Kinaumagahan nagising na ang house mate kasama si Elisse. Agad naman nilang ginawa ang kani-kanilang morning routine.
Habang si Aienn pagkatapos niyang gawin ang kanyang mga morning routine ay pumunta na siya sa kusina upang magluto ng agahan.
Habang prineprepare niya ang manok na lulutuin ay doon din ang pagpasok ng ibang mga housemates..
"Good morning ate Aieen.." Inaantok na sabi ni heaven sabay lapit sa kanya at beso. Yun din ang ginawa ni kisses ng pumasok siya sa kusina.
"Morning ate Aieen.."kisses sabay beso
"Morning kisses. Yung iba pala?" Tanong ni Aieen habang prineprepare yung mga seasoning at ingredients ng lulutuing manok.
"Ah nag aayos pa po, ate..", sabi ni kisses habang umiinom ng tubi.
"Gusto niyo ng kape? Nagpainit ako ng tubig kanina.."
"Cge po ate, gusto mo timplahan kita? Ikaw kisses.." Si heaven na kumukuha ng baso.
"Hindi na heaven salamat nalang. Kailangan ko pang magluto baka makaligtaan ko.." si aieen na humihiwa ng bawang
" Di na din, busog na ako sa tubig. Ate kailangan mo ng tulong jan..?" Si kisses
"Marunong kang humiwa ng manok?", Napailing naman si kisses dahil sa tanong sa kanya.
'jusko never pa nga akong nagluto eh, maghiwa pa kaya ng manok..?' si kisses sa kanyang isip."Ah ate, tawagin ko nalang si marko.." si kisses na dali daling umalis upang tawagin si marko
"MARKOO!!", Napailing iling nalang si Aieen dahil sa mukhang batang aksyon ni kisses.
"Ha ha ha nakakatuwa talaga si kisses. How are you pla ate?"Heaven
"Huh? Okay naman bat mo naman natanong yan?" Si aieen na naghihiwa ng sibuyas..
"Di ko alam kong ako lang toh pero napansin ko kasi na hindi kayo masyado nag uusap ni edward kumpara sa ibang boys. Naguusap naman kayo ni Marko, nakikipagkwentuhan po kayo kina christian at aizan, nakita ko po kayong nakikipag asaran kay yong pero ni minsan hindi ko po kayo nakitang nag usap ng masinsinan ni edward. Kaya nagtataka po ako.." Si heaven sabay higop ng kanyang gatas.
Napahinto naman si Aieen sa paghihiwa at napatingin kay Heaven ng pagtataka. Napakunot noo sya dahil napagtanto niyang totoo nga ang sinabi ni heaven. Ni minsan hindi kami nag usap ng kaming dalawa lang. Nagsimula ata nung niyakap niya ako bigla nung unang lucky task.
"Ate tinawag ko na si marko, paparating na siya..!", Naputol ang pag iisip ni Aieen dahil sa sinabing iyon ni kisses. Napatingin silang dalawa ni heaven kay marko na parang inaantok pero nakaayos naman ang buhok at damit.
"Morning guys, morning ate Aieen..", tamad niyang sabi sabay beso kay Aieen. Napatingin naman sa kanila si Heaven ng hindi malamang tingin.
"Morning too, Marko. Now marko maari mo bang hiwain yang manok. Nadefroze na yan kanina pa.." Si Aieen na itinutuloy yung paghihiwa.
Nagpatuloy ang pagluluto nila na may kasamang asaran at kaunting flirtation courtesy of marko and heaven.
Hindi alam ni Aieen kung anong meron sa dalawa kasi palagi silang nag uusap tungkol sa love at parang may something sa mga salita nila. Kung pwede lang umalis ni Aieen sa kusina ginawa na niya eh, kagaya ng pag alis ni kisses kanina dahil hindi din niya kaya ang atmosphere sa kusina.
Masayang nag eenjoy ang mga housemates sa kanilang mga gawain. Si Aieen na masayang nagluluto ng kanilang agahan. Si markong tinutulungan siya. Ang ibang girls na nagkwekwentuhan sa may dining area at ang mga boys naman ay sa may pool area kung saan nagtratry silang magweight lifting
YOU ARE READING
PBB Lucky Season 7 (OC)
FanfictionTunghayan ang magiging buhay ni Aileen sa loob ng bahay ni kuya. Makakahanap kaya siya ng solusyon sa kalagayan ngayon ng kanyang pamilya? Matutupad kaya niya ang pangarap niyang maging sikat na singer at aktres? Mababago kaya ng pagkakataong ito a...