya sa sikat na eskwelahan na yun. 

Tanging sina Derek, Magdalene, Mika, Emilia at Scarlet ang kaibigan niya. Kagaya niya, hindi gaano sila kilala sa school, maliban lang sa kanya, kilalang kilala siya dahil isa siyang mapagbigay na estudyante, pero siya ang madalas pagdiskitahan ng mga estudyante. 

Lalong lalo na ng grupo nila Dianne, sina Dianne ang pinakasikat na grupo sa lahat, kilala sila sa mga itsura nila, halos lahat ng estudyante ay sinasamba silang lahat. Wala ni-isang estudyante ang nagtangkang kumalaban sa grupo nila, dahil oras na may makabangga sa kanila, ay automatically makikick-out sa eskwelahan. 

Si Dianne ang pinakasikat na flag girl ng cheering team na Blue Dolphins, siya din ang pinakasikat na estudyante dito sa Beverly Hills. Makalaglag panga ang ganda nito, kayang kaya niya gawing alipin ang lahat, siya kasi ang anak ng principal na si Dame Devin, kaya pwede niyang gawin ang lahat, ngunit may di kaayang-ayang ugali si Dianne, kung anong gusto niyang makuha ay kailangang makuha niya agad. 

Unica hija kasi siya sa kanila, spoiled ng kanyang nanay, hindi siya masyadong pinapansin ng kanyang tatay ay dahil busy ito palaguin ang poker house nito. 

Kasama niya sina Theo, Eike, Harry, Angelica at Sonya sa pang-titrip niya. 

Tumayo si Emilia upang bumili ng makakain nila nang marinig niya ang usapan nila Dianne. 

"Theo, buy me a banana, kainin mo yung laman then itira mo yung laman.." natatawang sabi nito habang tinatapik siya sa balikat. 

Sumunod naman agad ito, ngunit bumalik para magtanong. "H-Huh?! Bakit, yung balat ba yung type mo baby?" tumawa silang lahat, agad na nainis si Dianne at malakas itong binatukan. 

"Aray naman baby! Nagtatanong lang ako eh, kailangan mangbatok?" 

"Eh kasi naman, para kang tanga! Abnormal na tao na lang ang kakain ng balat ng saging.." 

"Kagaya ba nila Darcy?" singit ni Angelica, ang pure laitera at feeling sosyalera sa kanilang grupo. 

"Exactly Angel, oh sige na Theo, bumili ka na." 

"Ano ba kasing gagawin mo huh?" 

"Ilalagay ko lang naman yung sa dadaanan nila Darcy, then.. Boom! Madudulas siya, makikita niyo ulit yung panty niyang walang garter!" mas lalong lumakas ang tawa ng kanilang grupo, tumango-tango na lang si Theo sabay pumila na ito sa may counter. 

Pagbalik ni Theo, wala nang laman yung saging, kinain na niya, binigay niya ito kay Dianne. "Oh baby, ayan na yung balat ng saging." sabi niya, habang ngumunguya pa. 

"Thanks Theo." kinuha niya ito, sabay hinalikan niya ng mariin si Theo. 

"Hoy, wag nga kayong PDA dyan! Nakakadiri kayo eh!" maarteng tugon ni Angelica habang busy sa pagsusuklay ng kanyang hanggang balikat na buhok. 

"Angelica... Wag ka ngang umasta dyan na parang hindi ka nakikipaglaplapan kay Eike? Baka gusto mong sabihin ko na hindi ka na virgin?!" banta nito sa kanya, pinadilataan niya pa ito ng mata, nakaramdam naman ng takot si Angelica kaya naman mas pinili na lang itong manahimik sa isang tab.

Sakto nung tumayo sina Darcy, pasimpleng tinapon ni Dianne yung balat ng saging sa dinadaanan nito, resulta para madulas ito. 

Tumayo ang grupo nila at isa-isa naghigh-five, pinalilibutan naman sina Darcy ng estudyante at halos mabingi na ito sa tawa nilang lahat. 

"Epal talaga yang Dianne na yan!" sigaw ni Mika, ang warfreak sa grupo. 

"Oo nga eh, kulang yata sa pansin.." 

"Teka, papansin ko nga!" lumapit si Mika sa tumatawang grupo nila Dianne. 

"Hoy ikaw babae ka! Kulang pa ba yung pansin na natatanggap mo araw-araw? Ba't mo ginanun si Darcy?! Ang kapal mo, akala mo naman ang ganda mo, mukha kang bakulaw!" maarteng tinulak ni Dianne si Mika, kaya napatumba ito. 

"For you f*cking information, did I give you the right to touch me?! Ew, bago mo 'ko lapitan, you take a bath first. And the smell of your breath? Yuck, para kang kumain ng bulok na itlog." sabay tinakpan nito ang ilong, ganun din ang ginawa nila Eike. 

"Eh ano naman? At least, hindi yung ugali ko yung umaalingasaw, ikaw nga.. Ang bangu-bango mo, pero kahit anong spray mo ng pabango, mabaho ka rin! Dahil sa ugali mo!" sabay nagsi-alisan na ang mga ito. 

Tinayo naman nila Magdalene si Darcy. "Ayos ka lang ba, Darcy?" 

"O-oo naman, ayos lang ako." 

"Wala namang masakit sa'yo?" 

"Oo, wala. T-tara na nga." aniya. 

Dumeretso na sila ng classroom upang mag-aral para sa long quiz nila sa Math, nang maupo si Darcy, ay naramdaman niyang may basa at pagtingin niya.. May dumi ng aso sa upuan niya. "Kadiri naman, kaninong aso kaya yung tumae dyan?" reklamo ni Emilia. 

Hanggang sa makita nila ang Gold Retriever na aso ni Dianne, lumapit ang mga ito sa kanya. "Anong nirereklamo niyo dyan? Simula ngayon, dyan na dudumi si Burdine, kung gusto niyo.. Maghanap na lang kayo ng ibang pwesto niyo, okay?" 

"Tara na nga Darcy, hayaan mo na yung aso niyang ulol na tumae dyan, pumunta na tayo ng CR para makapagpalit ka." 

Tanging tango lang ang naging sagot nito, sabay lumabas na sila ng classroom para palitan ang narumihang palda ni Darcy. 

Habang umalis si Emilia para kunin ang extra niyang palda sa kanyang locker, pinagmasdan ni Darcy ang sarili sa salamin. 

"Ano bang naging kasalanan ng isang kagaya ko na nananahimik lang sa isang sulok? Wala naman akong ginagawang masama ha? Bakit lahat na lang ng nangyayaring kababalaghan dito, sa akin sinisisi? Bakit kailangan pa nila ako ganituhin?" tanong niya sa kanyang sarili, kasabay nun ay pumatak ang mga luha niya. 

"Darcy, ito na yung..-- Uy, bakit ka umiiyak?!" 

Agad namang pinunasan ni Darcy ang mga luha niya, sabay sulyap kay Emilia at ngumiti na parang walang dinadamdam. "Wala 'to." 

"Asus, anong wala? Wag kang mag-alala, may palda ka nang maisusuot.. Heto oh." masaya niyang ipinakita ang palda kay Darcy, kinuha naman yun ni Darcy at nagpaalam na papasok ito sa cubicle para magpalit. 

Mga ilang minuto ang lumipas, nakapagpalit na si Darcy ng palda at pareho na silang bumalik ng classroom. 

Itutuloy...

DarcyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon