Miss You

327 21 6
                                    

Mika's POV

Sorry, babe. May pinagawa pa kaya baka ma-late talaga ako.

Napabuntong hininga na lang ako sa text message na natanggap ko. Madalas siyang ganito but I understand that he's just really busy with work.

Hindi pa naman nagstart 'yung game. It's okay, I replied.

Tinago ko na ang phone ko sa bulsa at pinagmasdan ang arena. Nostalgic. Two years na rin lumipas mula noong huling laro ko rito para sa UAAP. Nakakamiss maglaro at i-represent ang La Salle. Dati, isa ako sa mga players diyan sa court. Ngayon nandito na lang ako sa likod ng bench, nagchi-cheer habang pinapanood sila.

Pagkatapos ng warm-up ay tinawag na ang starting six ng bawat team. Hindi naman 'to ang unang beses na nanood ako ng game after ko grumaduate pero nakaka-excite pa rin makita silang naglalaro, lalo na 'yung dating rookies pa lang. They've matured already and I feel so proud of them.

Sa kalagitnaan ng game, sinenyasan ako ng katabi ko kaya napatingin ako sa kung saan. Nakatutok pala sa akin ang camera. Nahihiya man ay ngumiti ako at kumaway. Binigyan ko naman ng thumbs up sila Kianna nang lumingon din sa gawi ko.


"Hey..." Nginitian ko siya at kinuha 'yung jacket sa seat para makaupo siya.

"Oh, kamusta shooting niyo?"

"Ayos lang pero nakakapagod. May scene kasi na naka-ilang takes." Sagot niya. Tumango naman ako.

"Uhm... Jerome, pwedeng magpapicture?" May dalawang babaeng lumapit sa amin nang mag-timeout. He nodded and the two angled their phones for a snap.

"Okay lang po ba pati ikaw, Ate Mika?" Sabi nung isa.

Ngumiti naman ako. "Sure."

At nagpicture na kaming tatlo. Nagpasalamat sila bago bumalik sa kanilang seats.

Hindi pa ako sanay sa ganitong atensyon pero natutuwa akong makita ang pagsuporta nila sa akin. Isa rin 'tong si Jerome eh. Dumadami ang fans niya habang tumatagal sa showbusiness.

Nagfocus na ako sa laro at sa huli ay nanalo ang Lady Spikers in three straight sets. Nilapitan ko naman sila sa may dug-out para personal na i-congratulate. Maging ang dati kong teammates ay narito rin. Sila Kimmy, Carol, Ate Mowky... Ara.

Hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan o kakausapin. Nung kinawayan niya ako ay pinili ko na 'wag pansinin at lagpasan na lang. Nagkunwaring nakatuon ang atensyon ko kila Desiree. Tinapik niya naman sa balikat si Jerome na nasa aking likuran.

Matapos magbatian, tinawag ako ni Kim para sumunod sa loob. Sinabi na lang ni Jerome na sa parking siya maghihintay.

"Namiss ko kayo, girls!" Salubong ni Carol tsaka bumeso.

Natawa naman kami. "Namiss ka rin namin!"

May ilang photographers dito na nagrequest para sa isang picture kaya pumwesto kami. Lumayo ako sa kung nasaan si Ara at 'di ko maintindihan kung bakit. Pilit na lang akong ngumiti sa camera.

Nagkakwentuhan pa kami bago naisipang mag-hangout for dinner. Sabi kong 'di ako makakasama pero nagtampo sila.

"Sige. Ano na lang, susunod ako." Sabi ko. "Text niyo kung sa'n."

Pumayag naman sila at lumabas na kami ng arena. Nasa bandang hulihan ako nang lumapit si Kim.

"Iniiwasan mo ba siya?" Bulong niya. Alam ko na kung sino ang tinutukoy.

'Di ako makasagot. Bakit nga ba, Mika? Anong problema mo?

"Hindi naman, ah?" Tanggi ko.

"Obvious kaya. Nakita rin kita kanina, 'di mo pinansin nung kumaway siya sa 'yo."

Napabuntong hininga ako. "Ewan ko ba, Kimmy. Medyo matagal na kaming hindi nag-uusap eh. Nangangapa pa 'ko ngayon."

'Yung closeness namin way back collegiate years? Hindi ko alam kung bakit pero parang nawala na lang bigla. We're like... strangers now.

"Sumunod ka mamaya, okay? Mag-usap naman kayo." Tumango ako bilang sagot.

Nang makarating sa exit ay nagpaalam na ako at pinuntahan si Jerome. Sumakay kami sa sasakyan niya. Magdidinner kasi kami. Naging busy siya sa trabaho samantalang abala ako sa PSL kaya ngayon na lang ulit kami nagkasama.

After kumain, hinatid niya 'ko sa kung nasaan sila Kim. Inalok pa niya ako na siya ang susundo mamaya pero tumanggi ako. Alam kong pagod siya at kaya ko naman.

Umupo ako sa tabi ni Ara na ikinagulat niya. Kahit may bakante sa side nila Kim ay do'n ko napiling pumwesto. Nginitian ko naman siya; nginitian niya rin ako pabalik. How I missed that smile.

Patuloy sila sa pagkwentuhan at paminsa'y sumasali ako habang tahimik lang si Ara. Bahagya ko siyang siniko.

"Huy... Ang tahimik mo yata?" Tanong ko.

"Ah-eh, wala. May iniisip lang."

Kakamustahin ko sana siya pero naunahan niya ako.

"Musta naman, Mika? 'Di na tayo..." Hindi niya natapos ang sasabihin niya.

Malungkot akong ngumiti. "Oo nga eh. Matagal-tagal na rin noong huli tayong nagkasama nang ganito."

Sandali kaming natahimik pero kumportable ako sa katahimikang 'yon. Parang basta nandiyan siya sa tabi ko, okay na ang lahat.


"I miss you."


Nagulat ako at nilingon siya. Mahina ngunit sapat na para marinig ko. Seryoso naman siyang nakatingin sa akin. My lips parted but no words came out. She just smiled a little, only to see a hint of sadness in her eyes.

Nginitian ko siya tsaka sumandal sa balikat niya. Inangat nang konti ang ulo para mabulong ko sa kaniya ang noon ko pang nararamdaman.


"I miss you, too, Ara."

• • •

Hey, guys! Miss niyo na rin ba ang KaRa?

This Love (KaRa Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon