Ikalimang Pasakit: Ang Saksi

614 15 1
                                    

Darcy

Ikalimang Pasakit: Ang Saksi

Maagang pumasok ang lima. Hindi pa rin pumapasok si Sonya, dahil nalaman ng mga magulang nito na buntis siya.  Napansin nila na pinagtitinginan sila ng mga estudyante. 

"Anong tinitingin-tingin niyo dyan?" mataray na tanong ni Dianne at itinaas ang isa niyang kilay. 

Patuloy sila sa kanilang paglalakad. Hanggang sa pumasok sila ng classroom at ganun din, pinagtitinginan din sila, lalong lalo na nila Emilia. Masama ang tingin sa kanila nila Emilia. 

"Oh. Ikaw? May problema ka sa akin?" tanong niya kay Emilia. 

Hindi siya pinansin ni Emilia, nanatiling tinignan lang ito ng masama. Wala siyang ideya kung bakit ganun makatingin ang mga tao sa kanila. 

"Di kaya.." nanginginig na sabi ni Angelica. 

"Di kaya?" sabay sabay nilang tanong.

"Alam na nila yung nangyari kay Darcy--" 

"Bakit? Ano bang nangyari kay Darcy?" sumingit si Emilia sa usapan. Napatingin sa kanya ang lima. Tumayo si Dianne. 

"W-wala." 

"Wow ha? Himala, ba't di ka yata nakikipag-bangayan sa akin." 

"W-wala. T-trip ko lang. Pakielam mo?" 

"Trip mo? Sure ka?" 

"O-oo." 

"Hmm.. Siguro, may nagawa kang kasalanan." mas lalong nanginginig si Angelica. Natatakot ito, baka mamaya, alam na ni Emilia ang nangyari kay Darcy. 

"WALA NO!" 

"Nagtataka lang ako. Kasi, hanggang ngayon, wala pa rin si Darcy. Hindi pa rin siya pumapasok. Imposible namang malate yun. Never siyang malate." 

"B-baka. Nag-aayos na yun!" 

"Teka. Sa tuwing nagtatanong ako, bakit tahimik kayo? Siguro wala na kayong mapagtripan no, kasi wala si Darcy?"

"M-meron. I-ikaw!" at tumayo silang lahat, hinila nila si Emilia, tinanggal ni Dianne ang salamin nito at tinapak-tapakan. 

"YUNG SALAMIN KO!" sigaw nito. 

Nakita sila ng mga kaibigan ni Darcy at itinulak papalayo ang lima. Agad itinayo ni Derek ang kapatid. 

"Kayo talaga! Wala talaga kayong magawa sa buhay!" 

"Tara na nga, Emilia. Iwan na natin yang mga mamamatay-tao na yan!" 

Umalis na sila. Napag-usapan nila na bumalik sa lugar kung saan pinatay nila si Darcy. Alas syete, nandun na sila. Dun mismo sa eksaktong lugar, at hinanap nila ang bangkay ni Darcy. Nagtataka sila kung bakit wala doon ang bangkay nito, dahil dun lang naman nila inilagay yun. 

Imbes na bangkay ni Darcy ang nakita nila dun, ang martilyong ginamit nila sa pagpatay kay Darcy ang nakalagay dun. 

"Teka. Ba't nandito ito?" tanong ni Eike at hawak hawak ang martilyo. 

"E-ewan. At tsaka, hindi naman namin dyan inilagay yun eh." 

Sa di kalayuan. May isang itim na anino na tila parang nakasilip at nakikinig sa usapan nila, nakatago lamang siya sa poste. 

DarcyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon