Chapter 9

75 2 0
                                    

Kakatapos lang ng Agahan at masayang nag uusap ang mga housemates sa may dining area.

"Alam niyo ba si ate maymay talaga ang nakakatawang tao na nakilala ko. Pagpasok ko palang dito siya yung taong nagpapasaya at pinapasaya niya ako.." Sigaw ni Rita mula sa kusina. Naghuhugas kasi siya ng mga napagkainan nila.

Sa pagkakasabi ni Rita nun agad naman nagtanguhan ang mga housemates habang si maymay naman ay agad agad pinagalaw ang exkspression ng mukha na parang umaagree sa sinabi ni Rita kaya napatawa na naman ang mga housemates.

Sa kalagitnaan ng kanilang pag uusap at pagtatawanan hindi nila alam ma may isang bisita na pala ang pumasok sa confession room ni kuya.

Habang masayang nag uusap si kuya at ng kanyang bisita iba iba naman ang ginagawa ng mga housemates.

"Okay ka na Rita..?" Mahinahong tanong ni Aieen sa kanya. Meron silang tatlo nina fenich sa may isang sulok kung saan din sila nag uusap.

"Okay lang po ako ate Aieen, pasensya na po at bigla bigla akong sumigaw kanina. Hindi ko po kasi maintindihan ang mga nangyayari.." nahihiyang paliwanag ni Rita.

"Ano ka ba Rita, Huwag kang magsorry. Naiintindihan din namin kung bakit ka ganun. Kami nga dapat magsorry sa inyo ni fenich kasi kayo pa ang maaapektuhan sa mga nangyayari sa mga paligid. Kami tong nakakatanda pero hindi agad namin nasolusyonan yung mga problema dito sa bahay.."

"Naku huwag po kayo magsorry ate, hindi niyo naman po kasalanan." Rita

"Oo nga po ate sa katunayan nga po kahit naman ganito eh normal po na medyo awkward pa po ang bawat isa sa atin. Kaya hindi po natin maipagkakaila na may ganitong sitwasyon po talga.." wika naman ni fenich.

Nagkaroon kasi ng kaunting pagtatalo kanina kung saan nagsimula ito sa hindi pagkakaintindihan nina Rita at ng iba pang housemates. Siguro dahil hindi masyado fluent si Rita sa wikang tagalog at nahihiya pa sya ay hindi nya alam makisalamuha sa ibang housemates. Feeling niya ay naleleft out sya ng mga ito.

Pero napabuntong hininga si Aieen dahil okay na ang lahat at napag-usapan naman ang problema. Bilang nakakatanda sa mga housemate, parang nasa responsibilidad ni Aieen ang pagiging maunawa sa mga ito. Parang naisip niya bilang ate ng lahat ay dapat masolusyonan agad ang dapat masolusyunan at dapat laging nandyan sa mga kahousemate niya.

Samantalan sa isang sulok naman ay sina kisses, christine at vivoree ay matinding nag uusap at ang pinag uusapan nila ay tungkol sa isa nilang kahousemate na babae na pinapalibutan ng kanilang boys housemate, si Heaven. Pero naputol din iyon dahil sa isang tili na palagi nilang naririning.

Sino nga ba kundi si maymay. Nilongan ng lahat kung sino ang tinitilian niya at walang iba kung hindi ang bisita ni kuya na pumasok na nakasuot ng kulay light brown na dress at my flower crown sa ulo na may hawak na red box.

Walang iba kung hindi si elisse.

*****************

Matapos ang pagpapakilala ng lahat kay elisse ay pumunta na ang girls housemate at si elisse sa kwarto ng mga girls.

Doon sinabi ni elisse na siya muna si fairy hugot mother.

Sinimulang bumunot si elisse ng papel mula sa box at binasa. Iyon pala ang mga papel na sinulat nung mga girls housemate nung tinawag sila  ni kuya kanina kung saan isusulat nila ang mga nais nilang sabihin para sa sarili.

Sinimulan namang basahin ni elisse isa isa ang bawat isa at narinig din ni Aileen ang mga hugot nila sa kani-kanilang sarili. Siyempre pagdating kay maymay, napatawa na naman ang lahat dahil sa kanyang sinabi na 'wala siyang boobs'.

PBB Lucky Season 7 (OC)Where stories live. Discover now