When I opened my eyes I could see nothing but the white wall and the dextrose attached to me. Bahagya akong umupo para makita kung sino ang kasama sa silid na ito.
Kaagad na tumayo ang kapatid ko sa sofa nang makitang gising na ako. Mugto ang mata at walang emosyon na nakatingin sakin.
"Are you out of your mind?" mahina ang boses ngunit may diin na sambit niya. Pinagkrus niya ang kanyang kamay at itinaas ang kilay.
"Totoo ba? Hindi ba talaga ako nanaginip? I-is s-she g-gone?" nauutal kong sambit kasabay no'n ang pamumuo ng luha sa aking mata.
Kagat labi itong tumango. "I know na mahirap tanggapin kuya, but you don't have to do such a stup*d things. Ano bang pumasok sa kukuti mo at naisipan mong mag lasl*s?"
I chuckled. "Wala ng kwenta ang buhay ko ngayon, everything has been taken from me Daevisha, si Dad, si Mom at ang kapatid natin na nasa sinapupunan niya, and si Jacinda. You should not have taken me to the hospital and you should have left me die there."
Isang malakas na sampal ang natikman ko galing sa nakababata kong kapatid. Nanginginig ito at tuloy-tuloy ang pag agos ng likido mula sa mga mata.
"Hindi lang ikaw ang namatayan kuya! Nawalan din ako ng magulang pero pinipili kong maging matatag, kinuha na sayo lahat? Ano ako? Si kuya Stephen? Si kuya CD ha? Hindi ba kami pamilya para sayo?" tumaas ang boses nito.
Umiling lang ako at hindi pinakinggan ang mga salitang tinuran niya.
"Kung pagpapakamatay ang sulosyon mo sa problema mo kuya, napakahina mo," mahina niyang sambit at itinulak ako gamit ang hintuturo niya.
"Ang hina mo." Pinunasan niya ang mga luhang kanina pa nag uunahan sa mga mata niya at iniwan akong mag-isa sa silid.
Ilang sandali akong nakatitig sa kisame, nang bumukas ang pinto ay iniluwa no'n ang aking lola. Ngumiti ito nang makitang gising ako, my grandmother is already old, that's why her hair is white, but even so, you can still see her beauty.
In her right hand she was carrying her expensive bag while in the other hand she was carrying fruit in a basket, when she finally got inside she placed all of it on the table opposite my bed.
Umupo ito sa upuan na kung saan nakalagay sa gilid ng aking kama, kinuha niya ang aking kamay at dinala sa kanyang hita at hinawakan, paunti-unti ay hinahaplos niya ito. She sighed. "Apo, bakit mo naman ginawa iyon?"
"Sorry lola, hindi ko na kasi alam ang gagawin ko, gulong-gulo na ang isip ko," walang lakas kong bulalas.
Marahan itong ngumiti. "Apo, kung nabubuhay ang mga magulang mo ngayon, ayaw nilang nakikita kang ganyan, mag palakas ka at patuloy na lumaban araw-araw."
Umiling ako. "Paano ako magpapalakas lola kung 'yong nag iisang lakas ko ay wala na?"
"You know apo, people come and go, kung mayroon aalis may darating, alam ko na ayaw ni Jacinda na nag kakaganyan ka, ayaw niyang makitang nasasaktan ka. Kaya apo, huwag mong gawin ang mga ganoong bagay sa sarili mo."
"But s-she's gone," bulong ko.
Grandma stood up and leaned my head on her chest at the same time she hugged me tightly so I hugged her back. At this time, a mother's hug is what I need right now and I'm glad that lola is here. "You're right she's gone, you'll never see her again, but in your heart and mind she's alive and the good memories you had together."
KINABUKASAN ay pinauwi na ako galing sa hospital dahil hindi naman ako gaanong nawalan ng dugo dahil nakita ako kaagad ng kapatid ko kaya mabilis akong naisugod sa hospital. Nang matapos akong maligo ay kaagad akong nag bihis, plano kong pumunta kila Jacinda ngayon. Hanggang ngayon ayokong maniwala na wala na siya, ang hirap tanggapin na sa ganito pala matatapos ang lahat sa 'min. Kung alam ko lang sana hindi ko na naisip na gawin iyon.
BINABASA MO ANG
You Promised (Dela Vega Series #1)
RomanceDela Vega Series #1: You Promised Jacinda Cartel, is a strong women, she experienced a lot of pain, losing her mother, betrayal, she also experienced being cheated, paying for a sin she didn't commit. All she wanted was to love her truly and to fulf...