"Maymay, okay ka lang ba?" mahinahong tanong ni Aieen sa kanya. Nagulantang naman si maymay at ngumiti pero kita pa rin ni aieen na tila peke kumpara sa madalas na pinapakita nito kanina.
"okay lang po ako ate Aieen, medyo nawindang po kasi ako dahil nanay po ang pinag-uusapan. Alam mo naman po ang sitwasyon ko.." nanginginig niya sabi sabay yuko ng ulo.
Naiintindihan naman ni Aieen ang sitwasyon ni maymay at hindi ito nagsalita at niyakap niya lang ito.
"alam ko ang pangungulila mo sa iyong ina, bagkus naranasan ko rin dahil alam mo din naman na wala din akong tatay na tumatayo para sa amin. Pero hindi natin alam maymay balang araw magkikita din kayo ng iyong ina. Malay natin habang nandito tayo sa bahay ni kuya, magkaroon ka ng chance upang makita ng personalan ang iyong ina sa tulong mismo ni kuya. Kaya tiwala lang, okay. Pero sa ngayon kailangan muna nating tulungan si Heaven. Para sa kanya ito.", paglalahad ni Aieen sabay haplos sa buhok ni maymay at tapik tapik sa likod.
"ha ha salamat ate Aieen baka nga po balang araw eh magkita kami ni mama." si maymay na nahimasmasan na at bumalik sa dati. "so ano po ung gagawin natin..?"
"okay sinabi kasi sakin ng mama ni Heaven na tuwing gabi daw eh meron silang routine na kinakantahan si Heaven ng 'Rockabye baby on the tree top..', basta iyon. tapos kailangan daw nating kantahan si heaven nun before matulog..."
"paktay, di ko alam lyrics nung kanta ate.."
"huh.." ang nasabi nalang ni Aieenn habang blankong nakatingin sa kanya. 'Paktay nga talaga silang dalawa..'
"Anyway ung isa pa is kailangan mapahiran tayo ni Heaven ng lotion sa pisngi at mahilot sa tyan.."
"ah, okay medyo madali ung dalawa pero kailangan bang mahilot tayo mismong dalawa para magawa ung task, ate.."
"not exactly naman na tayong dalawa, kahit isa lang okay na yun.."
"ah okay.." napatango tango nalang si maymay.
"So ganito ang plano natin..."
At nagusap-usap silang dalawa sa kanilang gagawin. Sa huli din ay si Aieen ang kakanta ng rock on my baby~~ kay heaven at si maymay naman ang siyang gagawing may sakit sa tyan na kailangang hilutin ni heaven.
Habang nag-uusap silang dalawa, nagtataka naman ang iba pang housemate kung nasaan ang dalawa..
"nasaan pala sina ate aieen at si ate maymay..?"Heaven
"Nasa kwarto may pinaguusapan ata. Hindi din namin alam eh.." Fenich
"Di kaya may task sila..?" Christine
"hmmn hindi naman sila natawag ni kuya maliban na kay ate aieen kaninang umaga eh.." kisses
"I think we should jsut leave them be and just observe.." napatango naman ang lahat sa sinabi ni edward.
Naputol ang pag-uusap nila ng lumabas na ang kanilang pinag-uusapan. Napatingin silang lahat sa dalawa na nagtatawanan habang inasar asar nila ang bawa't isa.
"maymay, nakakaloka ka hindi ko inisip na magagawa mo iyon..", natatawang sabi ni aieen
"uyyy ate, sikreto lang natin yun. Huwag mong ikwekwento.." sabi ni maymay tapos nagaaksyon pa siya na nag 'SSHH'.
Nakakunot lang iba na nakatingin sa kanila. Napatingin naman ang dalawa sa ibang housemate at napangisi.
"He he he~ may sinabi kasi si maymay sakin. Alam niyo ba..", panimula ni aieen at ngumiti ng bongang bonga sa ibang housemate..
"ateee!!~~" sabay habol sa kanya. Nag akto din si aieen na tatakbo pero nahabol pa rin siya ni maymay sabay lagay nito ng kamay sa kanyang leeg na para bang sasakalin.
YOU ARE READING
PBB Lucky Season 7 (OC)
FanfictionTunghayan ang magiging buhay ni Aileen sa loob ng bahay ni kuya. Makakahanap kaya siya ng solusyon sa kalagayan ngayon ng kanyang pamilya? Matutupad kaya niya ang pangarap niyang maging sikat na singer at aktres? Mababago kaya ng pagkakataong ito a...