Chapter 4

79 3 0
                                    

Nagkwento kwento lang si maymay sa mga bagong housemate habang ang iba naman ay nakikinig lang sa mga kwento niya. Parang nawala ung mga awkward na moments at medyo nakarelax din ang mga bagong dating na housemates sa bahay ni kuya dahil sa pagiging kwela at joker na si maymay

Habang sa isang sulok naman ng silid ay nandun naman ang mga boys housemate kung saan makikita silang nag-aasaran at nagkwekwentuhan tungkol sa mga bagong dating na girl housemates.

"So sino ang mga crush niyo sa mga bagong girl housemates natin. Sabihin niyo na.." Pang-aasar ni Aizen sa mga ito.

"Lapagan na ito ng mga sikreto..", pilyong patuloy din ni Yong..

"Its not a crush but they gave me a great imrpression at first.." sabi naman ni edward.

"So sino nga.. sino?" Christian

"sino..?" Marko

Napabuntong hininga naman si Edward dahil sa mga pang-aasar na mga ngiti ng mga ito.

"Okay fine, first it was ate maymay because she is funny and a great conversationalist although I don't understand her words sometimes but she is funny and she makes me laugh.."

"Yeah si ate maymay kwela talaga siya. Tapos yung expression ng mukha niya nakakatawa talaga hahaha.." patuloy ni Aizen

"oo nga haha parang ganito..", tapos nag act naman si yong na ginagaya niya ang expression ni maymay.

"okay okay what else?" sabi naman ni marko

"ate Aieen also, cause you know she has a great voice and a great singer. Remember a while ago?"

"Oo nga ang ganda ng boses ni ate Ayen, maganda din yung boses ng iba kaso nga lang iba talaga yung kay ate aieen eh.." Christian

"Me too, ate Aieen also is the one who leaves me a great impression and the other one is the girl who is wearing a pink skirt.." sabi ni marko. Sabay sabay naman silang napatingin sa grupo ng mga girls na nagkwekwentuhan din. As usual makikita naman si maymay na gumagawa ng iba't ibang expression sa mukha na nakakatawa. Pero napatingin din sila kina Aileen at heaven na magkatabi na tumatawa.

"si ate Aieen din sakin pero napukaw talaga ng babaeng may bigote yung paningin ko. Ngayon lang kasi ako nakakita ng babaeng may bigote.." pang aasar naman ni Aizen. Tumawa naman yung iba while sina marko at edward ay napasimangot ng konti dahil sa maling biro nito.

Matapos nga ng mga ilang oras ay tinawag na sila ni Big brother sa may sala. Doon nakakita sila ng isang box sa gitna ng lamesa. Curious naman silang nakatingin dito pero napawi din iyon dahil nagsalita na si Big brother.

"Housemates siguro nacucurious kayo sa box na iyan, hindi ba?"Big Brother

"nacucurious po kuya.."

"housemates ang box na iyan ay regalo ko sa inyo. Kayong lahat ay makakatanggap ng kanya kanyang regalo mula sa box na iyan. Gusto ko ay sabihin ninyo kung ano ang halaga at yung kwento sa likod ng matatanggap ninyo..", iyon ang sabi ni Big Brother bago siya nag offline.

"uhm, guys what does big brother mean..", tanong ni Edward na napakunot noo dahil sa sinabi ni Big brother. Hindi nga pala masyadong nakakaintindi si Edward ng tagalog. Agad namang sinabi ng kanyang mga kasama kung ano yung gagawin nila.

"wow so were gonna receive a gift from that box..?

"Sort of but we have to tell the story about it.." sabi naman ni marko sa kanya..

"weird why do we have to tell a story about the gift we are going to receive..?" patanong naman ni edward..

Medyo napatanong din si Aileen dahil doon at napakunot ang noo. 'Hindi kaya...'

"okay sino yung mauunang magpipick sa box..?" tanong ni Heaven sa mga kasamahan..

"okay I'll go first.." sabi ni marko tapos masayang binuksan ang box na iyon. Napatigil naman siya saglit dahil sa nakita sa laman ng box. Medyo nacurious naman ang iba dahil doon. Nakita nila si Marko na pumulot ng isa at tinaas ito. Nakangiti naman niyang pinakita sa kasamahan ang litratong hawak niya ng kanilang pamilya at kinwento ang tungkol doon.

Natigilan si Aileen dahil alam niya na kung ano ang magiging laman ng box na iyon, ang mga litrato ng kani-kanilang pamilya.

At nagsimula ngang magkwento si marko ng kanyang buhay. Pansin din ni Aieen na pinay din ang nanay nito at may lahi din ang kanyang ama.

Sa pakikinig niya nalaman niyang parehas sila nina marko at edward na may lahi dahil purong foreigner ang kanilang biological father.

Pinapakinggan ni Aieen ang kwento ng kaniyang kasamahan at napaiyak at nalungkot din siya sa mga buhay sa likod ng mga ngiti ng mga ito. Naiyak siya kay heaven dahil sa cancer na dinaramdam ng kanyang ina at si maymay na sa likod ng kanyang mga ngiti at jokes ay ang pangungulila sa ina na nagtratrabaho sa abroad. Nalungkot din siya sa kalagayan nina Yong at Rita sa hirap ng buhay pero masaya pa rin dahil buo ang kanilang pamilya. Si Vivoree naman na nabubully dahil sa kanyang bigote

Nagtuloy tuloy lang ang kani kanilang kwento hanggang sa tumuntong sa kanya.

Naglakad si Aileen papunta sa isang box at kinuha ang nag iisang picture frame doon. Nakatingin lang siya sa litrato ng kanilang pamilya, siya ang kanyang ina at ang dalawang nakababata niyang kapatid. Napangiti naman sya dun.

Habang pinagmamasdan niya ang kanilang litrato ay tahimik din siyang pinagmamasdan ng ibang housemate. Alam din nilang may kanya kanyang istorya ang bawat isa at it takes time para sabihin ito. Dahil sa mga narinig nila sa kwento ng iba ay baka makakarinig din sila nakakalungkot na istorya mula sa kanya.

"Siguro nagwowonder kayo kung bakit wala yung tatay sa litratong ito." Simula ni Aileen sabay tingin sa kanila. "Well, it all started nung bata ako. My mother have me ng wala ang tatay ko sa tabi niya. Pinagbubuntis niya pa ako nun ng iwan na siya ng biological father ko. Hindi ko naman siya hinusgahan dahil dun bagkus ay masaya ako dahil hindi niya ako pinabayaan sa mga bagay bagay at minahal niya ako ng tunay. Nakipag asawa ang mom ko at nabibiyayaan ako ng dalawang kapatid..", sabay haplos sa twins na babae at lalaki sa may picture frames.

"Hindi din sila nagtagal dahil..", parang ang bigat ng pakiramdam ni Aileen na kinukwento ang buhay nila sa iba. Napansin naman ng iba na napahinto ito sa pagkwekwento. at siguro din ay nasa isip din nila na wala na din ito.

"ate Aieen okay din na huwag mong ikwento sa amin, kung mahirap..", sabi ni maymay. Tumango tango naman ang iba. Napangiti naman si Aileen at binukas ang bibig.

"....hindi din sila nagtagal ng mom ko dahil sa pang-aabuso ng sanang itinuturing ilaw ng tahanan. Nagkaroon ng komplikasyon sa pamilya namin kaya kaming apat lang ang nandito sa litrato na ito. Naging okay naman kami ng makulong ang step father ko dahil sa domestic violence at dun din siguro nagkaroon ng kaunting kulay ang buhay namin. Kahit na madami ang nangyari sa'min ay hindi pa rin nawalan ng pag-asa ang nanay namin at nagsumikap pa rin siya para maitaguyod ang aming pamilya. Doon din ako naging sobrang proud at ipinagmamalaki ko siya ng lubos sa inaasahan ng marami.." doon na nahinto ang pagkwekwento ni Aileen sa kanyang buhay at pamilya at napatingin siya sa kanyang housemate. Makikitang umiiyak ang mga ito dahil sa kwento ng kanyang buhay.

Hindi naman siya umiyak dahil sa lungkot ng kanilang pinagdaanan bagkus ay masaya siya at nalampasan niya ang mga ito kasama ang tinuturing niyang pamilya.

"Ate Aiyeen, ang lungkot din pala ng pinagdaanan niyo.." sabi ni kisses na nakaupo sa may counter malapit sa pinaghuhugasan niya..

"Hindi naman ha ha ha..", wika nalang niya..

"Tama si kisses jusko kung makikita ko lang yung step father mo jujumbugin ko siya gamit toh!" sabay taas ni maymay ng kanyang payat na braso tapos nag aktong nanununtok

Tumawa nalang si Aileen habang napapailing ang ulo. Napangiti ulit siya dahil sa mga sinabi ng mga housemates at pinagpatuloy ang paghuhugas.

Natapos na kanina pa yung pagkwekwento ng kani-kanilang buhay at kakatapos din ng kanilang hapunan kaya napagdesisyonan niya ding maghugas at maglinis ng kanilang pinaglutuan.

"Aieen sa may confession ngayong din..", pagkatapos ng pagkatapos niya sa paghuhugas at paglilinis ay narinig niya lamang ang boses ni Big brother na nagsasabing pumunta siya sa may confession room. Dali dali siya naman pumasok sa confession room

PBB Lucky Season 7 (OC)Where stories live. Discover now