25: Help me

161 12 48
                                    

"Goodbye mommy, take care," paalam ng anak ko at hinalikan ako sa pisnge.

"Bye baby, galingan mo ha," masayang sabi ko at hinalikan ito sa noo. Tinanggal ko ang seat belt na nakakabit sa katawan niya para makaalis na siya sa kotse.

Nang makalabas ito ay kinawayan ko siya at gano'n din siya. Masaya itong naglalakad habang hila-hila ang bag, nakikita ko rin na kumakaway siya sa mga batang nakakasalamuha niya.

Isa sa nagustuhan kong katangian ng anak ko ay ang marunong siyang makisalamuha, palakaibigan din ito at sobrang honest na bata, masaya ako dahil napalaki namin siya ng maayos ni Calvin.

Nang tuluyan nang mawala sa paningin ko ang anak ay napagdesisyonan kong pumunta kila Valene. Nabalitan ko kasi na naroon siya sa Resort na pag-aari nila rito sa Ilocos. Sampong taon na ang nakalipas at ang alam nito ay wala na talaga ako ngunit ngayon gusto ko siyang kumustahin at humingi ng tawad dahil hindi ko sinabi sakanya ang totoo.

Nang makapasok sa resort na pagmamay-ari nila Valene ay agad akong pumunta sa lobby para tanungin kung nasaan ang amo nila.

"Hi miss, I'm Dra. Dawson, may I know if where is Valene Adair?"

"Ah nasa office niya po, Dra."

"Pwede bang samahan mo ako kung saan ang office niya?"

"Sure ma'am, this way po," aniya at nag umpisang maglakad na siyang sinundan ko.

Pagkarating namin sa tapat ng opisina niya ay iniwan na ako ng babaeng kausap ko kanina. Huminga ako ng malalim bago kumatok sa malaking pintuan sa harap ko.

"Come in," rinig kong sambit nito mula sa loob.

Marahan kong tinulak ang pinto. Nakatalikod ito at nakatanaw sa resort na pag-aari niya, blonde at mahaba ang kanyang buhok, she is even sexier because her body shape is so beautiful now than before, she is wearing a white peplum dress and white high heels stiletto.

"V-Val," nahihirapan kong sambit.

Unti-unti itong humarap sakin at bakas ang gulat sa kanyang mukha. Ilang beses itong napakurap-kurap bago itinikom ang bibig na kanina ay nakabukas.

"M-multo ka ba?"

"Anong satingin mo?" Balik tanong ko.

Nagmamadali itong lumapit sakin at kinurot ang pisnge ko. "Omygosh," bulalas niya. Hinila niya ng bahagya ang buhok ko na siyang ikinawingi ko. "Omg, totoo ba 'to?" Bulalas niya. Kinurot niya pa ang braso ko para makumpirma kung nanaginip ba 'to o hindi.

"Aray tama na ha nakakatatlo ka na!" Pigil ko rito ng nag balak pa 'tong kurutin uli ang pisnge ko.

"Are you for real? Jacinda?" Malalaking mata nitong tanong.

"Oo, sorry Val," hingi ko ng tawad.

Biglang tumulo ang luha niya at niyakap ako. "Akala ko wala ka na, paano nangyaring?"

"Ikwekwento ko sayo lahat," nakangiti kong sambit.

Nang matapos ang usapan namin ni Valene ay nag paalam na akong uuuwi. Natutuwa ako dahil hindi nagalit sakin si Valene. Siya 'yong tipo ng tao na naiintindihan ang lahat kaya thankful ako na may ganoon akong klaseng kaibigan.

Bago dumiretso sa bahay ay dadaan muna ako sa Mental Hospital dahil mayroon akong kailangan dalawin doon.

"Saan 'yong kwarto niya?" Agad kong tanong nang makarating sa lobby.

"Samahan ko na po kayo ma'am," tugon sakin ng babaeng kaharap ko.

Tahimik lang akong sumunod, malamig naman dito ngunit ramdam ko ang pawis at kaba. Matagal ko na siyang hindi nakita at ngayon ang una naming pagkikita. Makikilala niya kaya ako?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Promised (Dela Vega Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon