Complicated

864 31 25
                                    

Mika's POV

"Daks ko, may bibilhin lang ako saglit sa mall, ha? May gusto ka bang ipabili or what?"

Umiling ako at ngumiti. Wala naman akong ibang gusto eh.

Ikaw lamang.
 
 
"Sige, alis na ako. See you later!" Hinalikan niya muna ako sa noo bago umalis.

Pagkasara ng pinto ay siyang pagkawala ng ngiti ko.
 
 
Alam ko na 'to.
 
 
 
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang best friend kong si Jessey.

"Hi, bf!" Bati niya.

"Hello. Free ka ba today?"

"Ah, yes. Hang-out tayo? Or susundan natin sila ulit?"

Alam na alam na ni bf ang balak ko.

"You already know." Sagot ko. "Puntahan kita sa condo mo. I'll drive."


. . .


"Ano ba kasi talaga ang status niyo ngayon?" Tanong sa akin ni Jessey.
 
 
Ano nga ba?
 
 
Friends?

Best Friends?

More than friends but less than lovers?

MU?

Girlfriends?
 
 
 
Hindi ko alam.
 
 
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam.
 
 
 
Napabuntong hininga na lang ako at nagkibit balikat.
 
 
"Hindi mo ba siya tatanungin kung ano ba talaga meron sa inyo? O kung ano ka ba sa kaniya?" Umiling ako. "Naiinis na ako sa kaniya, bf. Hindi ka dapat nasasaktan ng ganito. 'Di ka niya dapat pinapaasa."
 
 
Naiinis din ako. Sobra. Pero hindi ko magawang magreklamo o manumbat sa kaniya kasi wala akong karapatan.

Wala namang kami.
 
 
"Tapos ano 'to?! Kapag hindi ka niya kasama, sila ang magkasama?"

Pinagmamasdan ko lang ang mahal ko at ang kaniyang girlfriend mula rito. Masaya silang nag-uusap habang naglalakad.
 
Hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang luha ko.

"Bf, hindi ka niya option na pipiliin niya lang kapag wala ang girlfriend niya." Napapikit naman ako.
 
Girlfriend.
 
Oo nga pala, merong sila.
 
 
At walang kami.
 
 
"At ikaw naman, bakit hindi mo na lang siya iwasan?"

Tinignan ko muli ang mahal ko.

"Dahil mahal ko siya, bf. Mahal na mahal ko si Ara." Inayos ko ang sarili ko at ngumiti nang mapait. "Kahit pa nasasaktan ako."
 
 
Umuwi na kami after naming mag hang-out ni bf. Namiss ko rin naman siya. And as expected, nadatnan ko si Ara na naghihintay sa sala.

No, we're not living in the same house. Madalas lang talaga siyang pumunta dito sa unit ko.
 
"Saan ka galing?" Bungad niya.

"Diyan lang, bonding with Jessey."

"Okay. Pero sana tinext mo ako. Nag-alala ako kasi wala ka dito tapos gabi na." Ang thoughtful naman, nag-alala ka.

Sana mapansin mo rin na nasasaktan ako.

Sana naisip mo rin ang nararamdaman ko.

Pero magaling ako magtago ng sakit at magfake ng smile kaya hindi mo pansin.
 
 
"Sorry, nawala sa isip ko." Sabi ko na lang.

"Gutom ka ba? Ito oh, may uwi akong donuts at cake. Favorite mo." Pumunta siya sa kitchen. Sumunod naman ako.
 
 
Pinagmamasdan ko lang siya habang nags-slice.

Bakit ba ang caring mo masyado?
 
 
"Here." Inabot niya sa akin 'yung plate.

"Thank you."
 
"Anything for you, daks."
 
 
After naming kumain, nagpresenta siyang maghugas.

Ganiyan siya palagi tuwing pumupunta rito.
 
 
Parang prinsesa ako kung pagsilbihan niya.

Parang anak kung alagaan niya.

Parang magulang kung respetuhin niya.

Parang estudyante kung turuan niya.

Parang kaibigan kung pasayahin niya.
 
 
Parang girlfriend ako kung ituring niya.

Pero hindi eh. Hindi ako.
 
 
"Baka matunaw na ako, daks." Nabalik ako sa masakit na realidad nang magsalita siya.

"Ha?"

"Kanina mo pa kasi ako tinitignan. Ang gwapo ko talaga."

"Ang kapal mo."
 
Tumabi naman siya sa akin. "Pero aminin mo. Crush mo ako, 'no?"

Tumawa ako. "Hindi kita crush." Kasi mahal kita.
 
"Aray ko! Tagos sa puso 'yun, ah?" Humawak pa siya sa dibdib niya. "Palagi mo na lang ba akong sasaktan, daks?"

Napangisi ako sa tanong niya. Eh ako? Palagi mo na lang bang sasaktan at papaasahin?

"Hindi kita sinasaktan. Ako nga 'yung nasasaktan dito eh."

Tinignan naman niya ako sa mata. Seryoso na siya. "Daks... Mika, I'm sorry."

Hindi ko na napigilan at naluha na ako. "Ara, ang sakit na kasi. Sobrang sakit na."

"Mika, sorry talaga. Hind--"

"You don't have to say sorry. It's not your fault, it's mine. I chose to assume stuff. I chose to fall."

"Pero hindi ka naman masasaktan kung 'di dahil sa akin."

"Oo, dahil nga sa 'yo, pero kasalanan ko rin naman. I take the blame because I'm the one who fell in love."

"And I am the reason why you fell in love because I made you so. Alam kong parang nagbibigay ako ng motibo. I'm sorry kasi hindi ko pinahalagahan ang pwede mong maramdaman. Naging insensitive ako at nagsisisi na ako."

Patuloy lang ako sa pag-iyak at pakikinig sa kaniya.

"'Yung sinabi ko dati na gusto kita? Totoo 'yon, I swear. I really like you. I just never thought na kapag inamin ko 'yon sa 'yo, aasa ka pala. And I was so stupid for not realizing it."

"Gusto mo ako? Pero may girlfriend ka, baka nakakalimutan mo." Sumbat ko.

"Hay... alam ko. Kaya nga naguguluhan ako ngayon. Na-a-attach na ako sa 'yo eh at alam kong hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Mahalaga ka sa akin."

"Pero hindi mo rin siya kayang mawala sa 'yo, 'di ba? At mas mahalaga siya kaysa sa akin."

"Mika..." At 'yan na lang ang nasabi mo.

"Alam mo, masaya ako kapag kasama kita. Pero nasasaktan din ako kasi tuwing nakikita kita, naiisip ko siya. Naaalala kong kayo nga pala." Natahimik siya. "Kaya gusto kitang layuan eh. Kaso 'di ko magawa kasi hindi ko kaya. Nasanay na akong nandiyan ka palagi, kausap kita araw araw—lahat ng ginagawa mo."

"Sige. Ako na mismo ang lalayo para hindi ka na masaktan. Hindi na kita kakausapin o kukulitin pa."

Nalungkot ako bigla sa sinabi niya. "Mas masasaktan lang ako kapag lumayo ka. Hahanap-hanapin kita pati 'yung mga pagbati mo ng good morning o good night, pagkamusta sa akin, pag-aalaga. Lahat... Hindi ko kaya."
 
"Hindi ko rin naman kaya pero para sa 'yo rin 'to, Mika."

'Di na ako nagsalita at umiyak na lang. Kung 'yan ang gusto mo, rerespetuhin ko na lang.
 
 
Bigla naman ako nakaramdan ng isang mahigpit na yakap mula sa kaniya. "Nandito lang ako. Hindi kita iiwan o lalayuan."


. . .


Hindi naman niya ako binigo. After some time, ganon pa rin kami. Pero wala pa ring kami.
 
Okay na ako sa ganito. Walang labels or commitments.

Friends lang? Okay lang basta kasama ko siya.

Sila pa rin ng girlfriend niya? Okay lang basta special pa rin daw ako sa kaniya.
 
 
I can set aside my feelings for the sake of our friendship.
 

I love her and she knew that.

She loves me, I know.

 
But there's just no us.
 
 

• • •

This one shot is based from the author's current status. Lol. Pero sana okay lang 'yung UD.

Miss ko na ganap sa KaRa, huhu!


Thanks for reading! :-)

This Love (KaRa Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon