This Time

1.2K 47 12
                                    

Mika's POV

Kakapit o bibitaw?

Aasa o hindi?


Ang hirap pumili. Ang hirap magdesisyon.

Kasi kahit ano naman ang piliin ko diyan, masasaktan pa rin ako.


Masakit umasa sa wala.

Masakit umasa sa imposible.

Masakit umasa sa hindi pwede.

Pero ito pa rin ako.


Umaasa.


Umaasang mamahalin niya rin ako.

Kahit may mahal siyang iba.


"Nagdadrama ka na naman diyan." Sabi ni Ate Kim pero hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Lumapit siya at hinawakan ang balikat ko. "Ye, may sasabihin ako sa 'yo."

"Ano?" Tanong ko.


"Pwede ka nang gawan ng music video. Tignan mo oh." Sabay pakita ng picture sa phone niya. Kinuhanan niya ako kanina habang nagmomoment ako dito sa bintana.

"Akala ko naman kung ano!" Sabi ko. "Nakakaasar ka!" Natawa naman siya at natawa na lang din ako. Alam ko namang pinapagaan niya lang ang pakiramdam ko.

Medyo OA din ako eh. Kung makapagdrama ako, parang nagbreak kami. Eh wala ngang kami. Never naging kami.

"Buti naman, ngumiti ka na." Sabi ni Ate Kim. "'Wag mo na lang kasi masyadong isipin 'yon. Ang drama mo masyado."

"Sorry naman, Kimmy. Kapag ba 'yung mahal mo, may mahal na iba, hindi ka ba masasaktan?" Natahimik naman siya. "Pero tama ka, Ate Kim, ang drama ko masyado. Hmm... pwede mo ba akong samahan? Libot lang sa mall."

Ngumiti naman siya at tumango.


Naglilibot kami dito sa mall nang bigla akong napahinto sa paglalakad. Malayo sila pero kitang-kita ng malabo kong mata.

Sina Ara at Bang.

"Ate Kim." Tawag ko sa kaniya. Napahinto rin siya sa paglalakad at nilapitan ako. "Alis na tayo."

Nagtaka naman siya kaya tinignan niya rin ang tinitignan ko. Na-gets niya naman ang punto ko kaya umalis na kami.


Pagbalik sa dorm, dumiretso agad ako sa kwarto namin at humiga sa kama ko.

Yes, kwarto namin.

Tadhana nga naman na nasa iisa kaming kwarto, sa iisang dorm, sa iisang team at sa iisang school.

Masaya ako kasi nakakasama ko siya. Nasisilayan ko siya kahit patago. Nalalapitan at nakakausap ko siya.

Kasi roommate, teammate, batchmate at schoolmate ko siya.

Kasi kaibigan ko siya.


At 'yun ang masakit don.

Magkaibigan lang kami.

Hindi lang 'yon. Dahil araw-araw kaming magkasama, araw-araw ding nadudurog at nabubuo ang puso ko.

Araw-araw kong nasasaksihan ang pag-uusap nila ni Bang sa tawag. Ang palitan nila ng 'I love you' at 'I miss you'. Ang paghahanda ni Ara para sa mga date nila.

Pero araw-araw din akong kinikilig. Bakit? Clingy kasi siya. Ang caring at thoughtful niya pagdating sa akin. Sweet pa minsan.

Kaya nga naiinis ako sa kaniya.

Pa-fall siya!


And speaking of pa-fall, pumasok siya sa kwarto namin. Ang aga naman yata natapos ang date nila?

Busy lang ako sa pagkalikot ng phone ko nang maramdaman kong umupo siya sa tabi ko.

"Ye." Tawag niya.

Hindi ko siya nilingon. "Hmm?"

"Para sa 'yo." Napatingin ako sa kaniya. May hawak siyang box ng paborito kong donuts.

Umupo ako at hinarap siya. "Para saan 'yan?"

"Wala lang. Naisipan ko lang na bilhan ka kasi alam kong favorite mo 'to." Sabay ngiti.

'Yan. Sa mga ganiyang bagay, sa ganiyang kilos... 'yan ang dahilan kung bakit ako nahulog.


At mas lalo pa akong nahuhulog sa kaniya.

Paano ba naman? 'Yong sinabi kong 'sweet minsan' kanina ay naging 'sobrang sweet palagi'.

Kung dati ay madalas siyang umalis para makipagkita kay Bang eh halos hindi na siya humihiwalay sa akin ngayon.

Parang baby ako kung alagaan niya. Parang girlfriend kung kamustahin niya.

Naiinis ako lalo sa kaniya. Hindi ba niya alam na may nahuhulog na dahil sa mga ginagawa niya? Tulad ngayon. Nandito kami sa isang park, naglilibot. Niyaya niya kasi ako. Bonding time daw naming dalawa.

Tahimik lang ako magdamag hanggang sa hindi ko na napigilan. "Teka nga, Ara." Huminto kami sa paglalakad. "May problema ba kayo ni Bang?"

"Wala naman. Bakit?"

"Kung wala, eh bakit parang hindi na kayo nagkikita? Parang hindi mo na siya kinakausap? Parang--"

"Break na kami."

Parang nabingi ako sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko?

"Ha?"

Natawa naman siya. "Sabi ko, break na kami. Wala na kami ni Bang."

"Bakit... Bakit naman? Anong nangyari? Eh 'di may prob--" Pinutol na naman niya ang sasabihin ko sa pamamagitan ng isang halik. First kiss ko 'yon.

"Kasi mahal kita."


Kasi mahal kita.

Kasi mahal kita.

Kasi mahal kita.

Kasi mahal kita.


Teka! Ano daw? Mahal... Mahal niya ako?!

"Ara, kung nagbibiro ka, hindi nakakatuwa." Pero nginitian niya ako.

"I'm serious." Bakas sa tono niya na seryoso nga siya. "Hindi ako nagbibiro, Mika. Mahal kita. Mahal na mahal kita."

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano dapat kong maramdaman. Matutuwa ba ako kasi mahal niya din ako? O maiinis kasi baka pinapaasa niya lang ako?

"Mika, believe me. I love you." Pag-uulit niya at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Yes, I loved Bang. Minahal ko naman siya. Pero may mga narealize ako. Na iba pala ang mahal ko. At ikaw 'yon." Nagblush pa yata ako.

"I realized na hanggang pagiging kaibigan lang pala ang kaya kong ibigay kay Bang. Then narealize ko rin na, ikaw ang tinitibok ng puso ko. Na ikaw ang hinahanap-hanap ko. Na ikaw ang kailangan ko. Na ikaw ang mahal ko." Naluluha na ako sa mga sinabi niya.

"Pinag-usapan na namin 'to at pareho kaming nag-let go. Masaya ako kasi naintindihan niya tsaka tanggap niya." Tumigil siya saglit bago nagpatuloy.

"Mika, I love you. Dati pa. Hindi ko lang maamin sa sarili ko pero ngayon, siguradong-sigurado na akong ikaw. This time, I'll follow what my heart says." Lumuhod siya. "Mika, can I court you?"


"Yes."



• • •

Sana totoo na lang 'to.

Joke lang! Some jokes are half meant true, though. Haha! Sorry sa fans ng BaRa. I just really prefer and love KaRa.

Thanks for reading! :-)

This Love (KaRa Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon