Papunta kami ngayon ni Yohann sa school ng kapatid niya. Sabi niya kasi bago kami pumunta sa bahay nila ay susunduin muna namin ang babaeng nakababatang kapatid nito. Sabi niya kasi sakin kagabi ay pupunta raw kami sa bahay nila bukas dahil birthday ng Mommy niya, atsaka gusto niya na raw ako ipakilaka sa pamilya niya. Naikwento na rin daw niya ako sa parents at gano'n na rin sa mga kapatid niya.
Mula sa malayo ay natatanaw ko na ang skwelahan na sinasabi ni Yohann. Malaki at malawak ito, maraming puno sa paligid kaya hindi gano'n kainit. Natanaw ko rin ang isang babae na papunta sa gawi namin, Her skin is white, her hair color is hazel brown, long and naturally straight, her eyes are the same as Yohann's, her nose is also sharp which you can see more similar to Yohann. She is also tall and you can see from her appearance that she has matured face. Hindi mo aakalain na nasa high school palang ito. Nabanggit kasi ni Yohann na grade ten ang kapatid niyang babae.
Yohhan removed his seatbelt and turned to open the door for me. Her sister gave a sweet smile that we reciprocated. She hugged his older brother before turning to look at me with a smile on her lips and a twinkle in her eye.
"You're pretty," she said. "So if I'm not mistaken you are the girlfriend of my kuya?" Tuwa niyang sabi. Kita mo rin ang excitement sa mata at sa kanyang boses.
"You're pretty too, and yes I'm your kuya's girlfriend," masaya kong sambit. Hindi ako nakaramdam ng kahit anong bad energy sa kapatid niya. Magaan ang presensya na dala nito.
"Omg! Yes! magkakaroon na ako ng ate, can I hug you po?" Masaya niyang wika at nag tatalon pa.
"Sure!" Payag ko. Nagulat ako dahil niyakap niya ako ng mahigpit at agad ko naman itong sinuklian. Ang sarap sa pakiramdam na magaan ang loob sayo ng kapatid ng kasintahan mo. Nahulog ang loob ko agad sa bata na 'to. I hope na sana ganito rin kami ng step sister ko pero hindi. Close naman kami ni Arianne which is my half sister, anak ni dad at ng bago niyang asawa. Pero syempre iba pa rin kapag kasundo mo lahat ng pamilya mo. Kami lang naman ni Ariadne ang may problema, hindi ko alam kung bakit gano'n nalang kainit ang dugo nung babaeng 'yon sakin.
Pagtapos namin masundo ang kapatid ni Yohann agad namin tinahak ang papunta sa bahay nila. Hindi tahimik ang biyahe namin dahil ang daming baong kwento ng kapatid ni Yohann. Ang ingay nito at ang kulit hindi mo aakalain na ganito ang ugali niya dahil kung titignan mo sa itsura niya akala mo seryoso siyang tao pero hindi pala.
"Daevisha ang ingay mo, hindi ka ba napapagod kakasalita?" reklamo ni Yohann sa kapatid nito. Kita ko naman sa salamin na inirapan niya ang kuya niya at ngumuso dahil napagalitan ito.
Bigla akong napatigil sa binanggit na pangalan ni Yohann. Daevisha? Siya 'yong tumawag kay Yohann noong papunta kami sa Manila? Akala ko pa naman kung sino 'yon at pinag selosan ko pa. Hays! Buti nalang hindi ko ito binanggit sakanya. Nakakahiya ka Jacin!
Tumingin ako sa harap dahil mukhang ito na nga ang bahay nila Yohann. Bigla naman akong namangha sa laki at ganda nito. Malaki ang gate nila at maaliwalas ang paligid, pag pasok namin ay may foundatin na bubungad sayo, may malawak din silang harden na kung saan doon gaganapin ang kaarawan ng Mommy niya. Marami rin ang nakaparadang sasakyan dito, siguro ay ang iba rito pagmamay-ari ng mga bisita. Kaagad naman kaming bumaba ng maiparada na ni Yohann ang sasakyan. Umikot uli ito sa gawi ko upang pag buksan ako ng pinto.
Nag paalam naman si Daevisha na mag bibihis muna. Hinawakan naman ni Yohann ang kamay ko at sinimulan na namin mag tungo sa venue.
Sinalubong naman kami ng babaeng kamukha ni Yohann. Niyakap at hinalikan naman ni Yohann ito sa pisnge. Siguro ito ang kanyang ina. Maganda at mukhang dalaga pa ito, maputi rin siya tulad nila Yohann. Nakasuot ito ng pink na trumpet gown at nakapusod ang buhok nito. Light lang din ang make up nito. Parang natural nga lang dahil maganda na ito. Kung hindi mo siguro alam na may anak na siya ay mapagkakamalan mong dalaga pa dahil hindi mapagkakaila na maganda pa ang hubog ng katawan nito.
BINABASA MO ANG
You Promised (Dela Vega Series #1)
RomanceDela Vega Series #1: You Promised Jacinda Cartel, is a strong women, she experienced a lot of pain, losing her mother, betrayal, she also experienced being cheated, paying for a sin she didn't commit. All she wanted was to love her truly and to fulf...