So ayun na nga matapos sila sa confession room ay tigi tigisang lumabas ang iba para sa kanilang task na binigay sa kanila ni kuya upang tuluyang makapasok sa bahay niya.
Ngayon ang natira nalang ay sina Kristine, Rita at Aileen dahil ang iba ay nauna na.
"Kristine ikaw na ang sunod na lalabas..", pagkarinig ng boses na iyon ay agad namang tumayo si kristine.
"mauna na muna ako ate Aienn.."
"Sige, sunod din kami agad. Goodluck..", sabi ni Aileen sa kanya tsaka sya niyakap. Lumabas naman agad si Kristine at naiwan nalang sila ni Rita. Medyo natahimik ang paligid dahil sisilang dalawa lang ang naiwan at hindi alam ng bawat isa kung ano ang sasabihin.
Napansin din kasi ni Aileen na hindi masayado pasalita si Rita at nahihiya ito. Alam din niya ng kaunti ang kwento ng bata dahil sa viral na litrato nito sa mga social media platforms. Pinagmasdan niya ang kakaibang kasuotan nito.
Mula siya sa angkan ng mga badjao kaya niya sinuot ang kanilang kulturang damit which is nakakaproud naman talaga. Napansin din ni Aileen na medyo awkward pa ang bata sa panibagong lugar kaya bilang nakakantanda at ate din sa kanila ay sya ang unang bumasag ng katahimikan.
"kumusta ka, okay ka lang ba?" mahinahong tanong niya rito.
Napatingin naman sa kanya si Rita at nahihiyang ngumiti. "u-uhm okay naman po ako. Medyo nahihiya at nanye-nyerbos po kasi ako.." tsaka ulit sya nahihiyang napayuko.
Napangiti naman si Aileen dahil sa cute na aksyon na iyon ni rita.
"Sa simula lang ito. Ako din, at masasabi ko din na lahat tayo ay medyo nahihiya pa dahil hindi natin kilala masyado ang isat isa pati na rin ang lugar pero magiging okay din ang lahat. So wag ka nang magworry, okay?" tumango naman si Rita dahil sa sinabi ng dalaga at medyo naginhawaan.
Hindi rin kasi masasabi ni rita kung okay ba sya o hinde pagpasok pa lang nya sa bahay ni kuya dahil sa panibagong environment. Kailanlang ay namamalimos sya upang may pandagdag sa kanilang pang araw-araw na kinabubuhay tapos ngayong ay bigla bigla nalang siyang napasama bilang housemate ni kuya. Parang hindi pa rin nagsisink in sa utak nya ang mga pangyayari.
Kaya nung kinaka-usap sya ng ibang mga babae ay tango at nahihiyang ngiti nalang ang ambag niya dahil hindi pa sya sanay dito lalo na't napapansin niya rin na puro outgoing at extrovert ang mga makakasama niya. Hindi niya alam kung paano makisalamuha sa mga ito.
Kaya medyo naginhawaan sya ng konti sa mga sinabi ni Aileen.
"maraming salamat ate Aileen.."
"walang anuman"..
"Rita ikaw na din ang susunod.." BB
"Ako na po ate Aienn. Maiwan muna kita.."
"Sige sige. Goodluck"
Pagkatapos nun ay naiwang mag isa si Aileen at hinihintay din ang kanyang pangalan.
Makalipas ang ilang minuto, natawag din sya. Agad syang nagsuot ng mask at lumabas din sa silid. Lumiko sya sa may corner kung saan naririnig niya ang boses ng mga kasama niya kanina at ang mga boses ng mga lalaki.
Pagpasok niya sa silid kung nasaan ang iba ay nakita niya ang limang mga kalalakihan at isang babae na hindi niya pa nakikita.
'Siguro sya ung unang napili..'
Agad agad naman akong pumunta sa harap nila at napapansin ko ang curiousidad na bumabalot sa kanilang mga mata.
"okay ito na last na.."
"ready na kami.."
Since ready na sila nagsimula ng magsign si Aileen ng mga words para mahulaan ng mga boys at nung isang babae ang kanyang pangalan. Yung unang ginawa muna ni Aileen ay tinuro-turo niya ang kanyang sarili upang mahulaan muna nila ang word na "I"
"you!!?' 'mali'
"Me!!!" 'Mali'
"hands me!!!"
Napatawa naman dun ang ibang girls na natapos at napasimangot nalang si Aileen..
'Jusko 'aye' nalang hindi pa nila mahulaan..'Tinuro turo ko ang sarili ko. Nilagay ko pa ang kamay ko sa aking dibdib.
"ooh its 'aye'!!!" sigaw nung parang englishero ung accent..
Tumango tango naman si Aileen. Next nya naman na ginawa is pinagcross niya ung kamay niya tsaka sya naglean pagilid..
"cross hands!!"
"cool cross hands!!!"
"posing?!"
Tawang tawa naman ung iba dahil sa ibat ibang words na lumalabas sa kanilang bibig. Inulit ulit pa iyon ni Aileen, sa wakas may nakahula na rin.
"ohh its lean!!", sagot ulit ng englishero ung accent..
Pumalakpak pa si aileen at tinuro ulit ung lalaki tsaka sya nag act na parang kinocombine ung words kanina pero hindi ulit nila ito nahulaan. Inulit ulit niya ang kaniyang mga aksyon kanina at sa wakas nahulaan din ng isang babae.
"Aileen!!!"
Tinuro naman ito ni Aileen hudyat na tama sya. Pumalakpak naman ito at ngumiti ng sobrang sobra. "oh diba ang galing ko!!!"
"we know, we know ate may. Wag ka nang manapak dyan.." sabi nung isang lalaki dahilan upang huminto ung babae.
Tinanggal na ni Aileen ang kanyang suot na face mask at nakipagkilala din sya sa mga ito. Nalaman niya na ang babae may kapayatan at may ibat ibang expression sa mukha ay si Marydale or maymay nalang daw.
"Jusko ang gaganda, mulhang ako lang ata yung pangit dito", napatawa naman kaming lahat.
Yung iba naman ay sina Edward yung nakasagot kanina sa pangalan ko na mula sa Germany at hindi nakakapagsalita ng tagalog, Yung isa naman ay si Marko from italy naman pero nakakapagsalita naman sya ng tagalog, at ung iba ay sina Christian, Aizan at si Yong.
Nalaman din ni Aileen na parehas silang 19 years old ni maymay kaya parehas din silang tinatawag na ate ng lahat.
Pagkatapos ng pagpapakilala ng lahat ay kumain na din sila. Pagkatapos ng kainan ay nagtipon tipon ang mga girls sa may sulok upang makipagkwentuhan sa isa't isa.
"Jusko buti naman at hindi ako nag iisa na girls dito. Alam niyo ba nashock talaga ako kahapon dahil akala ko mag-isa akong babae dito. Buti nalang dumating kayo.." panimula ni may may habang brinebraid sya nina Fenich at Christine. Nakaupo naman sina Kisses at Aileen opposite sa kanila.
"Kailan ka po dumating dito ate maymay.." Kisses.
"Nung isang araw lang din. Naabutan ko nga yung dating housemates dito eh."
"Talaga?! So nakita mo na ung mga ibang celebrity?!" Fenich
"oo, sa katunayan nga si kuya nikko pa ung nagturo sakin kong paano gamitin ung mga appliances dito at kung paano maglinis. Naninibago din kasi ako kasi syempre mag isa ako dito nung dumating ako tapos makakakita ako ng artista..", pagkatapos naman sabihin ni maymay ang salitang artista ay nagmake face pa ito. Napatawa naman ang iba niyang kasamahan dahil sa kanyang sinabi.
Nagkwento kwento lang si maymay sa mga bagong housemate habang ang iba naman ay nakikinig lang sa mga kwento niya. Parang nawala ung mga awkward na moments at medyo nakarelax din ang mga bagong dating na housemates sa bahay ni kuya dahil sa pagiging kwela at joker na si maymay
Habang sa isang sulok naman ng silid ay nandun naman ang mga boys housemate kung saan makikita silang nag-aasaran at nagkwekwentuhan tungkol sa mga bagong dating na girl housemates.
YOU ARE READING
PBB Lucky Season 7 (OC)
FanfictionTunghayan ang magiging buhay ni Aileen sa loob ng bahay ni kuya. Makakahanap kaya siya ng solusyon sa kalagayan ngayon ng kanyang pamilya? Matutupad kaya niya ang pangarap niyang maging sikat na singer at aktres? Mababago kaya ng pagkakataong ito a...