'Til I Met You

1.3K 42 14
                                    

Ara's POV

Another boring day in class. Sa dami nang pinagsasabi ng prof namin, wala ni isa ang pumapasok sa isip ko. Nakakaantok. Buti na lang sa likod ako nakaupo, hindi niya napapansing hindi ako nakikinig. Nagsulat na lang ako ng kung anu-ano sa notebook ko.

Tinignan ko ang relo ko. Ilang minuto na lang, matatapos na ang klase kaya sinimulan ko nang itago ang gamit ko pero may napansin akong nakasulat sa table ko.

'What is love?'


Palagi namang ito ang upuan ko sa subject na 'to pero ngayon ko lang 'to napansin. Alam kong bawal magvandal pero nagsulat pa rin ako.

'Hindi ko alam.'


Hindi ko naman kasi talaga alam. Hindi ko pa nararanasang magmahal. Kahit ang mahalin.

"Class dismissed." Pagkasabi niyan ni prof, nagsilabasan na kami. Dumiretso naman ako sa canteen kung saan kami magkikita ni Kim, kaibigan ko.

"Wafs, may ikokonsulta nga pala ako sa 'yo." Sabi niya sa akin habang kumakain.

"Who is she?" Tanong ko agad. Alam ko na kasi 'yan. Babae ang tinutukoy niya.

Natawa naman siya. "Cyd, Cyd Demecillo ang name niya." Sabay pakita sa akin ng picture sa phone niya.

"Teammate mo pala." Sabi ko. "Okay naman siya."

"That's what you always say."

"You know naman na I don't know anything about that, Kim." Paliwanag ko.

"Alam ko. Pero wala pa rin talaga? Kahit crush lang?" Umiling naman ako. Wala talaga. "Dadating din 'yan. At siya ang magpaparamdam sa 'yo ng pagmamahal."

"Bakit? 'Di mo ba ako love?" Kunwaring nagtatampong biro ko.

"Yuck, bro. Hindi tayo talo." Natawa na lang kami. "Pero alam mo namang lab na lab kita. At nandito lang ako for you."

"Ako rin, Kim. Nandito ako para suportahan ka." Sabi ko naman. "Pero ano nga ba feeling ng ma-in love? O kahit 'yung magkagusto sa isang tao?"

"Well, iba-iba 'yan. Masaya ka kapag kasama mo siya. Minsan napapangiti ka na lang basta dahil sa kaniya. May pa-slow motion effect pa. Matutulala ka na lang. Parang music to your ears ang boses niya. Tapos bumibilis 'yung tibok ng puso mo. Parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan mo tuwing magkakadikit kayo. Ayaw mo siyang nasasaktan. Nagseselos ka minsan kapag may kasama siyang iba--"

"Oo na. Ang dami naman." Pagputol ko sa kaniya.

"Ganon naman kasi ang love. Hindi mo talaga siya maipapaliwanag kasi marami siyang ibig sabihin. Marami siyang signs." Sabi niya.

"Hay! Maiintindihan ko lang 'yan 'pag naranasan ko na."

. . .

"Oh, Carol!" Bati ko sa kaibigan ko. "Buti nakapasok ka na."

"Oo nga eh. Akala ko matatagalan pa 'yung inaasikaso ko." Paliwanag niya. Umupo na kami sa upuan namin. Dito ako ulit at dun naman siya sa kanan ko.

Napansin kong nadagdagan ang nakasulat sa table ko.

'Hindi ko rin alam. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang TUNAY na pag-ibig. Ang sakit eh.'

Kinuha ko 'yung ballpen ko at nagsulat din.

'Ano ba nangyari?'

"Absent lang ako ng dalawang araw, may ka-chat ka na agad diyan." Pansin ni Carol habang binabasa ang mga nakasulat.

"Kahapon ko lang 'to napansin tapos naisipan kong replyan." Sabi ko.

"Mukhang may love problem 'yung kausap mo. Paano mo bibigyan ng advice?"

This Love (KaRa Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon