Nalaglag ang panga ko sa salitang binitawan niya. Ganyan ba ang tingin niya sakin? Wala siyang ideya na 'tong ginagawa ko ay para sakanya, para maprotektahan siya.
"Is that how you think of me? You don't know what you are talking about Yohann," nahihirapan kong sambit.
"I don't understand? Then explain it!" Marahas niyang sinuklay ang kanyang buhok.
Umiling nalang ako at marahas na pinunasan ang luhang dumadaloy sa pisnge ko. Wala na akong binitawan na salita. Tumalikod nalang ako at umalis sa kung nasaan siya naroroon. Masyadong mabigat na ang sakit na dala ko, pakiramdam ko ay lahat ng kamalasan sakin bumagsak. Ayoko man umiyak pero hindi ko mapigilan. Ang sakit dahil mas pinipili niyang paniwalaan ang ex niya kaysa sakin.
Pagkalabas ko ng bahay nila ay nakita ko si Calvin, nakasandal sa kotse niya. Kita ko naman ang pag ngising aso ni Hazel pero hindi ko na siya pinansin. Wala akong panahon sa mga katulad niyang mukhang aso.
Paglapit ko kay Calvin ay inalalayan niya ako agad. He opened the door for me. Nang makapasok ako ay umikot siya agad sa driver's seat at sinimulan mag drive.
"Did you tell him about your baby?" Ani niya sa mababang boses.
Umiling lang ako.
"Are you okay?" May pag-aalala niyang tanong.
"Hindi, sobrang sakit Calvin," tumulo nanaman ang luha ko. "I helped him learn to love again, only for him to offer his love again to his ex." Nahihirapan kong sambit, mariin kong ipinikit ang mga mata at isinandal ang ulo sa sa headrest ng sasakyan.
Ginilid niya ang sasakyan bago ako niyakap. "Shhh, umiyak ka lang hanggang gusto mo, I'm here." Bulong niya habang hinahaplos ang likod ko.
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mapagod ako. Pag uwi namin sa bahay, si Calvin na ang nag kwento kay Valene kung anong nangyari.
"Sana sinama mo ako para naman nasabunutan ko 'yong higad doon! Gosh! Hindi ko palang siya nakikita pero gusto ko na siyang ilagay sa drum!" Gigil na ani Valene.
Nakaupo lang ako sa sofa at pinapanuod siya mag rant. Si Calvin naman ay nag hahanda ng pagkain.
"I'm sure naman na mas maganda ka ro'n. Duh! Hindi ko palang siya nakikita pero ang panget niya! Kumukulo ang dugo ko sakanya!" Umirap pa ito na akala mo nakikita niya si Hazel.
Umiling nalang ako. Hinayaan ko nalang siya mag salita hanggang sa mapagod siya. Iniisip ko ang anak namin, paano ko ito sasabihin sakanya? Kung ganito ang sitwasyon namin. Sasabihin ko pa ba sakanya o itatago ko nalang? Pero deserve niyang malaman na may anak kami, hindi ko ipagkakait sakanya ito dahil laman at dugo niya rin ito.
Nang makapag hapunan kami ay pinili ko nalang mag pahinga, gustuhin ko man umiyak para mabawasan ang bigat ng loob na nararamdaman ko pinigilan ko nalang ito dahil alam kong hindi ito makakabuti sa bata na nasa tiyan ko. Pinilit ko nalang matulog para makakuha ng sapat na pahinga.
NANG magising ako sakto naman ang pag tunog ng telepono ko, sanhi na may nag text sakin. Kinuskus ko ang mga mata bago binalingan sa side table ang cellphone ko. Kita ko ang litrato namin ni Yohann sa lockscreen, he hugged me from behind while leaning his head on my shoulder, smiling you can see the love in his eyes that I didn't see yesterday.
'Magkano ka ba para mawala sa buhay ko?'
Naalala ko nanamn ang sinabi niya sakin kahapon, ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko at pag tulo ng mainit na likido mula sa mata ko. Kaagad ko itong pinunasan dahil ayokong mag inarte, ayokong mastress dahil may buhay ang nasa tiyan ko at ayokong makaapekto ito sakanya.
I checked who messaged me, and it was him.
From: Yohann
Come here to my house at 7pm we're having dinner, we need to talk. I'm sorry for what happened yesterday, let's fix this, hon.
BINABASA MO ANG
You Promised (Dela Vega Series #1)
RomanceDela Vega Series #1: You Promised Jacinda Cartel, is a strong women, she experienced a lot of pain, losing her mother, betrayal, she also experienced being cheated, paying for a sin she didn't commit. All she wanted was to love her truly and to fulf...