Third Person's POV:
*Booooommm!!*
Nagkaroon ng biglang malakas na pagsabog na ikinagulat at ikinabahala ng mga naninirahan sa mundo ng Thrae. Sa pagsabog na iyon ay unti-unting namamatay ang mga nilalang at mga puno sa paligid ng pagsabog.
Madaling tumakbo ang isang kawal sa palasyo upang ipaalam sa reyna ang nakakagimbal na balitang ito.
"Mahal na reyna! Nakatakas po ang ating bihag sa kanyang kulungan, at nagsisimula na siyang sirain ang Thrae sa kanyang muling paglaya!"
"Hindi ito maaari! Namatay ang aking hari sa pagkulong sa nilalang na iyon! Paano ito nakatakas gayung isinumpa siya upang hindi magamit ang kanyang mahika?"
"Paumanhin mahal na reyna, ngunit kahit kami ay hindi maipaliwanag ang nangyayari."
Nangamba ang mahal na reyna sa balitang kanyang nakalap, alam nito na sa muling paglaya ng kanilang kaaway ay maari itong maghiganti at patayin sila ng kanyang mga anak. Nagpasya ang reyna na labanan ito para sa kaligtasan ng kanyang dalawang prinsesa.
Muling nagbukas ang pinto at pumasok ang apat na makikisig na lalaki na may dalang armas, kasunod ang dalawang nag-gagandahan na mga babae, isang may maiksi na buhok at isa ay mahaba na hanggang beywang na parehong may bakas ng takot at lungkot sa kanilang mga mata.
"Mahal na reyna, kinakailangan niyo ng likasin ang palasyo, masyadong malakas ang kapangyarihan ni Caleb kaya't kinakailangan niyo ng lumikas ng inyong mga anak ngayon din." Sambit ng isa sa mga lalaki.
"Hindi maaari! Hindi ko iiwan ang aking mga nasasakupan pati narin ang aking nga mga tao. Lalaban ako, kinakailangan nila ang tulong ko!"
"Ngunit paano ang inyong mga anak? Sila ang pakay ni Caleb, gusto niyang patayin ang mga prinsesa, pati ikaw mahal na reyna. Gusto niyang maghiganti dahil sa kanyang pagkakakulong, kinakailangan niyong protektahan ang inyong mga anak ng hari. Kailangan ninyong mabuhay dahil kung hindi, mawawalan ng saysay ang pagsasakripisyo ng iyong asawa." Sambit muli ng isa pa sa kanila.
Hindi nakapagsalita ang Reyna sa sinabi ng kanyang mga tagapag-sunod, isang malakas na pagsabog muli ang narinig sa buong lugar, mas malakas na naging dahilan upang unti-unting mag biyak at mahulog ang mga bato sa kisame at ding-ding ng palasyo. Mabilis na tumakbo ang Reyna tungo sa kanyang mga anak upang protektahan ito mula sa mahuhulog na mga bato.
Mabilis na kumilos ang isang lalaking tagapagsunod at nagpalabas ng hangin sa kanyang mga palad upang pigilan ang mga nahuhulog na bato sa pagbagsak sa mga anak ng reyna.
"Wala ng oras! Mahal na Reyna kailangan na nating umalis!" Tumango ito at binuhat ng dalawang babae ang kanyang dalawang anak.
Sa bawat pagsabog na maririnig lalo itong lumalakas, alam ng reyna at mga kasama nito na papalapit na si Caleb sa palasyo upang wakasan ang kanilang buhay. Naglagay ng harang ang apat na lalaki gawa sa apat na elemento para sa mga batong nahuhulog sa kanila, samantalang ang babaeng may maiksi na buhok ay naglagay ng mahika upang hindi sila makita ni Caleb sa kanilang pagtakas.
BINABASA MO ANG
Avalon
FantasyPower against the Wicked A journey to find the missing Princess A choice between Darkness and Light Rebellion between comrades and Love for the sake of the people they care... --- Started: October 14, 2019 Finished: July 10, 2021