Ara's POV
Masakit.
Masakit makitang malungkot at nasasaktan ang kaibigan mo, ang best friend ko.
Kanina pa siya tulala at parang malalim ang iniisip kaya naisipan kong lapitan siya.
"Miks..." Tawag ko sa kaniya pagkaupo ko sa tabi niya.
"Hmm?" Sabi niya, nakatingin pa rin sa malayo.
"Ayos ka lang ba?"
Kahit alam ko kung ano ang problema niya, gusto ko pa rin malaman kung ano ang nararamdaman niya.
"O-Oo naman." Sabay ngiti. Pero alam kong fake 'yon.
"Hey, cheer up! Ang tamlay mo naman eh." Sabi ko habang nakatingin na rin sa malayo.
"May sipon kasi ako. Kulang din ako sa tulog." Paliwanag niya tsaka yumuko. Narinig ko namang suminghot siya at suminga sa tissue niyang hawak.
"Kaya pala namumula 'yung ilong mo. Rudolph, the red-nosed reindeer, has a very shi--" Natawa na lang ako. Pinaghahampas niya ako pero mahina lang naman. At least kahit papaano ay napangiti ko siya.
"Ayun! Ngumiti ka rin. Alam mo, mas bagay sa 'yong nakangiti." Well totoo naman. Kahit ano yatang facial expression niya, maganda pa rin siya eh.
Nakita ko namang napangiti siya lalo at yumuko.
Hay, Mika Reyes.
Nagkulitan lang kami dito habang nanonood ng game. Nandito nga pala kami sa Baguio para sa Intercol. Mamaya pa 'yung game nila kaya pinapanood muna namin ang ibang teams.
. . .
"And the Most Valuable Player for this year's Intercollegiate Volleyball Tournament, from the DLSU Lady Spikers, Mika Aereen Reyes!"Palakpakan kami pagkatapos i-announce ang awardees.
Si Dawn Macandili ang Best Receiver. Si Kim Fajardo naman ang Best Setter. At syempre, ang MVP na si Mika Reyes. We're so proud of them. I'm so proud of them... of her. Kahit broken hearted siya ay nagawa niya pa rin ang best niya sa tournament na 'to.
Pagkatapos ng awardings and picture-taking ay nagsilapitan ang fans. Dinumog si Mika at kaliwa't kanan ang nagpapapicture sa kaniya.
"Vic! Ara!" Rinig kong tawag sa akin. Napalingon naman ako tsaka hinanap ang tumatawag sa akin. Nakita ko namang kumakaway si Mika habang lumalapit sa akin.
"Pa-picture daw." At hinala ako palapit dun sa fans.
Nang matapos ang photo-ops ay nakapagpahinga na kami. After nilang maligo at magbihis ay sumakay na kami sa mini bus para bumalik sa hotel.
"Congrats, Ye! Galing mo talaga" Sabi ko kay Mika na katabi ko ngayon sa bus.
"Hindi naman pero thank you."
"You deserve it naman eh. You did your best and I'm proud of you."
"Salamat, Vic." Sinide hug pa niya ako.
"Oy! Oy! Ano 'yan?" Nakangising sabi ni Kim na nasa kabilang side namin. Napatingin tuloy sa amin 'yung iba. Medyo clingy kasi ang pwesto namin ni Mika. And as usual, puro tukso ang inabot namin.
"Muling ibalik..." Panimula ni Carol pero sinamaan ko siya ng tingin. Nagmouth siya ng 'sorry' pero tumawa nang mahina.
Nako. Muling ibalik kung pwede lang.
. . .
Naisipan naming maglibot-libot sa hotel after ng team dinner. Bukas na lang daw kami pumasyal dito sa Baguio kasi gabi na rin."Kim, nakita mo ba si Ye?" Tanong ko. Kanina ko pa kasi hinahanap.
"Nakita ko siyang lumabas kanina, doon sa may garden. Baka nandoon pa." Tumango na lang ako at lumabas.
Naglakad-lakad ako hanggang sa nakita ko siya sa pool side. Nakaupo lang siya dun habang nakalublob ang mga paa sa pool.
"Hey..." Umupo ako sa tabi niya at binaba rin ang paa. "Bakit ka nandito? Ayaw mo bang sumali sa loob?" Naglalaro kasi kami sa loob ng kung cards o 'di kaya ay board games.
"Gusto ko lang sana mapag-isa. Magmuni-muni, ganon."
"Ay, sorry. Balik na lang ako sa loob--" Tatayo na sana ako nang pigilan niya ako.
"Okay lang. Ahm, pwedeng dito ka muna? Please."
Umupo na lang ako ulit. Walang nagsasalita sa amin. Ang ingay galing sa loob at ng mga puno lang ang maririnig.
"Break na kami ni Kiefer." Napalingon naman ako sa sinabi niya.
Break na sila? Bakit naman?
"Nakipaghiwalay na ako sa kaniya." Yumuko naman siya at nagsimulang umiyak. Hinagod ko ang likod niya. "I'm s-sorry. Hindi pa ako handang mag-explain."
"Shh... okay lang. Hindi mo naman kailangang ipilit o magmadali." Sabi ko naman at niyakap siya. "Nandito lang kami. Nandito lang ako sa tabi mo."
Niyakap naman niya ako pabalik. "Thank you, Vic."
"You're always welcome, Ye."
. . .
Kinabukasan, maaga kaming gumising para mamasyal dito sa Baguio. Nag-enjoy kami sa paglilibot.Nandito kami ngayon sa isang park. Tabi-tabi kaming lahat habang nakaupo sa mga bench. Humiwalay kami ni Mika ng pwesto mula sa kanila dahil gusto niyang mag-isip at sinamahan ko na siya. Naintindihan naman kami ng team kaya hinayaan na nila kami.
Tahimik lang kaming nakatingin sa view. Dinadama ang lamig ng hangin.
"May mga narealize ako." Sabi niya. "Narealize ko na kailangan na naming magbreak dahil busy kami at kulang ang oras para sa isa't isa. Dahil na rin sa mga problema namin na paulit-ulit na lang nangyayari. Nakakasawa na. Nakakapagod na.." Huminto siya saglit. Hindi na muna ako nagsalita at hinayaan na lang siya.
"Narealize ko rin na hindi ko na kaya at hindi talaga kami magtatagal kasi pakiramdam kong parang may kulang. Oo, masaya ako tuwing kasama ko siya pero walang spark. 'Yung parang hindi tunay ang saya. At narealize ko rin na...
..
.
.
.
... mahal pa rin kita. Mahal na mahal pa rin kita, Ara."
Nagulat ako sa sinabi niya. Bumilis din ang tibok ng puso ko.
Yumuko naman siya. "Pero h-hindi na pwede eh kasi kayo ni B-Bang."
Ini-angat ko ang ulo niya tsaka tinignan sa mga mata. "Pwede naman eh." Nagulat siya pero naging malungkot muli.
"Ayaw kong sirain yung relasyon niyo. Hindi ko naman pinipilit--"
"Hey... makinig ka sa akin. Hindi kami ni Bang, okay? Wala kaming relasyon." Paliwanag ko.
Naguluhan siya. " Pero akala ko? Paanong?"
"'Yun din ang akala ng iba. Hindi kami. Never naging kami." Ngumiti ako at hinaplos ang kaniyang pisngi. "Sinubukan ko. Sinubukan kong mahalin siya. Pero... ikaw pa rin eh."
Minahal ko siya noon. Minahal namin ang isa't isa pero sumuko kami at naghanap ng iba. Kaya lang ay wala. Walang nagbago. Kasi ganon pa rin ang aming nararamdaman.
"Because you're still the one." At unti-unti siyang napangiti.
• • •Thanks for reading! :-)
BINABASA MO ANG
This Love (KaRa Short Stories)
FanfictionDifferent short stories about KaRa THIS LOVE Mika Reyes - Ara Galang