Ara's POV
Touchdown Doha, Qatar!
Pagkadating sa hotel, doon muna kami nagstay sa kwarto namin. Bukas na raw kami mamamasyal.
"So may dalawang kama. Tatlo tayo." Sabi ni Ate Kim. Magka-room kasi kaming tatlo ni Mika. "Tabi na lang kayo. Alam niyo namang natutulog akong walang katabi." Sabay hilata sa isang kama.
Nagkatinginan kami ni Mika. "Sa sahig na lang ako." At nagkasabay pa.
"'Wag na kayo maarte. Magtabi na kayo. Alam kong gusto niyo rin naman." Sabi ni Ate Kim na nakapikit na.
Hindi na kami nagreklamo pa at tinabi na lang ang mga gamit namin. Humiga rin kami sa kama dahil pagod sa biyahe. Kasya naman kaming dalawa.
"Okay lang ba sa 'yo?" Tanong ni Mika sa akin."Oo naman. Ikaw ba?" Sabi ko.
"Okay lang din. Tabi na tayo, parang dati lang." Binulong niya lang 'yung huli pero rinig na rinig ko.
"Namiss kita." Hindi ko alam kung ano nangyari sa 'kin at niyakap ko siya nang mahigpit. Halatang nagulat siya sa ginawa't sinabi ko kaya hindi siya nakapagsalita."I know this may sound crazy, but I really missed you. 'Yung dating tayo." Sabi ko.
"Ara... namiss din kita. Sobra." Ramdam kong niyakap niya rin ako pabalik. "Pero paano--"
"Shh." Pagputol ko. "'Wag muna natin sila isipin. Kahit dito man lang sa Doha, wala munang Bang at Richard. Just you and me, okay?"
"Okay."
. . .
"Good morning." Bati ko pagkagising ni Mika."Good morning din." Sabi niya naman sabay ngiti. Napangiti rin ako.
Ang sarap ng tulog ko. Ang ganda pa ng gising ko.
"Good morning din sa 'yo, Kimmy." Sabi niya pagkalingon sa kabilang kama.
"Good morning din sa inyong dalawa." Sabi naman ni Ate Kim.
Kinuha ni Mika ang phone niya. "Oh, tingin kayo sa camera, ah? I'll tweet this later." Kinuhanan niya kami ng video habang nakahiga pa kami. Nagmake-face na lang ako para cute. Samantalang si Kimmy ay busy sa kausap niya.
*knock.. knock..*
Si Ate Kim na ang nagbukas ng pinto.
"Hi, tyang!" Rinig kong sabi niya. Si Ate Aby 'yan.
"Hello, girls! Good morning!" Bati niya pagkapasok sa kwarto namin. "Daughter, hinahanap ka ni Bang. Hindi mo raw sinasagot ang tawag niya." Sabi sa 'kin.
"Naka-off kasi phone ko. Pasabi na lang, mother."
"Eh bakit 'di na lang ikaw magsabi?"
"Nako, Ate Aby, ayaw niya lang kausapin." Sagot ni Ate Kim.
"At bakit naman?"
Hindi naman ako makasagot. Ano sasabihin ko?
"Oh, sige. Kung ano man ang dahilan, alam kong alam mo na ang ginagawa mo. Basta pagbalik sa Manila ayusin mo. Okay, Ara?" Tumango naman ako. "Mag-ayos na kayo, girls. Magbreakfast daw tayo sa baba then pasyal pasyal. Pagkatapos ay diretso practice." Bilin pa niya bago lumabas ng kwarto."Kung ano man ang meron sa inyong dalawa ngayon, okay lang sa akin. Pero sabi nga ni tyang, ayusin niyo pagbalik sa Manila." Sabi sa amin ni Ate Kim bago pumasok sa CR. "Lalo ka na, Ara."
Bumangon na kami ni Mika at nag-unat."Itutuloy pa ba natin 'to?" Tanong niya sa akin.
"Ayaw mo na ba?" Tanong ko.
"Gusto ko naman. Pero..."
BINABASA MO ANG
This Love (KaRa Short Stories)
FanfictionDifferent short stories about KaRa THIS LOVE Mika Reyes - Ara Galang