Mika's POV
Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ng aking ama. Lagi namang siyang nasusunod at wala na akong magagawa.
"Prinsesa Mika?" Rinig kong tawag sa akin sa labas ng aking silid.
"Pasok." Sigaw ko. Binuksan naman nito ang pinto at lumapit sa akin.
"Handa na raw po ba kayo sabi ng mahal na reyna?" Tanong niya.
"Oo. Susunod na lang ako." Walang gana kong sagot.
"Sige po, Prinsesa. Mauna na po ako."
Inayos ko na lamang ang aking buhok bago lumabas. Nagpunta muna ako sa silid ng aking ina.
"Anak, ang ganda mo naman." Sabi ng aking ina nang lapitan ko ito. Hinaplos naman niya ang aking pisngi.
"Sa tingin ko'y hindi pa ako handa." Mahina kong sambit. Kung sa aking ama ko ito sinabi ay papagalitan lamang ako.
"Napag-usapan na natin ito, 'di ba?"
"Pero, ina..." Hindi na niya ako pinatapos magsalita.
"Iyan ang desisyon ng iyong ama. Para naman ito sa ikabubuti natin at ng palasyo. Sumunod ka na lamang, anak." Paliwanag niya. Tumango na lang ako. "Halika na at magsisimula na ang pagpupulong natin."
May ilang tao sa loob ng silid ng aking ama. Nakaupo sila sa paligid ng isang mahabang lamesa. Naupo na rin kami.
"Magandang umaga sa inyo." Bati ng aking ina sa mga kasama naming hari at reyna rin tulad ng aking mga magulang.
Nagbatian sila at nagsimulang mag-usap. Wala akong gana kaya ay hindi ako gaanong nakinig. Ngunit may isang pahayag na nagpatigil sa akin.
"Sisimulan na natin ang mga paghahanda para sa kasal ng iyong anak at ng aking anak." Sabi iyon ng isang hari sa aking ama. Alam kong ako ang tinutukoy niya. Sa halip na ang aking kapatid ang magpapakasal ay ako ang napili. Nasabi na iyon sa akin ng aking ama dati ngunit akala ko ay hindi niya itutuloy. Labag sa aking magpakasal sa isang prinsipe na hindi ko naman mahal.
Pinag-usapan nila ang mga gagawing preparasyon. Gustuhin ko mang tumutol sa harap nila ay hindi ko magawa. Pinigilan din ako ng aking ina. Natapos ang pagpupulong at naitakda ang aming kasal sa susunod na buwan.
Pagkaalis ng hari at reyna ay nag-usap kami sandali.
"Ama, ina, hindi ako magpapakasal sa hindi ko naman mahal--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sumigaw ang aking ama.
"At ano? 'Yong alipin na iyon ang papakasalan mo?!" Napaluha ako. "Wala kang mapapala sa alipin na 'yon!"
"Huminahon ka, Manuel." Pagpigil ng aking ina kay ama kaya pilit na kumalma ito.
"Napag-usapan na natin ito, Mika. Buo na ang aking desisyon at papakasalan mo si Prinsipe Lucas." Sabi niya at lumabas ng silid. Patuloy lang ako sa pag-iyak.
Niyakap naman ako ng aking ina. "Kalimutan mo na lamang siya. Matututunan mo ring mahalin si Lucas." Sabi niya habang pinupunasan ang aking luha.
Hindi na ako nagsalita pa at tumakbo na ako papunta sa aking silid. Buong araw ay nagkulong ako doon. Dinalhan ako ng hapunan ngunit hindi ko ito kinain.
Paano na kami?
. . .
Pagsapit ng dilim ay dahan-dahan akong lumabas. Tinignan ko muna kung may bantay bago ako nagtungo sa baba. Hindi ako makakadaan sa harapang pinto kaya sa likod ako dumaan. Ma-ingat akong naglakad sa silid-tambakan kung nasaan ang pinto patungo sa hardin.Nang makalabas na ako ay dali-dali akong naglakad palabas ng palasyo. Mabuti na lamang ay hindi ako napansin ng mga bantay. Nagpunta ako sa isang tahanan at kumatok. Pinagbuksan naman ako ng pinto at agad na pumasok.
BINABASA MO ANG
This Love (KaRa Short Stories)
FanfictionDifferent short stories about KaRa THIS LOVE Mika Reyes - Ara Galang